PROLOGUE

152 12 9
                                    

Prologue

"Ito po si Phyam Barrameda, nagbabalita." Malaki ang ngisi ko hanggang sa tuluyang nag-off ang camera.

Kaagad akong nilapitan ng mga kasamahan ko at nakipag high five. "Nice one, Phyam. Kaya ikaw ang nadidinig kong papalit daw kay Ma'am Aura sa pagiging anchor eh." Usal ng technical crew ng grupo naming si Dan.

Sandali kong pinunasan ng tissue ang pawis ko saka siya nginitian. "Sus, saka na ako maniniwala kapag nandyan na ang kontrata." Tugon ko pero sa loob loob ko, sana nga ay totoo ang chismis. Iyon na lang ang pangarap na hindi ko pa naaabot.

Nakangisi lang na umiling ang ibang crew. Alam nilang gusto ko rin talagang paniwalaan ang bali-balitang iyon ngunit ayaw kong mag-assume. To see is to believe ikanga.

Dinampot ko na ang mga gamit ko. "Oh paano? Mauna na ako ha?" Malaki ang ngisi ko nang kumaway sa kanila. Tuluyan na akong nagpaalam sa buong team.
I am Phyam, the goal catcher. Para sa akin, napakalaking bagay ang matutong umabot ng pangarap. Dreams we're not invented to remain dreams forever but something to be achieved. Sa hinuha ko'y wala pa yata akong pinangarap na hindi ko pa naabot.

Naiahon ko sa hirap ang pamilya ko, may matatag akong love life, may maganda akong career. I can say I'm successful. Pagiging anchor na lang at maging Mrs.Gomez ang kulang ay tuluyan ko nang maiko-cross out ang lahat ng nakalagay sa dream board ko.

Ganado akong sumasabay sa kantang nakukulong sa loob ng kotse ko. Espesyal ang araw na ito para sa akin. Ika twety fifth birthday ko na at handa ko nang ibigay kay Kurt ang lahat lahat. Sa loob ng limang taon namin, iningatan ko ang pagkababae ko and he did the same. Nirespeto niya ako at ni minsan ay hindi kami umabot sa puntong pinilit niya akong gawin ang makamundong bagay na iyon.

But this day is different. Handang handa na akong ibigay ang buo kong pagkatao ko sa kanya. All these years I've been this typical Miss Independent at maswerte akong kahit boyfriend ko siya ay hindi niya kinontra ang anumang gusto ko. I have my freedom to decide for myself. Bagay na karaniwang nawawala na sa isang babae kapag nagkakaroon na ng karelasyon.

Inagahan ko ang uwi. We live at the same condo since last anniversary namin. Usually ay alas dos na ako ng umaga kung dumating at siya ang nauunang umuwi from his job as a call center manager.

Matapos kong maikalat ang mga petals sa buong bedroom ay kaagad na akong nagtungo ng banyo. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiisip ang pwede naming gawin mamaya ng lalaking mahal ko. I'm ready to fully submit myself to him. I know, siya na ang lalaking makakasama ko habambuhay.

Kung dati ay pajama ang suot ko, ngayo'y isang sedang kulay pula ang isinuot ko. Bahagya pang nag-init ang pisngi ko nang mapakatitigang mabuti ang sarili. Hindi man ako gaanong katangkaran sa height kong five three, may hubog naman ang katawan ko. Lalo pang pumuti ang porselana kong kutis dahil sa kulay ng suot ko.

Inilugay ko ang lampas balikat kong buhok na medyo kulay brown. Kahit gabi na ay napagpasyahan kong maglagay ng kaunting make up para mas madepina pa ang facial features ko.

"Tignan ko lang kung hindi mo pa ako yayaing magpakasal pagtapos ng gabing ito, Kurt." Untag ko sa sarili habang pinagmamasdan ang sarili.

Tinignan ko ang wall clock sa taas ng pinto, pasado alas nwebe na, maya-maya lang paniguradong narito na si Kurt, magagawa na namin ang dapat ay matagal na naming ginawa.

Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng pagbukas ng pinto. Kaagad kong pinatay ang switch ng ilaw saka tumalon sa kamang puno ng rose petals. This is it! The most romantic night of our lives!

Chasing The StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon