"This is bullshit! Hindi niyo ba ako kilala?!" Umaalingawngaw ang lakas ng boses ko sa lugar. May ilan nang residente ang nakikiusyoso pero hindi ko talaga mapigilan ang galit ko.Broken hearted akp hindi ako rape victim!
Hindi ko maiwasang maghisterikal dahil sa inis. For pete's sake, ikaw ba naman ang sabihang "prank lang po." Matapos mong magwala sa galit dahil nagkandaleche leche na ang umaga mo?
Na-late na ako, wala na ang taong dapat kong interviewhin para sana maibalik ko ang chance kong maging anchor, dahil saan? Sa isang lecheng prank ng kalabang network?!
Oh please. Tell me na bangungot lang ito.
Pilit na nagpapaliwanag ang mga crew ngunit ang ikinakairita ko ay iyong tila pagsasawalang bahala nung lalaking reporter na kasabwat ng gag show. Prente lang siyang nakasandal sa bumper ni Rosa habang nagtetext. Wow ha? Kotse mo?
Nagsasalita pa ang babaeng tingin ko ay writer nila nang lampasan ko siya para lapitan yung lalaki. Humalukipkip ako sa harap niya saka itinaas ang kilay.
"Baka pwedeng wag mong upuan yang sasakyan ko? Baka masira." Mahinahon ngunit may pagbabanta kong sabi.
Sandali niya akong sinulyapan para ngitian ngunit ibinalik rin agad niya ang tingin sa cellphone. "Hindi yan." Confident niyang tugon.
Halos pumutok ang lahat ng ugat ko sa katawan dahil sa inis. He's impossible! Ang kapal! Wala bang kahihiyan sa katawan to? Tinangay na ba ng kapreskuhan niya? Saan ba may nagdodonate ng hiya nang maorderan ko itong taong to?
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.
"Look, Mr?"
"Avenilde. Gareth Rios Avenilde." Matipid niyang pakilala na hindi man lang inaalis ang tingin sa cellphone. And please take note na hindi pa rin siya umaalis sa pagkakaupo sa kawawa kong si Rosa.
Muli akong nagpakawala ng malalim na paghinga. Relax. Kaya mo ito, Phyam.
"Alam mo kasi, Mr.Avenilde, late na ako sa interview ko with Senator Guevara. Kaya kailangan ko pang humanap ng irereport ko para naman po hindi ako matanggalan ng trabaho bilang reporter. Kaya kung pwede lang, umalis ka na diyan sa harap ng kotse ko." Sarkastiko kong sabi.
Sandali siyang natigilan. Kunot noo niya akong tinignan mula ulo hanggang paa saka siya tumayo ng maayos. Yan, ganyan nga.
Humalukipkip siya at tila nag-isip. "Reporter ka pala?" curious niyang tanong. Hindi pa rin naaalis ang kunot sa noo niya. Ngumisi ako. "Yes, I am." Taas noo kong tugon.
Ngumuso siya saka tumango tango. "Ahh, di kasi halata. Siguro di ka sikat. Di kita kilala eh." Simple niyang sabi saka naglakad papunta sa mga kasama at iniwan akong laglag ang panga.
Nanlaki ang mata ko. What the hell?!
Mariin akong napapikit at napakuyom ang palad. Padabog akong pumasok sa loob ng sasakyan. May demonyong bumubulong sa aking ibarurot ko na ang kotse ko sa mayabang na iyon nang mawala na siya sa mundo pero nanaig ang awa ko kay Rosa. Ayaw kong madungisan ang maganda niyang itsura para lang sa isang bagyong natutong magpolo ng pula.
Sinulyapan ko sila nang madaanan ko ang RV nila. Malapad ang ngiti ni habagat sa akin. Sumaludo pa ang damuho. Hmp! Mukha kang mashroom! Leche ka!
Pinatakbo ko na lang ng mabilis ang sasakyan ko palayo. Nanggagalaiti talaga ako. Kung hindi ko lang mahal si Rosa baka naibunton ko na sa kanya ang sobrang inis ko.
**
Pagdating ko sa GMN building, kabado akong naglakad papunta sa floor namin. Hindi ko alam kung sadyang maganda lang ako ngayon o talagang tinititigan akp ng bawat makasalubong ko at sa tantya ko, hindi iyon titig ng paghanga. May something...
"Hi Phyam!" Malaki ang ngisi ni Cara. Nakasandal siya sa poste habang may hawak na cup. Feeling nescafe endorser eh mas maputi pa sa kanya yung kape.
Pilit akong ngumiti. Plastik ka, non biodegradable ako.
"Hi!" Pilit ko talagang pinagmukhang sarkastiko.
Lalong lumapad ang ngiti ng gaga, kulay dilaw naman ang ngipin. Damit niya green, buhok niya red, ngipin niya dilaw, wow regay!
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil kaunti na lang bubungisngis na ako ng tawa dahil sa naiisip. Thanks to Cara, nawala ang badtrip ko.
Lumapit siya at tinanggal ang coat saka pinaypayan ang sarili. "Ang init no?" Nakangisi niyang sabi.
Napangisi rin ako nang makita ang katawan niya. Walking ruler.
Tumango lang ako. Baka kapag ibinuka ko ang bibig ko mapahagalpak na talaga ako ng tawa.
"Kasing init ng ulo ni Madam Coreen sayo. Goodluck! Sige ha? Kailangan ko nang umalis. May appointment pa ako with Senator Guevara eh. Chow!" Usal niya saka taas noong umalis.
Nawala ang ngisi ko sa narinig. Napalunok na lang ako habang tinitignan siyang maglakad. Nang marating niya ang pinto ay naiamba ko sa hangin ang kamao ko. "Ciao yun boba!" Mahina kong asik saka napairap.
Napabuntong hininga ako. Hindi maganda ang kutob ko dito.
Tatlong katok lang at marahas na bumukas ang pinto ng opisina ni Madam Coreen. Isang mariing "GET.IN." Ang ibinungad niya sa akin.
Nanginginig ang mga binti ko nang sumunod ako sa kanya papasok. Nakaupo na siya sa swivel chair habang hilot hilot ang sintido.
Para akong ginigisang bawang dahil sa talim ng tingin ni Madam sa akin.
"Jusko naman, Phyam! Public figure ka, bakit ka nag eskandalo?! Kalat na kalat na sa iba't-ibang social media sites ang nangyari sa pagitan niyo ng crew ng laughing bone gag show! My goodness!"
Kinuha niya ang kanyang abaniko at pinaypayan ang sarili. Gusto ko sanang sabihin ang side ko pero kapag binuksan na ni Madam ang pamaypay niya, isa lang ang ibig sabihin nito--wala kang karapatang sumabat.
"Ngayon, ano na lang ang mukhang ihaharap mo sa big boss? Si Senator Guevara na ang inindian mo. Paano mo yan lulusutan ngayon?" Galit na dugtong niya. Napayuko ako, kilala ko si Madam. Ayaw lang niyang mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko kaya umuusok ngayon sa galit ang ilong niya.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Kasalanan ito ni habagat. Kapag ako talaga nawalan ng trabaho, naku! Itatapon ko yun sa bermuda triangle kung saan siya nararapat! Tignan ko lang kung umubra ang bagyong taglay niya doon.
Magsasalita pa sana ulit si Madam nang biglang magring ang telepono niya. Iritado niya itong dinampot at sinagot.
"Ano na naman?!" Parang tigre niyang bungad sa kausap. Maya-maya'y bigla na lang nawala ang galit niyang ekspresyon at napalitan ng pag-aalala. "Oh my goodness." Natutop niya ang kanyang bibig.
Tila nanlulumo niyang ibinaba ang tawag saka wala sa sariling napatitig sa akin.
"Si Cara, naaksidente..."

BINABASA MO ANG
Chasing The Strings
ChickLitPhyam Barrameda is a well-known news caster. Dream come true para sa kanya nang ibalitang siya ang napupusuang pumalit sa pwesto ng kanilang batikang anchor. Everything is perfect. Maganda ang estado ng kanyang career at matatag ang pagsasama nila...