MIRAI POV
Pagkagising ko sa umaga, dumiretso kaagad ako sa kusina. Ba't walang tao.
"Mish?! Raleigh?!" ba't walang sumasagot? Tumingin ako sa orasan
"HA! BA'T DI NILA AKO GINISING" huhuhu madaya sila
Binilisan ko nalang ang pagkain, di nga ako naligo eh! Huhuhu, gutom pa ako. Lagay powder, lagay lipgloss, suot uniform, suot sapatos, toothbrush, TAPOS!
Naghintay pa ako ng jeep. Kung minamalas nga naman sa rush hour pa na tapat. Buti na lang may jeep na walang laman, YES! Thank you lord ^_^
After 10 minutes, nakarating na rin sa school. My god! 5 minutes na lang. Takbo, takbo, takbo. Ba't ba ang layo ng classroom ko.
*****BBBOOOGGGSSSHHH*****
"Aray ko po!!!" kung minamalas ka nga naman
"Miss I'm sorry, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko" sabi niya
"No, it's okay kasalanan ko rin naman" tinulungan niya ako tumayo, naalala ko late na pala ako
"Hala! Late na ako" sabay takbo papalayo, kung sino man yun, see you soon nalang
TRAVIS POV
Nag-text si Austine, may try-out daw ng mga bagong basketball players. Kung kailan naman may exam, tyaka pa nag-try out. Ayoko pa namang may ma-miss na kahit isang exam, at baka yan pa ang pagmulan ng pag-bagsak ko. Mas binilisan ko pa ang lakad ko, hindi ko napansin ang nasa harapan ko
"Aray ko po!!!" sabi niya
"Miss I'm sorry, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko" sabi ko naman
"No, it's okay kasalanan ko rin naman" tinulungan ko siyang tumayo, nagkalat pa naman mga gamit niya
"Hala! Late na ako" sabay takbo niya papalayo
Napatingin naman ako sa baba, ID?! Pinulot ko yung ID
"Miss, ID mo!" hindi niya ata narinig, tiningnan ko naman yung ID niya. Mirai Sol, maganda siya kahit simple lang yung ayos niya, ang astig pa ng name. 1st year pa lang siya, so mas matanda ako sa kanya ng 1 yr. Pinasok ko sa bag ko muna yung ID niya hanapin ko nalang siya mamaya.
"Captain, ang tagal mo naman, tingnan mo tuloy ang haba nang pila" sumbat niya sa akin pagdating ko sa court.
"Bakit?! Kasalanan ko ba kung ngayon nyo lang sinabi na ngayon yung try-out? Ha?!" galit na sabi ko
"At kailangan ko pa i-excuse yung sarili ko dahil sa try-out na to?!"
"Captain, aga-aga high blood ka na naman, Chill lang cap, chill" binatukan ko tuloy. Teka! Ba't ang dami ng nagtra-try out.
"Austine, bakit mas maraming nagtra-try out ngayon kesa last year?"
"Cap, kasi maraming freshmens na mga dating players ng kani-kanilang mga basketball league ang ininvite ng schools para sumali sa try-outs natin" saad ni AustineTumango na lang ako sa kanya at dumiretso sa table, kung saan naka-upo si coach. Di nyo pa pala ako kilala. My name is Travis Kai Lim, 17 yrs of existence, certified No.1 student, dean's lister, and, captain of Red Jaguars and also an MVP.
"Travis, will start na?!" sabi ni coach, tumango na lang ako sa kanya
BINABASA MO ANG
I HEART YOU Mr. Smart Guy: A Beginning to Forever (Short Story)
De TodoIt takes a billion stars to create a Galaxy. But it only takes you and me to create an Infinity Unang kita palamang ni Mirai kay Travis, she instantly fell in love. Next thing she do, she is following her dream, ang habulin ang kanyang mahal...