Chapter 4 The Reunion

12 1 0
                                    

Tori's POV

Halerrrr! My name is Antoniette Riva Buencamino. But you can call me Tori. Sa aming apat na magbabarkada, ako ang pinaka-cool. Pero, syempre, hindi naman sila papayag dun. Kaya, secret na lang natin 'yun.

First day of school ngayon. Oh diba? College na kami. At hindi lang 'yun, we are the future teachers pa, kaloka! We're here sa tapat ng Dean's office. Kasama ko sina Jenna at Sam and we're waiting for Khaye. 'Yung lukang yun, hindi man lang nagsabing pauwi sya. But ofcourse, we are very happy kasi sa wakas, buo na ulit ang grupo. Akala nga namin hindi na ulit kami mabubuo after what happened to Jenna and Khaye, but now ok na kami. Well, that's what I know.

Anyway, 'yun nga, after three years ngayon na lang ulit namin sya makikita. Kaya excited na kami.

"Where is she na daw ba? Did you text her?" tanong ko kay Jenna. Since sya naman ang huling kausap kaya sya ang tinanong ko.

"Oo, eh hindi naman sya nagrereply. Parating na 'yun, baka natraffic lang," sabi ni Jenna na konti na lang ay maging giraffe sa pagpilit nyang iextend ang leeg nya habang inaabangan ang pagpasok ni Khaye sa gate.

"Relax lang kayo," sabad ni Sam habang nagbabasa ng libro. Sa kanilang tatlo, si Sam ang medyo lagi kong nakakabangayan. Kasi we are a total opposite talaga, as in.

"Hindi pa ba lumalabo yang mata mo Sam? Since elementary pa lang tayo, you're like that na. Alam mo, tatlo lang ang alam kong hobbies mo. Reading, reading and always.... reading," sabi ko habang ipinapakita ko sa kanya ang tatlong daliri ko. Nakakainip kasi kaya aasarin ko muna itong kaibigan ko.

"Tori, not everybody is like you," sagot nya. As usual, ang tipid na naman nyang sumagot. 

"Wow, you broke your record ha. Six words including my name. Keep it up girl!" sabi ko sabay thumbs up. Minsan lang kasi sya magsalita kaya lubusin ko na.

"Yah, right. Funny," sabi nya.

"Uy, baka magkapikunan kayo ha," biglang sabi ni Jenna. Nakikinig pala sya samen.

"Looks like hindi pa rin kayo nagbabago." - ???

Tumingin kami sa direksyon ng nagsalita. And yes, it's Khaye! Lumapit kaming tatlo sa kanya. Dumating na pala sya ng hindi namin namamalayan.

"Khaye! I missed you!" Ako ang unang nagsalita. Niyakap ko sya kasi namiss ko talaga ang bruhang ito.

"Haha, namiss ko din kayo," sabi nya.

"Kamusta ka na?" tanong ni Sam.

"Ok naman. Kayo? Mukhang hindi pa rin kayo magkasundo ah." Ang tinutukoy nya ay kaming dalawa ni Sam.

"May mga bagay talagang hindi na nababago," sabi ko.

"Please proceed to 2nd floor, Room 201. And be quiet. Wait for me there," narinig naming sabi ni Dean.

Khaye's POV

This is the first day of school. Papasok na sa gate ang kotseng sinasakyan ko. Kanina pa ako tinetext ni Jenna pero hindi ko sya nirereplayan. Syempre, kailangan surprise ang dating ko, hahaha.

Ang daming tao! Malamang, school nga diba? Haha.

Hayyyy, ano ba yan? Kinakabahan talaga ako. Nakatingin lang ako sa mga estudyanteng naglalakad ng biglang tumigil ang sasakyan. Nakahanap na pala ng pa-parking-an si Mang Pedring.

"Mang Pedring, itetext ko na lang po kayo kung susunduin nyo na ako. Wag nyo na akong intayin," sabi ko kay Mang Pedring.

Naglakad na ako papunta sa building ng CTE (College of Teacher Education). Nung malapit na ako, nakita ko kaagad sila. Tatlong taon kong hindi nakita ang mga kaibigan ko pero parang walang pinagbago ang mga itsura nila. Ayun, si Tori mukha pa ring Christmas tree sa dami ng nakaipit sa buhok nya. Si Sam naman, normal teenager lang with eyeglasses na may hawak na libro palagi. At si Jenna, simple lang pero maganda. Marami ngang nagtatanong kung magkapatid daw kami kasi noon palagi kaming magkasama. Pareho pa kaming hindi nabiyayaan ng katangkaran kaya naman minsan napapagkamalan pa kaming kambal. Fraternal twins lang ang peg!

Papalapit na ako sa kanila at napansin kong parang pinagkakatuwaan na naman ni Tori si Sam.

"Uy, baka magkapikunan kayo ha!" rinig kong saway ni Jenna sa dalawa. Hindi na ako nakatiis kaya umimik na ako. Hindi man lang naramdaman ng mga bruhang ito ang presensya ko.

"Looks like hindi pa rin kayo nagbabago," sabi ko. Tumingin silang tatlo sa akin at halatang nagulat sila. Unang lumapit saken sa Tori. Niyakap nya agad ako. Hindi pa nagtatagal ang aming pag-uusap, dumating na agad si Dean.

"Please proceed to 2nd floor, Room 201. And be quiet. Wait for me there," ang sabi nya.

Nagpunta na kami sa sinabi nyang room. Pagpasok namin, marami na agad tao sa loob. Pero syempre, ang hindi nababago, kahit gaano pa kadami ang tao sa loob, palaging ang bakanteng upuan ay iyong mga nasa unahan. Pakiramdam siguro ng mga ito ay bibitayin sila kapag sa front seats sila nakaupo. Wala kaming choice kaya dun na kami umupo sa mga upuang kitang kita agad ng professors. Sana lang walang professor na tumatalsik ang laway. OMG! Di ko carry yun!

"Bakit dito tayo uupo?" tanong ni Tori. Kung ililista ko siguro ang mga reklamo ni Tori sa buong maghapon, kukulangin ang isang pad na papel.

"Dito lang may bakanteng upuan noh! Saka ok nga ito mas rinig naten ang mga sinasabi ng professors naten," sabi ni Sam. Ibang klase talaga itong si Sam, dumadaldal kapag pag-aaral ang pinag-uusapan.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Karamihan talaga sa kumukuha ng education ay mga babae. Tatlo lang ang lalaki na nakita kong nandito sa room. Kung pagmamasdan silang mabuti, masasabing karamihan sa mga classmates namin ay puro scholars. Syempre nga naman, hindi natural sa mga anak mayaman ang kumuha ng course na ito. Karamihan sa kanila, puro business-related course ang kinukuha. Pero iba kami ng mga kaibigan ko, gusto talaga namin ang magturo ng mga bata, well, except Tori. Nakigaya lang samen yung bruhang yun, hahaha. Tuwing birthday kasi namin, nagpupunta kami sa mga  orphanage para magkaroon ng charity events. Kasama na dun syempre ang pagtuturo sa kanila.

"Grabe, ang chaka naman ng mga classmates naten! Mukhang mga nerd!" rinig kong reklamo ni Tori.

"Tori, ano ka ba? Yang bibig mo. May makarinig sa'yo dyan eh," saway sa kanya ni Sam.

"Whatever! Like I care! Hayyyyy, wala man lang kahit isang cute na guy" - Tori

Kung hindi nyo kilala si Tori talagang maiinis kayo sa kanya. Pero ganyan lang talaga sya. Mabait naman yan. Yun nga lang, wala sya masyadong pakialam sa iba. Sabi nya kasi, basta may mga totoo syang kaibigan, hindi na nya kailangan ng pagtanggap ng ibang tao.

"Excuse me. Pakisulat po ng name nyo, address at contact number. Pagkatapos nyo, pakipasa na lang po sa iba. Sabi po yan ni Dean," sabi sa amin nung isang girl.

Pagkatapos naming sulatan yung papel na ibinigay nung babae, ipinasa na namin iyon sa kabilang linya. Habang nagsusulat yung iba, napansin kong pumunta sa unahan yung isa sa mga kaklase naming lalaki.

Nagulat ako nang biglang inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bewang. Ang isang kamay naman niya ay iginalaw nya papunta sa tenga nya na para bang inaayos ang imaginary long hair nya doon. Nyek! Bading pala! Lumapit sa kanya yung isang kaklase pa naming lalaki at humawak ito sa braso nya. Natatawa ako sa reaksyon ni Tori. Parang nababasa ko ang nasa utak nya. Tatatlo na nga lang naman ang kaklase naming lalake, mga bading pa! hahaha. Masaya namang kasama ang mga bading, but knowing Tori, mas gusto nya pa rin syempre ang mga cute boys.

"Guys!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nothing But Double Trouble!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon