Chapter 4: Abandoned Building

14 0 0
                                    

Ang Bilis ng pangyayari, Parang nagfafast forward ang lahat at sobrang mabilis, nawawala na ako sa katinuan ko. Tsaka parang nagsisisi na ako kung bakit pa ako pumasok ng Richmund, bakit ko pa ba kasi naisipan ituloy to? Huhu. Now my college life is ruined. 

Di ko naman kasi alam na.. na.. disaster pala ang mangyayari, kasi simpleng estudyante lang naman ako na may mataas na pangarap, kaso mukang mahirap na abutin yun, kase may kontrabida sa buhay ko. At yung "kontrabidang" yun ang sisira sa pangarap ko. At ayokong mangyari yun, gusto ko pang umunlad buhay kooo. Huhu

Kaso sa tuwing naaalala ko yung sinabi nung GC samin kanina, parang nanghihina ako. Parang nasusuka ako na natatae kasi kadiri lang isipin. Huhu, at ang worst, yung 'kontrabida' ng aking buhay pa ang makakasama ko sa event na yun. But why?? Gaya nga ng sabi ko, maganda lang ako, at hindi naman masama maging maganda diba? diba? Eh bakit ganto na nangyayare saakin. Paki explain po please. 

"So, I chose the two of you, on behalf of our Dean to manage the next week's activity. And because the two of you are freshmen, high ranking in academics and non-academics, you will be the one who will manage the program next week"

Waaaaaahhh!! Memories, worst memories..

"And tomorrow, is you Freshmen's night. And I guess, you two will be together" 

Then She grinned. 

Pero ang mas naiisip ko is yung pag grin ni Ms. GC! Bakit siya ngumiti ng nakakaloka. Bakit? At parang may feeling ako na may meaning yung pag ngiti niya ng ganun. Hindi naman siya ka-age namin para magganun siya, matanda na siya kaya, walang offensement ah, kaya medyo hindi bagay. Medyo lang ha. Haha

This school is really killing me softly..

Naglalakad ako sa hallway na parang baliw. Hindi ko na nga alam kung nasaan na ako.

Nasan na nga ba ako?

Tumingin tingin ako sa paligid ko. Medyo wala ng tao dito, parang isolated part na ito ng school, yung taguan lang ng mga gamit na hindi na nagagamit. Tapos medyo madilim rin kase hindi gaanong nasisinagan ng araw. Medyo scary nga eh.

At dahil medyo scary, ayoko nang magstay pa. Hindi naman ako tulad sa mga movies na pinoy na mag-eexplore pa kung anung laman nung place na yun. Tss. Bakit ko pa tatakutin sarili ko noh.

Tumalikod na ako at magsisimula ng maglakad ng biglang may kumaluskos sa isang room dun sa dulo ng hallway. 

OH MO! OH MO!!

Napatingin ako agad sa place ng kumaluskos. Huhu. Kakasabi ko lang na hindi ako tulad ng mga movies eh, pero nacucurious ako. Gusto kong malaman kung anung meron dun sa loob. Chismosa ako, at inaamin ko yun.

Naglakad ako papalapit dun sa dulo ng hallway. Wala eh, natalo ako ng curiosity ko eh tsaka nagkusa na ang paa ko na maglakad papunta dun. Galing noh, may sariling buhay sila.

Dahan dahan ako naglakad, yung pang ninja nalakad at sumulyap isa isa sa rooms na madadaanan ko. Parang building kasi to na hindi na nagamit, yung napaglumaan na building. Pero ginagamit pa naman to, kaya lang yung upper part kung saan nandito ako ngayon, yun yung hindi nagagamit na ng mga staffs at studyante dito. 

Dinikit ko yung tenga ko dun sa door nung room na may kumaluskos. Baka kase may tao, at pag nakita naman ako, baka isipin pa na nakikichismis ako, which is.. somewhat... eh, tama. Haha

I heard whispering, talking and laughing. Mga  multo kaya sila? Hala!

Lalo ko pang dinikit yung tenga ko sa door, baka kase hindi sila multo, or baka kung anu yun, baka tao lang diba. Pero sa place na ganto? Diba dapat wala ng tao sa lugar na to kase, intrams ngayon at diba dapat nagpaparty party lang sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inside my Mind (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon