Chapter 1

57 9 9
                                    


Chapter 1

Halos mapatalon ako sa kinakaupuan nang ibagsak ni Madam Coreen ang tapes sa kanyang mesa. Sumandal siya sa back rest ng swivel chair saka hinilot ang sintido.

"What is happening to you, Phyam? For these passed months you're no longer the well known phenomenal journalist everyone used to know." Damang dama ko ang galit sa boses niya.

Kinuha niya ang isa sa mga tapes at iwinasiwas ito sa harap ko. "Your reports we're lame! Dinaig ka pa ng mga nag-o-OJT! My goodness. Ni isa walang naging headline."

Mahigpit akong napakapit sa folder na dala ko nang muli niyang padabog na inilapag ang tape. Hindi ko magawang hagilapin ang mga tamang salita para maipagtanggol ang sarili ko. I used to argue with them kapag alam kong tama ako but not this time. Tama si Madam, tila nag-three hundred and sixty degrees change ang buhay ko simula nung araw na naghiwalay kami ni Kurt. It felt like I've lost my whole life, tila kinuha ng wala man lang akong kalaban-laban.

Isang mahabang buntong hininga ang pinawalan ni Madam bago may kinuhang folder sa kayang file rack. Inilapag niya ito sa harap ko. "Two months, Phyam. For heaven's sake, ibalik mo na sa dati ang sarili mo. Please lang, if you have issues in life, huwag mong dalhin sa trabaho. It's not healthy for your career."

Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Huwag dalhin sa trabaho? Can't they see na sinusubukan ko naman? Sino bang nagsabing gusto kong dalhin ang pagiging broken hearted ko sa trabaho? No one would love to be in this situation, pero wala akong choice, ang hirap  lumabas. Kung pwede lang overnight ang pag-mumove on wala sana akong problema.

Tumingin ako sa kanya saka pilit ngumiti. "I uh, I'll do my best, Ma'am." Simple kong tugon saka tatayo na sana nang pigilin niya ako.

Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga saka nag-aalalang tumingin sa akin. "You know, Cara is making great reports lately. May offer sa kanya ang big boss at once na matuloy iyon, magpaalam ka na sa dream position mo." Natigilan ako sa narinig. Umawang ang bibig ko ngunit walang salitang gustong lumabas.

Isinangkal niya ang magkabilang siko sa mesa saka nagpangalumbaba. "I'm looking forward sa pagbabalik ng kilala kong Phyam." May paghahamon sa kanyang boses.



ISINANDAL ko ang ulo ko sa head board ng kama. Sumasakit na ang mata ko kakabasa ng reports na binigay sa akin ni Madam Coreen. Dinaig ko pa ang detective sa pagsosolve kung sino ang posibleng maging utak ng mga bomb threats sa iba't ibang lugar sa bansa. Alam kong kaya niya ito pinapagawa sa akin para maging busy ang utak ko at baka sakaling magbalik ako sa dati.

Sa huli, napagpasyahan ko na lang itigil muna ang pagbabasa sa mga ito at pumunta sa kusina. Nag-init ako ng fresh milk. Habang hinihintay ay saktong nagring ang telepono. Gaya ng inaasahan, si Lovi ang tumatawag.

"Tigilan mo ako sa kakatanong kung nahanap ko na ba yung lalaki dahil hindi, Lovi. At hindi ko na siya hahanapin pa. Sapat na yung isang buwan kong paghahanap sa kanya." Hindi pa man siya nakakapagbitaw ng isang salita ay binirahan ko na agad siya. Kahit hindi ko siya nakikita ay paniguradong humaba kaagad ang nguso niya dahil sa sinabi ko.

"Ito naman, ang sungit sungit. Oh siya! Matulog ka na! Kinamusta lang kita." Napailing na lang ako. Kakaiba talaga mangamusta ang kaibigan kong ito.

Mapakla akong napangiti nang ilapag ko ang telepono. Kinuha ko ang baso ng gatas saka dumiretso sa veranda. Nasa isa sa pinakamataas na palapag ako nakatira kaya tanaw na tanaw ang city lights. Narerelax talaga ako sa tuwing makikita ko ang syudad pag gabi.

Nanumbalik na naman sa alaala ko yung lalaking tinutukoy ni Lovi.

Nung gabing naghiwalay kami ni Kurt, ang alam ko lang ay nalasing ako ng sobra. May tumulong sa akin at paggising ko, nasa isa na akong hotel. Walang natanggal na damit ko, kumpleto ang gamit ko, ligtas ako. Ngunit yung lalaking tumulong sa akin, sa kasamaang palad, wala na siya pagkagising ko. Ang saklap lang dahil hindi ko man lang matandaan ang mukha niya. Ang tanging meron lang ako bilang alaala niya ay yung sticky note na nakadikit sa cellphone ko.

"Till you bump in my car again." Mahina kong bulong sa sarili. Mapakla akong napangiti nang maalala ang nakasulat sa sticky note.

Nakakatawang isiping hindi ko man siya nakilala ay gustong gusto ko siyang makita. Paminsan-minsan nagdadrive lang ako ng nagdadrive, paikot-ikot sa buong syudad, hoping that one day, siya naman ang babangga sa harap ng kotse ko. Pero sa hinuha ko, iyon na yata ang pinaka-imposibleng mangyari.

Imposible, pero sana...Sana mangyari.




"Damn it! Come on, Rosa! Mali-late na ako!" Panay na ang maktol ko sa loob ng kotse. Ano bang nangyari dito sa sasakyan ko at ayaw magstart?

"Please! Please! Promise ipapa-car wash na kita mamaya." Tila baliw kong pakiusap. Maya-maya'y laking gulat ko nang magstart na nga ito, finally. Halos mahalikan ko ang manibela. Uto-uto rin pala itong sasakyan ko. Manang mana sa amo.

Habang binabagtas ko ang isang shortcut patungong C5, gumulong ang cellphone ko sa baba. Dahil wala namang sasakyan at taong nagdaraan, binagalan ko na lang ang takbo nito saka pilit inabot ang cellphone kong walang tigil sa kaka-vibrate.

"Ay asong gala!" Halos mapatalon palabas ng dibdib ko ang puso ko nang bigla kong ipreno ang sasakyan. Ilang ulit kong binusinahan ang lalaking nakaharang sa daan ngunit parang hindi niya ako naririnig.

"Lintek, ngayon pa! Mali-late na ako!" Nanggagalaiti akong bumaba ng sasakyan saka pinuntahan yung lalaki.

"Hey, magpapakamatay ka ba?" Inis kong usal ngunit parang hindi niya ako narinig. Tuloy lang siya sa pagkakalikot sa cellphone niya. Kumuyom na ang palad ko sa inis. Akmang hahablutin ko na ang kwelyo ng damit niya nang biglang may lalaking lumapit sa amin. Humingi siya ng pasensya sa akin saka nagpakilala.

"Ma'am, sorry, naka-earphones po kasi. I'm so sorry." Usal nito saka kinalabit ang lalaki. Huli na ng marealize kong ang suot na uniporme ng lumapit na lalaki ay ang uniporme ng kalabang estasyon. May biglang sumigaw na isang matabang babae. May katabi itong camera man na nakatutok sa amin.

Maya-maya'y ibinaba na nung lalaki ang cellphone niya saka tumingin sa akin. "Ah, ito na pala siya eh. Okay game!" Masigla nitong sabi. A sweet smile made it's way to his lips. Ngiting magdadala ng kilabot, ngiting hindi mo halos pagkakatiwalaan.

Kumunot ang noo ko nang bigla na lang niyang itinapat sa bibig niya iyong mic saka tumingin sa camera. Doon ko lamang siya napakatitigang mabuti. Ang maputi niyang kulay ay bumagay sa red polca dots niyang polo. He has a perfect jawline for someone who is not too masculine. Matangkad siya at medyo slim ang katawan ngunit mababakas pa ring maganda ang katawan niya base sa katamtamang laki ng kanyang braso. Bilugan ang kanyang matang lalong na-highlight ng mahabang pilik mata. Makapal at lalakeng-lalake ang kilay niya. Ang buhok niyang may shade ng brown kapag tinatamaan ng sinag ng araw. Medyo wavy ito at may kahabaan.


"Live po tayong nagrereport dito sa Zone 8 ng Kalapan, kung saan nga nagahasa si Mary Joy Recto."Nanumbalik ako sa reyalidad nang magsalita siya. Napalunok ako, what the heck am I doing here? Reporter ito ng kalabang chanel.

Nang magets ko na ang nangyayari ay hahakbang na sana ako palayo ngunit bigla niya na lang akong hinawakan sa braso saka itinapat sa akin ang mic. "Miss Mary Joy, maaari mo bang ituro sa amin kung saan ka dinala at ginahasa ng kriminal?" Seryoso nitong sabi.

Umawang ang bibig ko dahil sa pagkabigla. Nang hindi ako nakapagsalita ay muli siyang tumingin sa camera. "Mukhang hindi pa handa ang ating biktima na maikwento ang buong pangyayari. Naiintindihan namin, Mary Joy. Mahirap talaga para sa isang dalaga ang ganitong sitwasyon lalo na't wala siyang ibang nagawa kundi ang umiyak nang mga panahong iyon. Samantala, kasalukuyan pa rin ngayong tinutugis ang kriminal na gumahasa kay Mary Joy. Balik muna sa inyo, Jack."

Tuluyan nang nalaglag ang panga ko.


What the fuck?

Chasing The StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon