*Kriiiiiiiinggg *Krinnnggg
"Tanya! Yung telepono!"- Sigaw ni tita
Naman oh, natutulog ako eh. Istorbong telepono naman oh. Uso na kaya ngayon ang cellphone para mag-PM na lang. Tsss.
"Tanya! Yung telepono!"- Sigaw ulit ni Tita
"Hmmm. Ikaw na 'ta"- nakapikit na sabe ko.
Anung oras na ba at masyadong nanggugulo yung taong yun. Tinignan ko yung orasan ko sa tabi ng kama ko. Alas kwatro palang ng madaling araw! For pete's sake! Alas kwatro. please naman oh! Masyado pang maaga!
"Aba, nagluluto ako dito ng hapunan!"
Hapunan? Alas kwatro? Madaling araw? At kelan pa naging hapunan ang almusal? Nagbago na ba ang oras ng mundo ngayon at mukang nagkabaliktad na.
At dahil tinatamad akong tumayo, hindi na rin ako tumayo at hinayaan na lang yung telepono na magring ng magring. Nakakatamad kaya, nasa living room pa kaya yun. Mahaba-haba pang lakbay ang gagawin ko, baba pa ko tapos aakyat ulit. No thanks na lang. Haha
Pinikit ko na lang ulit yung mata ko. Mamaya pang nine o'clock ang klase ko, kelangan kong mag-gain ng lakas kase mamaya, PE yung subject namin at alam kong may nakakapagod na gagawin yung prof namin dun.
Actually, hindi ko masyadong alam yung schedule namin. Si Amber lang ang lagi kong tinatanong kung anung gagawin, siya yung guide ko sa subjects. Haha, kase nga diba, new student lang ako sa Richmund Academy, eh mas gamay ni Amber mga tao dun kase sanay na siyang maka-encounter ng mga classic na tao. Alam nyo yun.
*Yaaaaaawn* Tutulog na muna ako.
zzzzzzzzz.... zzzzzzzzzzz
*Kriiiiiiiinggg *Krinnnggg
"Tanya! Bumangon ka na diyan at sagutin mo yung Telepono!"
Juskopo. Hindi ba nakakaintindi si tita na 'Sleeping is the body's way to tell the people to go away'.?Tsk, I'm kind of busy sleeping here.
Hindi ko na lang ulit pinansin si tita at pinilit kong pinikit yung mga mata ko. Poor pretty eyes, hindi kayo makapahinga anu po. Mamaya magpapaka-busy nanaman kayo kaya let's sleep muna. Hindi ako tamad FYI lang, I want rest lang muna.
zzzzzzzzz.... zzzzzzzzzzz
"Tanya! Aba naman bata ka! Alas nywebe na!"- Titang sumisigaw
Huh? Diba nine yun? edi late na ako sa school. Oh-em-gee.
Tumayo na ako ng kama ko at naligo na, hindi ko na inisip kung anu yung nasa paligid ko, basta daredarteso lang akong naligo at nag-ayos ng uniform. I did my daily personal routine. After that, bumaba na ako. Late na ako.
"'ta! Alis na po ako, late na po ako. Bye! Mwa"- at nag flying kiss pa ako sakanya
"Oy! Anung papasok? Gabi na! Kelan ka pa pumasok ng gabi ha? May mga nililihim ka ba Tanya? Niloloko mo na ba kame? Ha?"- Tita na papalapit ng papalapit na may hawak ng sandok at dinuduro niya saakin.
"Diba po nine na? May pasok po ako ngayon eh?"- Patanong na sabe ko
"Anu ka ba naman. Alas nywebe na ng gabi tapos may pasok ka? Lasing ka ba ha?"
Alas Nywebe ng gabi? So ibig sabihin nun, nine in the evening diba?
Agad naman akong sumilip sa bintana at tinignan kung may araw. Pero, I'm disappointed. Kase.. Kase wala si Haring araw kung di ang echuserang buwan lang.
Tumingin ako kay tita ng poker face.
"Bakit hindi nyo po sinabi sa akin?"
"Sinabe ko nga diba"- Tita, sabay balik ulit sa kusina at nilamon na ng kaldero. Joke.
BINABASA MO ANG
Inside my Mind (ON-GOING)
RomansaA girl who lives normally, same as with other simple girls. But as she transferred to a new, well-known, popular school, her quiet and naive life changed... 'Coz she met 'someone' that will make her life miserable.