A/N:
Hi guys! Heto na naman ako, papansin lang. Pansinin nyo na kase ako. Hahaha! Ano pong masasabi nyo sa BULONG? Nagustuhan nyo ba? Nabitin ba kayo? Di maganda? OA? Pasensya na kayo, first time ko rin kaseng magsulat ng horror. Hindi ko nga alam kung horror bang matatawag 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit naisipan kung manakot dito, samantalang in real life isa rin naman akong duwag. Hahaha! Secret lang natin yon ha?
Anyway, this is my second story under TAKUTAN TAYO. Sana magustuhan nyo. And one more thing, I'll be using my friends name here. Simula sa story na ito at sa mga susunod pa, para hindi na ko mag-isip ng kung anu-anong name. Sila ang kasama ko sa araw-araw, gabi-gabi. 'Yong names na ginamit ko sa BULONG, they really do exist po talaga. Friends ko sila noong college ako.
P.S.
Hindi po related bawat story, although pare-pareho lang ang mga characters.
Here's ANG BABAE SA GIRLS C.R.!
Enjoy!
-Master_Anoch
---------------------------------------------------------------------------------------------
ANG BABAE SA GIRL'S C.R.
"Narinig nyo na ba ang latest?"
"Totoo ba 'yon? Baka naman sabi-sabi lang."
"Totoo girls. Promise! Sabi ng Ate ko matagal na raw may kwentong ganon. At marami na rin daw ang nagpapatunay. May nagmumulto sa girls cr."
Mula sa aming table sa canteen, naririnig namin ang usapan ng grupo ng mga sophomore sa kabilang table. Lahat na lang ata ng mga estudyante iisa ang topic. Infairness, trending na sa buong campus ang sinasabi nilang nagmumulto raw.
"Oh my God! Totoo kaya 'yon? Nakakatakot!" napalingon ako sa katabi kong si Camille. Bahagya pa nya kong siniksik sa aking upuan. Kahit maputi sya, masasabi ko pa ring namumutla sya. Why? Basta usapang multo, o kung ano pang nakakatakot allergy sya. Duwag kase. Lahat na lang kinakatakutan.
"Maniniwala lang ako kapag nakita mismo ng mga mata ko." balewalang sagot ni Shen.
"Ako rin. Hindi naman ako naniniwala sa mga multo multo na yan. As if naman they really exist noh? If I know, gawa-gawa lang nila ang kwentong 'yon. Kumalat sa lahat, at dahil kung kani-kaninong bibig na nanggaling ayon nadagdagan na ang kwento." pagsang-ayon ko kay Shen. Tumango naman si Shen bilang pagsang-ayon din sa akin.
Ako si Rhea. Freshmen. At hindi ako naniniwala sa multo. Kung meron man, eh di sana matagal na akong nakakita. Don nga sa bahay namin laging sinasabi ng Kuya ko, nagpapakita raw sa kanya si Lola. Si Lola na matagal ng patay. Kung totoo ngang nagpapakita si Lola, bakit sa kanya lang? Bakit hindi sa akin? O kaya kay Mama? O kay Papa? Bakit kay Kuya lang? Kaya hindi rin ako naniniwala sa Kuya ko. Gawa-gawa nya lang yon, para matakot ako. Eh hindi naman ako natatakot.