Unang klase ng eskwela, huling taon ko na rin dito sa St. Great High
Sa nakalipas na tatlong taon. Isa lang talaga ang maituturing kong kaibigan At yun ay si Princess Cham Gustulan, o mas kilala bilang si chamy ni Zia. Bakit Chamy ni Zia? Dahil si Zia lang ang may karapatang tumawag sa kanya nun. Masayahing tao si Chamy, mabait, palakaibigan at talaga namang maaasahan sa anumang bagay, ni minsan ay hindi niya ako iniwan sa ere, lagi lang siyang nanjan at ganun din naman ako sa kanaya.. Pero may isang katangian na di lubos maisip ng sinuman na tataglayin niya at
tanging si Zia Montenegro lang ang nakaka-alam
tanging Ako lang dapat ang makaka-alam.
Dahil sa oras na matuklasan ito ng iba
Apat na Salita
MALAKING GULO ANG MAGAGANAP
- * - * -*-
"Chammmy!"
Bakit Zia? Nakangiting tanong niya.
"Ano ba kasi yung katangian mo na di dapat malaman ni sinuman?"
Ano bang tinutukoy mo diyan? Katangian? Di dapat malaman?
May ganoong bagay ba akong nabangit o nasabi sa iyo? Halata sa boses niya ang pag-tataka.
"Ehhh wala naman, pero kasi gusto kong gumawa ng isang istorya. At tayo ang characters. Ito oh basahin mo." Kunot noo niya itong sinuri, at NAPANGITI siya!
"Ui!" Muling tawag ko sakanya, "bakit ka napapangiti jan? Nagustuhan mo ba?"
Inangat niya ang kanyang tingin mula sa binabasa pa-sa akin. di parin nawawala ang bakas ng kanyang ngiti.
"Ano na?" May pag-kainip kong tanong.
*Mahinang tawa* Alam mo Zia, ang mainipin mo talaga. *mahinang tawa* lumalawak nanaman yang imahinasyon mo.
Pero alam mo ba, natutuwa ako sa ginawa mo.
"talaga?" may pag-kamanghang singit ko
*mahinang tawa*
""Kanina ka pa mahinang tumatawa diyan, masiyado ka naman atang natutuwa. Hmft. Baka naman, nalalait na ako diyan sa isipan mo."
Ano ka ba! Tumatawa ako hindi dahil sa kamalian o sa kung ano mang yan inaakusa mo sa akin, natutuwa lang ako sa iyo kasi.
"Ahhh!! Aray naman chammy! Masaaakit!" sabi ko habang hinihimas ang pisnging kinurot niya.
Kasi, ang cute mo. Para kang bata diyan na nag-mamaktol na di mapakali.
Tungkol naman dito sa sinulat mo. Ang totoo niyan ay napa-isip ako. Ano nga ba ang meron ako na di nila dapat malaman? At kung malaman man nila, bakit may di magandang manyayari? Teka irephrase ko, ano nga ba ang di dapat malaman ninuman na taglay ng isang tao dahil nakakapag-dulot ito ng kapahamakan?
"Kaya nga tinatanong kita, kasi hindi ko rin alam ang sagot." matamlay kong sabi.
Ahhh alam ko na. sabay tango.
"Talaga?! sige nga."
Edi ang s--
Krkrkrk (sound effects door opened)
GOOOD MORNING CLASS!
"Ugh wrong timing naman si Ms. Adelarde" bulong ko sa sarili kasabay ng aking pagtayo.
GOOD MORNING DIN PO MS. ADELARDE!
:) YOU MAY ALL SIT DOWN.
Umupo na kami, ano kaya yung naisip ni Cham? Sana naman hindi biro ang nasa-isip niya. Para naman mag-tuloy tuloy na ang daloy ng istorya ko.
BINABASA MO ANG
Unremembered
FantasíaFor the past three years We belong to the same class But I never noticed him Never had an idea that he exist Until that day When I asked his name We met, we fought, became close, fell in love and out of love After that miserable day I intended to...