Chapter 3 The Dream

17 2 0
                                    

Khaye's POV

Sa wakas, nakarating din kami dito sa bahay. 4pm na pala. Pinababa ko kay Mang Pedring ang mga gamit ko. Sinalubong naman kami ng dalawang katulong at dinala nila ang gamit ko sa kwarto ko.

"This place is still the same" naibulong ko sa aking sarili.

"Iha, mabuti naman at nakauwi ka na rin. Miss na miss na kita." Si Nana Pacita iyon, ang aming mayordoma at yaya ko nung maliit pa ako.

"Miss na miss ko na rin po kayo." Totoong miss ko na talaga sya. Sya lang kasi ang nasasabihan ko ng aking problema nung nandito pa ako sa Pilipinas.

"Kamusta? Nagugutom ka na ba? Ipaghahain kita." - Nana Pacita

"Hindi na po. Gusto ko lang magpahinga. Ang daddy po?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko na naman ang sagot.

"Mamaya pa ang uwi nun. May mahalaga daw silang meeting." - Nana Pacita

"Ganun po ba? Sige po, aakyat na ako. Mamaya na lang ako kakain kapag nakapagpahinga na po ako," at pagkasabi nun ay umakyat na ako papunta sa kwarto ko.

Pagdating ko sa kwarto, kinuha ko na agad ang damit pampalit ko at dumeretso ako sa banyo. Nagshower muna ako para guminhawa ang pakiramdam ko. Pagkatapos ay isinuot ko na ang damit pampalit ko at lumabas na ako ng banyo. Umupo muna ako sa tapat ng aking tokador. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. 

"Everything will be ok," ang sabi ko sa sarili ko na parang kinukumbinsi ko ang sarili ko na totoo iyon.

Nahiga na ako sa kama ko. Hayyyyy, isa  ito sa mga namiss ko, ang aking kamang sobrang lambot. Niyakap ko ang aking unan. 

Wait lang, ang init ah! Nalimutan ko palang buksan ang aircon. Tumayo muna ako para buksan ang aircon. At nahiga na ulit ako. Inilatag ko ang comforter para magsilbi kong kumot.

"Hi! Remember me?" sabi nung isang lalaking hindi ko maaninag ang mukha.

"Ha? Sino ka?" sabi ko habang nakakunot ang noo dahil hindi ko talaga makita ang mukha nya.

Biglang lumapit sya sa akin.

"Wala ka ng kawala pa.  Coz from now on, you're mine."

Biglang napamulat ang mga mata ko. Hayyyyyy, panaginip lang pala. Ang weird! Hindi ko man lang nakita ang mukha. Pagtingin ko sa relo ko, 7pm na pala.

Tok! Tok! Tok!

Sino kaya 'yun?

"Bukas yan. Pasok." -ako

"Iha, andito na ang daddy mo," sabi ni Nana Pacita.

Bumaba ako agad. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko agad ang daddy ko sa living room, nakatalikod at nakatitig sa portrait naming dalawa na nakadisplay sa wall ng bahay namin.

"Hi dad," bati ko sa daddy ko.

Lumingon naman sya agad pagkarinig sa boses ko.

"Hi. Sabi ni Nana Pacita hindi ka daw kumain kanina pagdating mo. C'mon, let's eat." at naglakad na sya papunta sa dining room namin.

Habang naglalakad napansin kong ganun pa rin ang mga gamit namin sa bahay. Pati ang dining table, ganun pa rin ang itsura, parihaba na gawa sa magandang klase ng kahoy at may manipis na glass sa ibabaw.

Sinigang na baboy ang niluto ni Nana Pacita. Alam nya talaga na namiss ko ang Filipino food. Gumawa din sya ng mango shake. The best talaga si Nana Pacita, alam na alam nya ang mga gusto ko. 

"So, dad, how's your meeting?" tanong ko kay dad habang kumakain kami. Masyado na kasing tahimik kaya ako na lang ang unang nagsalita.

"It went well. May mga bago kaming kliyente kaya busy lahat sa opisina." sabi ng daddy ko.

"How about you? Hindi ka na namroblema sa entrance exam kaya I suppose, ready na lahat ng mga kailangan mo. You know, school things," -si dad ulit.

"Yah! I made sure kompleto na po lahat before ako umuwi dito," I assured him.

"Good! By the way, alam mo na ba kung saang school ka naka-enroll?" tanong ni Dad saken na ikinagulat ko.

"Wait, I'm already enrolled? I thought entrance exam lang po ang ok na," -ako

"Pinaayos ko na din pati enrollment mo." Iba talaga si dad. He can do anything.

"Baltimore University. Yun ang pangalan ng bagong school na papasukan mo," pagpapatuloy pa ni Dad. "Kumpare ko ang may-ari nun kaya you behave."

"Yes, Dad," ang nasabi ko na lang. Hindi pa rin talaga sya nagbabago. His reputation is still his number one priority.

"Well I hope your friends have nothing to do with you pursuing that lousy course of yours," sabi ni Dad sabay tingin saken. Alam na pala nya na kaming apat ay pare-parehong education ang kukuning course.

"Dad, you know from the very beginning that this is what I want. And besides, we already talked about this," pagpapaalala ko sa kanya.

"I am absolutely aware that you want to run your own life and choose your own path. But don't ever forget, you are a Montemar. And whether you like it or not, your future is not just yours alone," mariin na sabi ni Dad.

"So, bakit nyo pa ako pinagbigyan." Hindi ko na nakontrol ang sarili ko. 

"Because, that is the only way for you to come back," sabi ni Dad at pagkatapos ay uminom na sya at pinunasan ang bibig nya. "Umaasa ako na sana, hindi ka kagaya ng  mommy mo," Pagkasabi nya nun ay tumayo na sya at umalis. Siguradong sa kwarto na ang deretso nya, working again.

Nasaktan ako sa sinabi nya. Until now, he's still holding grudges in his heart.

"Iha, ayos ka lang ba?" tanong ni Nana Pacita.

"Opo" matipid kong sagot.

"Intindihin mo na lang iha ang daddy mo. Marami lang iniisip 'yun," sabi nya habang hinihimas ang likod ko.

"Ok lang yun Nana. Sige po, magpapahinga na rin ako," sabi ko sabay tayo at naglakad na ako papunta sa aking kwarto.

Nothing But Double Trouble!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon