Tierra Solana

295 7 5
                                    

Author’s Note:

Habang tinatype ko iyong huling part, bigla akong kinabahan, kinilabutan, natakot. Hahaha! Anubey! Tinatakot ko ang sarili ko.

Pero honestly guys, kinilabutan talaga ako habang tinatype ko ito. Sana maramdaman nyo anuman iyong naramdaman ko. Hahaha!

Pray lang po tayo. God Bless!

-Master_Anoch

TIERRA SOLANA

“May balita na ba kay Darwin?” tanong ni Say habang kumakain ng pop corn. Nanonood kami ng The Voice sa sala ng aming bahay. Tutok na tutok kami pareho sa malaking screen.

“Nakausap ko sya kahapon. Ayon may sakit pa rin sya.”

“Kawawa naman sya. Wala pa naman syang kasama sa bahay. Dalawin kaya natin sya?” suhestiyon ni Say, saka tumingin sa akin.

“Mabuti pa nga. Baka hindi ‘yon kumakain kaya hindi gumagaling.”

Kasamahan din namin sa aming pinapasukang mall si Darwin. Ilang araw na syang hindi pumapasok sa trabaho dahil may sakit. Wala syang kasama sa bahay. Nasa probinsya ang pamilya nya. Kaya nag-iisa lang sya sa bahay ngayon.

Pagkalabas namin sa trabaho, dumiretso na kami ni Say sa sakayan ng traysikel papunta sa subdivision na tinitirhan ni Darwin. Ang Tierra Solana.

“Iha saan kayo pupunta?” pangatlong tanong ng traysikel driver na aming nasakyan.

“Sa Tierra Solana po.” Medyo inis ng sagot ni Say. Ang kulit kulit kase ng driver.

“Sigurado ba kayo?”

“Ay hindi po, Nagbibiro lang ho kami.” Pasaring ko sa driver sabay irap. Nakakainis, paulit-ulit na lang. Unli lang?

“Ano ka ba?” siniko ako ni Say.

“Nakakainis kase.”

Sabay kaming napatingin ni Say sa labas ng traysikel ng huminto ito. Agad kaming bumaba at walang imik na nag-abot ng bayad. Bago tuluyang umalis, huling huli ko pa kung paano kami tingnan ng traysikel driver. Mukha naman syang mabait. Pero bakit ganon na lang ang tingin nya sa amin? Parang may gusto syang sabihin na ewan. Nakita ko rin sa mukha nya ang takot. Takot? Pero bakit naman?

Ito ang pangalawang punta namin sa Tierra Solana. Una ay noong bagong lipat pa lamang si Darwin dito. Gabi din noon tulad ngayon. Dahil malapit lang naman ang bahay ni Darwin sa gate ng subdivision, naglakad na lamang kami.

Madilim ang daan. Nakakatakot. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing gabay namin sa paglalakad. Nakapagtataka. Maging ang mga bahay na aming madaanan ay nakapatay ang ilaw. Di kaya brown-out sa buong subdivision? Wala rin kaming nakakasalubong o nakikita kahit isang tao. Solong-solo namin ni Say ang kalsada.

“Mheg!” mahinang tawag ni Say sa pangalan ko. Naramdaman kong humawak sya sa braso ko. “Ang weird. Bakit ganon? Walang katao-tao sa buong subdivision?”

Kanina ko pa rin napapansin ang bagay na iyon. Masyado pang maaga para matulog agad ang mga tao. Pasado alas otso pa lng ng gabi. Saka kahit mga gwardiya sa pinakang entrance ng subdivision, wala rin.

“Oo nga eh. Bakit kaya?” wala sa sariling tanong ko.

Hindi ko pinahahalata kay Say pero ang lakas ng pintig ng puso ko. May kasama ng kaba. Iba ang pakiramdam ko sa subdivision na ito.

TAKUTAN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon