TRAVIS POV
Simula nung inamin ko na gusto ko si Mirai, naging komplekado na ang mga araw ko.
Flashback
"Hoy! Travis tulala ka na naman, napagalitan ka tuloy ng teacher niyo" nagaalala ba sya sa'kin?
"O-oka-y-y lang y-yun! no k-kaba" nagstu-stutter ba ako?
"Oh! Bat nauutal ka? " tinatanong pa ba yan?
"Si-sino b-ban-g h-hin-di ma-u-u-ta-l? Eh a-ngg ll-api-t mo s-sa-kkin" sabi ko
"Ehhh! Ano naman ngayon, magfriend naman tayo diba?"
"Oo naman, friends na tayo, bakit anong akala mo sa'tin mag-syota?!" Sabi ko
Umiwas lang sya ng tingin sa kin, at totoo ba tong nakikita ko, nagblu-blush ang isang Mirai Sol sa harap ko???
"Sabihin mo nga?! Crush mo ko no?" Tanong ko sa kanya
"Pano kung sabihin kong Oo, magugustuhan mo rin ba ako pabalik? Hindi naman diba?! Kasi kaibigan mo lang ako, yun lang naman ang gusto mo diba?! Alam ko naman yun eh?! Alam ko naman kong saan ako lulugar dahil alam ko ang limitasyon ko, kasi matalino ka, ako hindi, sikat ka, ako hindi, at higit sa lahat, gwapo ka at ako hindi?! Tanggap ko naman lahat masasakit na salita na sinasabi ng mga schoolmates natin eh! Kaya lang kasi masakit rin kasing umasa sayo, alam mo ba yun, lahat ng pananakit na ginawa nila, tinitiis ko, kasi nga, Gusto kita, Gustong-gusto kita Travis Kai Lim, naiintindihan mo ba?!" Mahabang litanya nya...
Gustong magsaya ng puso ko sa nadinig ko sa kanya, hindi ko alam na parehas pala kami ng nararamdaman, at gusto namin ang isa't-isa.
"Ano ka ba!? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Tinanong mo ba ang side ko?! Hindi mo alam, gusto rin naman kita"
Tama naman yung sinabi ko ah?! Bakit umiyak pa syaumiyak, wala naman akong magagawa kundi yakapin sya.
"Wag ka ngang umiyak, mas papangit ka tuloy, sige ka!" Joke lang naman yun, Maganda nga sya eh!?
Kung gusto nya ako?at gusto ko rin sya? Ibig sabihin kami na?! Hindi ko alam na mabilis pala syang mapasagot
"Sooo... tayo na?!" Hindi naman halatang excited ako no?!
"Anong tayo na?! Ligawan mo kaya ako, ano ka siniswerte, naturingan ngang matalino sa academics, bobo naman sa lovelife, Hhaayyy naakkkoo!!"
"Sige na nga, liligawan na kita, no choice" sabi ko
"Sooo pagod ka na? Kung ayaw mo edi wag!"sabi niya
"Ikaw naman, jino-joke lang eh?!
Serious ka naman masyado
End of flashback
BINABASA MO ANG
I HEART YOU Mr. Smart Guy: A Beginning to Forever (Short Story)
RandomIt takes a billion stars to create a Galaxy. But it only takes you and me to create an Infinity Unang kita palamang ni Mirai kay Travis, she instantly fell in love. Next thing she do, she is following her dream, ang habulin ang kanyang mahal...