CHAPTER 003

16 4 0
                                    


Jungkook POV

"Kookie, Samahan mo ako mamaya, may pupuntahan tayo"

Sabi ni Ate Jy. Tumango ako and she gave me a smile and went upstares.
Nauna na si Kambal sa school. Morning person kasi siya ako naman hindi.
Di ko talaga maiwasang mag alala sa kanya. Siyempre kapatid niya ako.

Umakyat na ako sa kwarto ko para maka pag ligo at bihis.
I wore a black longsleeve shirt, jeans and my jordans. Bumaba na ako at hinintay nalang si ate sa sala.

Di naman nagtagal bumaba na din siya. I looked at her. Ang blooming niya yung tipong in love eh wala naman siyang lovelife. Maliban nalang dun sa Member ng Exo na kinababaliwan niya. Si Xiumin.

She smiled at me.

"Noona, may date kaba?"

Nilingon niya ako ng makapasok na kami sa kotse. Umiling naman siya at ngumisi lang.

"Bakit mo naman natanong?"

Tanong niya saken. Pina andar ko na ang sasakyan ko at pinaharurot.

"Blooming ka kasi"

Tumawa naman siya. Umiling nalang ako.

"Xiumin effect yan, Kookie"

She said. Grabe ang weird ni Noona, kung di ko lang siya kapatid napagkamalan ko na tong baliw eh.
Nang maka rating na kami sa ospital nauna na siyang bumaba.

Sinundan ko lang siya.
Bakit ba kasi siya pabalik balik dito?
May kaibigan ba siyang na coma?
Isang buwan ko na din siyang napansin na pabalik balik dito.

Imposible namang buntis siya. That would be creepy, maliban dun sa Xiumin niya na sa TV ko lang naman nakikita eh wala namang boyfriend yan si Noona.

"Hintayin mo nalang ako dito sa lobby. Di naman ako magtatagal"

I just nod. Gusto ko ngang sundan kaso wag nalang. Magsasabi din naman yan. Hay nako.
Pinaglaruan ko nalang yung phone ko.
I already texted my twin sister na may pinuntahan kami ni Noona at baka lunch na kami maka balik.

Isang oras din ata akong naghintay at bumalik naman na si Noona.
Di na ako nag tanong. Dumiretso na kami sa school.
Pero napansin ko na parang biglang nag iba ang mood ni Noona.

Ano kayang nangyari?

"Noona, you okay?"

Nilingon niya ako. Ngumiti lang siya at tumango. Hinayaan ko na. Next time ko nalang tatanungin.
Pagdating namin sa school nag hiwalay na kami.
Senior na kasi si Noona at kami naman ni Irish, 2nd year college pa.

Naabutan ko na ang uusap si Irish at ang best friend niyang si Inna.
Ngumisi ako. Mapagtripan nga.
Dahan dahan akong lumapit di naman nila ako napansin kaya tinakpan ko ang mata ni Inna.

Nainis na siya saken at napagkamalan pa akong si Hoseok. Natawa ako.
Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya bago ko siya binitawan. Bigla naman siyang tumingala. Kaya mas nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.

Napatingin ako sa kanya.
Halata naman sa mukha niya ang pagkagulat. Namumula na nga siya.

"Hi Inna"

Ngumisi ako sa kanya. Shet ang ganda niya talaga. Tinitigan ko ang mga mata niya.
Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko.

Shit. I guess i'm too close.
Tumayo na ako ng maayos.
Tinawanan ko lang siya kasi ang pula ng mukha niya.

Tinanwanan din siya ni Irish kaya tinignan niya kami ng masama.

"Inna, you should've seen your face!"

Natatawang sabi ko sa kanya.

"Pengeng salamin ng makita ko ang mukha ko"

Hala nagalit ko ata.

"To naman galit agad. Joke lang eh"

Sumimangot lang siya. Dumating naman na yung prof kaya nagsipuntahan na kami sa upuan namin. Katabi ko si Inna.

"Pero totoo, ang cute mo kanina"

Sabi ko sa kanya. Totoo naman eh!
Bigla niya akong nilingon.

She's blushing. How cute ^_^
I smiled at her at nakinig na sa klase.

She's too cute. That's why I like her :)

-----------------------------------------------------------
Ahem ahem. Sorry medyo lame. Inaantok na kasi ako XD

- Kookieshyy

Love Is A BattlefieldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon