II

113 7 2
                                    

RAGE AND TEARS

Nanghihina akong napa-atras, natatakot sa mga matang nakatingin sa akin pati sa apoy na lumalabas sa kanyang mga palad. Naiiyak sa katawan ni Vince na unti-unting nasusunog at nawawalan ng malay. 

Unti-unting bumalik ang aking pandinig. Nagkaroon ng malakas na sigawan at ingay ng mga kadena. Naririnig ko rin ang aking paghikbi at ang dahan-dahan na paglakad ng lalaking papalapit sa akin.

Bakit ganito ang nangyayari? Wala sa aming plano ang mangyari ang ganito. Lalo wala sa plano ang mabawasan kami. 

"Vince." Piyok kong sabi, nararamdaman ang init ng paligid pati ang luha kong patuloy ang pagbagsak. Napaluhod ako ng nakatulala at pinipilit lapitan si Vince. 

Mabilis na dumaan sa utak ko ang mga pinagsamahan namin kasama ang iba. Ang pag-ngiti niya sa akin noong niligas niya ako sa gitna ng laban ng mga rebelde. 

You were my home! A home is not supposed to disappear.

"Gumising ka, Vince." Naiiyak kong sabi.

Hindi mo ako pwedeng iwan. Akala ko ba sabay-sabay tayong aalis sa lugar na ito? Sabay-sabay tayong magdidiwang sa pagkalaya ni Venice sa kulungan? Bakit ako nandito sa harapan ng taong pumatay sayo?

Napatingin ako sa mga paang tuluyan nang nakalapit sa akin. Itinaas ko ang aking tingin at sinadibdib ang kanyang itsura. Hinding hindi ko kakalimutan ang itsura ng lalaking pumatay sayo, Vince. 

Bumuka ang aking bibig nang dahang-dahang nawala ang apoy sa kanyang mga kamay at lumuhod sa aking harapan. Hinawakan niya ang aking pisngi at itinapat ito sa kanya. 

Dahan-dahan kong iginalaw ang aking isang kamay at hahawakan sana siya ngunit bigla akong napasigaw sa sakit. Agad na pinalibutan ng apoy ang aking dalawang kamay. Napasigaw ako sa sakit ngunit hindi ako sumuko. Pinipilit kong kumawala sa posas na apoy pero lalo ko lamang naramdaman ang paso nito.

"Ikaw! Ikaw ang pumatay kay Vince!" Sigaw ko sa kabila ng takot na nararamdaman ko sa pagtingin sa kanyang mata. 

"Sino ka ba? Bakit mo ginagawa ito sa akin?" Hindi nito sinagot ang aking tanong. Blanko. Blanko ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Posible pala talaga iyon?  

"Pakawalan mo ako." Nanghihina kong sabi. Hindi ko na maramdaman ang mga kamay ko dahil sa apoy na pumapalibot dito. 

Itinaas niya ang isa niyang kamay at nagkaroon ulit doon ng apoy. Unti-unti niya itong inalapit banda sa aking puso.

"Should I burn your heart, too?" 

"Burn it!" Wala sa isip kong sinabi. Namatay na ang pamilya ko dahil sa ginawa ng mga Persleya. Namatay ang pinuno ko, ang taong tumulong sa aking makawala sa dilim. Ano pa ba ang karapatan kong mabuhay?

Unti na lang at didikit na ang kanyang kamay banda sa aking puso. Napapikit ako habang hinihintay iyon nang biglang may sumigaw. 

"Zero!" Napadilat ako at napatingin sa babaeng mabilis na tumakbo papunta sa amin.

Nawala ang apoy na bumabalot sa dalawa kong kamay. Nawala rin ang apoy sa palad ng lalaki. Naramdaman ko ang unti-unting pagpikit ng aking mga mata. Nanghihina kong inabot ang paa ng lalaki at hinawakan, inaasahan na maging estatwa siya para sa paghiganti sa ginawa niya kay Vince.

Naramdaman ko na lamang ang paghawak sa aking pisngi nang unti-unting nagdilim ang aking paningin.

***

"What have you done, Zero!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki. Ramdam ko ang galit sa kanyang boses na may kasamang pagpipigil.

"Pasensya na po. Ako na po ang bahala sa kanya." Sabi naman ng isang boses babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Keeper of the ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon