Y D A F E V V
Napatingin ako sa ibaba ng burol na tinatayuan ko. Ito ang lugar na kinalakihan ko. Kung saan ako lumaki. Kung saan ako umiyak at tumawa. Kung saan nakatira ang mga taong minamahal ko. Ang bayan ng Iredale. Lumipat ang tingin ko sa kastilo na may limang burol ang layo.
Ang kastilo ng mga Parsleya kung saan naparusahan ang pamilya ko. Kung saan sila nakulong at pinahirapan. At kung saan sila huling huminga.
Lumipat ang aking paningin sa may kalayuang parte ng bayan.
Ang Duxerth Academy kung saan kailangan kong makapasok upang makapaghiganti sa mga Parsleya. Ang paaralan kung saan hinahasa ang mga kapangyarihan ng mga estudyante.
"Selene." Napatingin ako kay Vince.
"Handa ka na ba?" Napatango ako at napabuntong hininga.
Hindi ko planong pumasok sa Duxerth gamit ang dahas pero dahil sa ilang pangyayari ay kailangan kong samahan ang aking grupong kinabibilangan.
Simula ng mamatay ang aking pamilya ay unti-unting napariwara ang aking buhay. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng aking mga paa sa paglalakad. Sa hindi inaasahang pangyayari, nakarating ako sa bayan ng Dart, isang bayan na sakop rin ng Kaharian ng Parsleya. Isa rin ang Dart sa mga nasangkot sa laban ng mga Rebelde. Doon ko nakilala sina Vince at ang iba pa naming kasama. Dahil sa kanila ay nakaya kong bumangon.
Napatingin ako sa aking mga kasamahan. Plano namin na pasukan ang akademya upang iligtas ang isa naming kamiyembro. Ikinuwento sa akin ng pinuno noong araw na hindi pa ako kasali sa grupo ay meron silang miyembrong nag-ngangalang Venice. Tatlong buwan ng salta ngunit nang pasukin nila ang akademya upang nakawin ang papeles ng bayang Iradale. Nahuli siya, hindi nakawala at nakulong. Dalawang buwan na ang lumipas simula ng mangyari iyon at nakahanap ng tiyempo ang pinuno.
Ika-10 na anibersaryo ng akademya ang araw na ito at bukas ito para sa lahat. Ito rin ang nag-iisang pagkakataon para sa amin upang mailigtas si Venice.
Huminga ako ng malalim at napatingin sa akin palad. Isa ako sa mga taong nabiyayaan ng kapangyarihan. Hindi man iyon kalakasan ay nagagamit ko pa rin lalo na sa mga misyong gagawin ng aming grupo. Mayroon akong kapangyarihan ng bato at sa tuwing tatanggalin ko ang aking gwantes na suot ay kahit sino mang mahawakan nito ay magiging bato. Saka ko lang rin nalaman na sa tuwing ginagamit ko ang aking kapangyarihan ay nag-iiba ang kulay ng kanan kong mata.
Naputol ako sa aking pag-iisip at napatingin kay Jay nang may damit siyang inilapag sa damuhan.
"Ito ang mga damit na nakuha ko. Kailangan nating mag mukhang presentable para papasukin tayo sa akademya." Napataas agad ang kilay ko at nakita iyon ni Jay.
"Alam ko ang nasa isip mo, Selene pero kailangan mong magsuot ng bestida. Mahaba naman ito e."
"Iyon na nga, Jay. Mahaba. Paano ako makakakilos ng mabilis at maayos nito kung nakabestida ako?"
Napailing naman siya at hindi na ako pinansin at nagpalit na ng damit. Ako lang ang nag-iisang babae sa grupo ngayon dahil nga wala si Venice. Sanay na din akong makita ang mga ito na nagbibihis sa harapan ko. Napabuntong hininga naman ako.
"Tumalikod nga kayo. Magbibihis ako." Tumalikod naman sila at agad akong nagbihis. Pagkatapos noon ay nagkatinginan kaming lahat at pinagpatong-patong ang kanilang mga kamay.
"Selene, ano pang hinihintay mo?" Napangiti naman ako at ipinatong ang kamay kong may gwantes.
Matapos iyon ay bumaba na kami sa burol at naglakad patungo sa akademya.
BINABASA MO ANG
The Keeper of the Prophecy
Fantasyslow_updates_ The Keeper of the Prophecy, 2016 © (Former Annihilate) Fire. Water. Earth. Air. The power of the four elements. But there's still something in between. The center of all the four elements. The beginning and the end of existence. The...