20*Wedding?*

186 17 5
                                    

A/N: Pinag-iisipan kopo kung gagawan ko ng side story sina Gian at Nicole. Hihi. Kayo ba gusto nyo? ^___^ Please support my new story. “Boyfriend Ko Si Panget”. May mga appearance parin dun sina Cheska Gian Nicole at Kashmier since kapatid ni Cheska yung bidang lalaki. Pero hindi po yun book two at hindi na naka-focus sa kanila ang istorya. Wahaha. Mahaba ba? Sorry-- ^__^

Eto na! Todo na to! Please vote and leave some comments.

***

20*Wedding?*

Cheska’s P.O.V

Wala akong masyadong dadalhing gamit. Pati damit iiwan ko na—Lilipat na kamini mama dun sa mala palasyong bahay. Mas malapit kasi sa bago kong school pag doon kami.

Humiga muna ako sa kama. Dito na ako nagka-isip at lumaki. Dito rin sa bahay na’to ko nalaman ang totoo kong pagkatao.

Mahalaga sakin ang bahay na to kaya hindi ko ipapabenta.  May mga bagay kasi na kahit parte nalang ngayon ng nakaraan mahirap paring bitawan.

Napatitig ako sa kisame. At naalala ko nanaman sya.

“namimiss na kita! *sighs* ako kaya? Naaalala mo pa?” nababaliw na ako. Kinakausap ko ang kisame kunyari sya si Kashmier—Sana nga sya nalang si Kashmier para hindi na ako malungkot.

“Ba’t ba ang hirap mong kalimutan ha? Diba sumama ka na kay Sabrina? Diba pinagpalit mo ako sa kanya? Bakit umaasa parin akong babalik ka?”

Namamasa ang pisngi ko kaya agad kong pinahid gamit ang palad ko. Ganito lang ako palagi—umiiyak sa tuwing naalala sya. Miss na miss ko na sya—gusto ko syang makita mayakap at maka-usap.

Gusto ko syang makasama—

Nahuhulog na ang loob ko kay Gian. His more than a friend yet less than a lover. His a special friend. Minsan gusto ko syang bigyan ng chance. Pero natatakot akong baka ang ending ay panikip-butas sya. Ayoko yung mangyari—ayoko syang saktan. Gusto ko syang sumaya.

Nicky is there. Kahit itanggi nya ng itanggi—alam kong gusto nya si Gian. That’s why I’m playing cupid. Sana—sana sila na lang. Para hindi na umasa si Gian para hindi na sya masaktan.

“Cheska—parating na ang susundo sa’tin” nakasilip si mama sa pinto ng sinabi nya yun pero umalis narin agad.

Bumangon ako at inayos ang sarili ko. Gusto kong libutin muna ang bahay kahit sandali. Baka kasi matagal-tagal pa bago ko ‘to mabisita ulit.

Nagpunta ako sa Kitchen. Nakita ko yung mesang hindipantay ang paa ng dumating. Kaya napangiti ako.

O___O naalala ko na.

Gumapang ako sa ilalalim ng mesa at kinuha ang bagay na inakala kong walang halaga. Ng makuha ko agad kong isinuot sa daliri ko.

The rings were important sabi ni mama. May kwento sa likod nito. Ngayon—alam ko na. Naniniwala na akong mahalaga nga ito. Dahil ito ang nag-uugnay samin ng taong mahal ko.

Isusuot ko ‘to kahit wala na sya—

“Tayo na!”

Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. I’m expecting to see kuya dahil boses nya ang narinig ko pero paglingon ko—

“Who are you?” kunot noong tanong ko.

Naka salamin ng makapal. Yung buhok? Takot lang ng langaw na dumapo baka madulas. Plusyung outfit? Ang baduy. Grabe! Sobrang to the nth level. Ngumiti sya at nalantad ang braces nya na sa paningin ko ay parang mouthpiece ng boxers pag naglalaban.

Her Beautiful Nightmare [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon