Chapter 4

13 1 0
                                    

MIRAI POV

Grabe tong araw na to parang slow mo. Kanina naka-usap ko si Travis, para akong nasa cloud nine, oy! Baka sabihin niyong naka-drugs ako. Tama kayo! Drugs ko si Travis hehehehe, ay! Ang landi.

"Hoy! Anong karapatan mong hawakan si Travis my loves, akin lang siya",si Dana leader ng tinaguriang "Travis Angels"

"Eh ano naman ngayon kung hinawakan ko si Travis bakit?! Girlfriend ka ba niya?!",tanong ko kay Dana

"Hindi pa sa ngayon, balang araw magiging akin rin siya" sabi nya

"Wow ha! hiyang hiya naman ako sa yo, para namang papatol sayo si Travis sa ugali mong mas mabaho pa sa basura"

"How dare you!!!" akmang sasampalin niya na ako kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko...
.
.
.
.

Aba't ang tagal naman, pagdilat ko nakita ko si Travis hawak hawak ang kamay ni Dana.

"Lay a single finger in her and I will make sure that you will be expelled in this school and also, according to the guidelines in this school, Rule no. 18: Hurting a student is prohibited inside the campus kung gusto mo ng away, you better pack your things and leave". binitiwan nya na ang kamay ni Dana, tumakbo naman siya papalayo

"Thanks Travis, siguro kung di ka dumating baka nasa ospital na ako, warfreak pa naman yan si Dana, kaya thank you ulit" pasasalamat ko kay Travis

"Okay lang yun, trabaho lang yun ng pagiging student council president" sabi niya with matching smile hehehheeh... cute nya tlaga

"Total, tinulungan mo ako, ililibre na lang kita" suhestiyon ko

"Sige ba!" buti na lang pumayag siya, instant date na rin to, kahit ako lang may alam, ehehhe XD

I HEART YOU Mr. Smart Guy: A Beginning to Forever (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon