Chapter 2 The Return

20 0 0
                                    

Khaye's POV

Kalalabas ko lang ng airport. Finally, I'm back. Nakita ko si Mang Pedring na kumakaway saken. Oh diba? Sa halip na si daddy ang sumundo saken, ipinagkakatiwala na lang nya ako sa driver. Kinuha ni Mang Pedring ang mga gamit ko at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Nang ok na ang lahat, sinimulan na nyang paandarin ang kotse.

Habang nasa byahe, naisip kong tawagan ang mga kaibigan ko.

Tinawagan ko si Sam, ang kaibigan kong ubod ng sipag sa pag-aaral.... Busy

Sunod kong kinontact si Tori, ang kaibigan kong kabaligtaran ni Sam...

.

.

.

.

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later...

toot...toot....toot....

Hay....nagsho-shopping na naman siguro 'yun.

Mukhang wala na akong choice.

Tinawagan ko si Jenna, ang kaibigan kong...actually siya ang bestfriend ko. Pero....anyway, it's all in the past.

Kinontact ko na ang number ni Jenna.

Nasa'yo na ang lahat, minamahal kita pagkat....

Aba, ang loka may ringback pa.

"Hello! Who's this?" - Jenna

Parang galit ata ah. Bagong bili ko 'yung sim ko kaya hindi nila alam na ako 'yung tumatawag.

"Not in the mood?" syempre, pa-mysterious effect muna ako, hahaha

"Pwede ba, kung may plano akong makipagbiruan, eh di sana hindi ko na lang sinagot ang tawag mo!" sagot nya na halatang inis na inis na.

Baka lalo pa syang magalit kaya nagpakilala na ako.

"Grabe, it's just three years at hindi mo na agad tanda ang boses ko. Nakakatampo naman," sagot ko na kunwari ay naghihinanakit.

"Khaye?" Aba, bigla atang naging mahinahon ang boses.

"Yes it's me. Kamusta?"- ako

"Good. I'm good. Bumalik ka na?" - Jenna

"Yes. Actually, I'm on my way home. By the way, bakit ngapala parang ang init ng ulo mo kanina?" tanong ko sa kanya. Medyo natatawa pa ako dahil naiimagine ko ang itsura nya habang inis na inis.

"Wala, may bumangga lang saken kanina. So, are....are you here for good?" tanong nya saken. Ramdam na ramdam ko na hindi pa rin sya komportableng kausap ako. Well, I can't blame her.

"Definitely. Ayoko pa sana pero wala naman akong magagawa. After mom and dad's annulment, mom got married to her American boyfriend and I don't want to live with them. Ayaw din naman ni Dad so pinauwi na nya lang ako dito," mahaba kong paliwanag kung bakit naganap ang naganap.

"Yah, I heard about it. Alam na ba nina Sam at Tori na you're back?" -Jenna

"I called them before kita tawagan. Sam's phone was busy and Tori was not picking up. Anyway, I'll see you guys. Pero siguro magrest muna ako pagdating ko sa bahay. Matagal din akong hindi nakapagbyahe nang ganito kahaba. Bye"

"Bye"

And we both hang up. Oh, shit. Nakalimutan kong itanong kung naka-enroll na sila. College na ngapala ako. Next week ay papasukin ko na ang nakaka-excite na mundo ng pagiging isang college student. Isa si Daddy sa mga stockholders sa school na papasukan ko kaya wala akong problema sa entrance exam. Palakasan system rules. I forgot the name of the school. Itanong ko na lang maya kay Dad.

Nothing But Double Trouble!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon