Chapter 1 The Beginning

16 0 0
                                    

Khaye's POV

Coz I'm living on a jet plane. I don't know when  I'll be back again...

Naiiyak ako habang napapakinig ko ang kantang iyon. Pakiramdam ko tuloy ay nasa isa akong teleserye na todo emote habang tinutugtog ang background music ko kahit ang totoo ay nandito lang naman ako sa aking unit na tatlong taon ko ding tinirhan kasama ng mommy ko. Sana nga nasa isang mahabang serye na lang ako para pagkasabi ng direktor ng "cut!" ay tapos na din ang kadramahan ng buhay ko. Pero hindi. Kailangan kong harapin ang reyalidad lalo na pagbalik ko sa Pilipinas.

Parang kailan lang nung unang beses na tumuntong ako dito sa America. Nanibago agad ako sa klima. Hindi ko iyon makakalimutan dahil one week din akong maysakit nun. Dala na rin siguro ng lungkot dahil marami akong naiwan sa Pilipinas na mga nagmamahal saken at syempre, mahal na mahal ko rin. Teka, erase, erase, erase! Mga nagmamahal saken? Yah right! Anyway, matagal ko ding dinamdam ang mga pagbabagong iyon sa buhay ko. Tatlong taon na pala ang nakalilipas.

Flashback...

"Mom, where are we going?" buong pagtatakang tanong ko sa mommy ko. 

"Mang Pedring, pakipasok lahat ng gamit namin sa kotse," utos ni mom sa driver namin. Hindi man lang niya pinansin ang tanong ko.

"Mommy!" hindi ko na napigilan nag sarili ko at nailakas ko na ang boses ko. 

Tumingin sa akin si mommy at niyakap niya ako.

"Anak, sasama ka naman sa akin diba? Maghihiwalay na kami ng daddy mo. Doon na muna tayo sa America habang pina-process ang annulment namin ng daddy mo," paliwanag nya saken.

"But mom, how about my friends? David? How about David? Hindi ko sila pwedeng iwanan," mangiyak-ngiyak kong sagot. Alam kong wala na akong magagawa pero nagbabaka-sakali pa rin ako na magbago ang isip nya para saken.

"We will come back. Don't worry anak, babalik tayo kapag ok na ang lahat," at pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay hinila na niya ako sa kotse. 

"Where's Dad?" tanong ko habang iniistart ni Mang Pedring ang kotse.

"He's at his office. Busy as usual. Huwag mo na syang hanapin. Hindi na  natin sya kailangan," pagkasabi nun ay hindi na ulit ako nagtanong. Hindi na din nagsalita si mommy.

Krrrrrrring! Krrrrrrrrring!

Nagulat ako dahil biglang tumunog ang telepono. Naputol tuloy ang pagmumuni-muni ko.

"Yes, hello," - ako

"Ma'am, we would like to inform you that the taxi you requested is ready outside," sagot ng kausap ko sa telepono.

"Ok, thank you," at pagkasabi ko at ibinaba ko na ang telepono. Muntik ko nang makalimutan na nagpatawag ngapala ako ng taxi. Ngayon na kasi ang flight ko pabalik sa Pilipinas. Tiningnan ko muna ang itsura ko sa salamin. Syempre, malay nyo may matisod akong gwapo eh di may bitbit ako pauwi sa Pilipinas. Di ko mapigilan ang pagtawa. Kahit papano ay hindi pa rin nawawala ang pagiging kalog ko. 

Naka-dress lang ako na kulay pink, syempre, favorite color. Pero isinuot ko ang brown kong dyaket kasi alam kong malamig sa labas. With matching high heels pa ako pangsuporta sa katawan kong hindi biniyayaan ng kahit konting katangkaran. And yes, habang dyinodyosa ko ang sarili ko ay naalala kong may naghihintay na ngapalang taxi sa ibaba. Dali dali akong pumunta sa elevator. Nagkataon na ang unit ko ang pinakamalapit sa elevator kaya hindi hassle. Kung nagtataka kayo kung nasaan ang gamit ko... Aba.....Ay naiwan ko nga kaya bumalik ulit ako sa loob ng unit ko. Paglabas ko ulit sa kwarto, eksaktong may nakita akong "boy" na naghihintay ng bukas ng elevator . Hindi siya pamilyar saken pero dahil nagmamadali ako, nakiusap na rin ako. Anyway, naka-uniform naman sya. 

Nothing But Double Trouble!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon