3*Savior*

288 24 4
                                    

Cheska’s P.O.V

Naglalakad ako ngayon pauwi habang pilit na iniisip kung sino at kung bakit kilala ako ni Gian Dimitri. Bakit nga kaya? Baka naman nagkita na kami noon. Pero hindi talaga. Wala sya sa memory list sa utak ko.

Imposible rin naman makalimutan ko ang ganun ka gwapong nilalang kung sakaling nagkakilala nga kami before. 

Kaya paano yun naging posible? Nagbalik sa ala-ala ko yung naging conversation namin kani-kanina lang

*flashback*

“Magkakilala na ba tayo dati pa? Nagka-amnesia ba ako kaya hindi kita maalala?”  Kinikilig—este curious kong tanong habang titig na titig sa kanya.

“Find it out yourself. Maybe I’m your guardian angel or—your soulmate.” ^___^

*end of flashback*

Yikes! Nakakakilig tae lang! Huwag nya nga akong mabiro-biro ng ganun baka mamaya eh pikotin ko sya, makita nyang hinahanap nya! Tsk! Ano ba tong mga pinag-iisip ko? -______-

Erase erase

O____O

HALA!

Hindi naman dito ang daan pauwi sa bahay namin ah! Ghad! I took the opposite way. Naloko na! Yan kasi lumalandi! Hay ang sarap batukan ng sarili ko. Kaso huwag nalang masakit pala yun!

-______- 

Kaya naman pala kanina pa ako naglalakad hindi parin ako nakakarating sa bahay namin. My wristwatch says it’s 5:40. Tsk! Gagabihin pa ako ng di oras, magagalit nanaman ang aking ina panigurado.

Bumalik ako sa tamang daan. Este sa tamang direksyon at naglakad ulit. Napahinto ako sa paglalakad ng—

Luh! Ba’t may mga nakakatakot na nilalang sa kalye? Yung mga tipong gangster ba! Nasa tapat sila ng gate ng school namin. And

 O_____O

 *Kurap-kurap*

Si Prince hoodlum ba yang pinapalibutan nila?Oemgee—Papatayin ba nila sya? Waaah!!!

Kahit inis ako sa masungit na lalaking yan hindi ko naman pangarap na mamatay sya. Most specifically na makita kong papatayin sya.Anong gagawin ko? Tatawag ba ako ng mga pulis?

No—pag yun ang ginawa ko hindi narin kami aabot. Baka pagbalik ko wala na syang buhay. *Sign Of Cross* Huwag naman.

Sinuntok sya nung isa sa mukha, nakita kung nagpapahid sya ng bibig—dumudugo yata Waah!! Lord God—what to do?

think*think*think

“Hoy! Hoodie! Anong ginagawa nyo? Nakikipag-away ka nanaman! Kuu ikaw talaga! Kanina kapa hinahanap ni mama.”

Nagtataray-tarayan  kong sabi habang papalapit sa kanila.  Pero sa totoo lang,Wahhh!! Natatakot ako. If there's one talent I possess, that would probably be acting.

Kumunot ang noo ni hoodie este ni Kashmier. At nakamasid lang sa amin yung mga mukhang gangster. Three versus one, so unfair naman!

“Hoy miss! Huwag kang makialam dito! Hindi kami pumapatol sa babae pero kung hindi ka aalis—kasama kang mababalian ng hambog na yan!”

Dinuro ng lalaki si Prince hoodlum. Napalunok ako—Ano nangayon ang gagawin ko? Wahhhh! Ayoko ko pang mamatay- No! Bata pa ako! Sayang ang aking mga dreams walang matutupad. Pero pag nangyari yun mumultuhin ko si hoodie. Ay teka! Multo narin pala sya nun! -_____-

TAMA.

Acting Skills On. Please gumana ka-- AJA Cheska Forteza.

“Huwag naman po— alam nyo po kasi ikakasal  kami ni hoodie pag 18 na kami pareho. Kaya bigyan nyo po kami ng chance na mabuhay na maligaya at magkasama.”Pwede e-UNDO?

Her Beautiful Nightmare [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon