4*You got to be kidding me*

267 23 6
                                    

Cheska’s P.O.V

Prenteng-prenteng nakaupo ang hoodlum sa aming sofa. Tsk! Nagsisisi tuloy ako kung ba’t ko sya dinala dito. Sana pala iniwan ko nalang sya dun. Malamang naman may gamot sa kanila. Pauwiin ko na kaya? 

-______-

Pa’no kasi ang sungit-sungit. Daig pa ako pag nag P-PMS! Nakakaasar! Sino ba sya sa akala nya? Kung prinsipe sya sa school, hindi naman sya ang hari dito sa bahay namin noh! Kainis! Haay. 

Maiwan ko nga syang mag-isa dyan! Bahala sya! Mabilis na umibis ako papuntang kwarto. Nagpalit ako ng damit pambahay at humilata sa aking kama. Parang--- ayaw ko na yatang lumabas ng kwarto. Tama! Matutulog nalang muna ako. ^___^

Napatingin ako sa kisame at naalala ko ang gwapong mukha ni Gian habang nakangiti—Kyaaah!! His my dreamboy! Sana--sana sya ang makatuluyan ko someday. Hihi. Sige Cheska! Libreng mangarap.

Hmm—ba’t ba ngayon ko lang napansin? Malaki pagkakahawig ni Gian kay Hoodie.

Tss! -____-

Ba’t ko na-isip yun eh wala naman silang comparison?Kasi si Gian mukha yung angel sent from heaven! ^__^

Samantalang si Kashmier eh—err--- well parang parang God na bumaba from olympus!

O___O

Undo!

*tok-tok*

Creeeeeeeeeeeeeeekkkk       (sound effect ng pintong bumubukas)

“Hoy Cheska!!! Ba’t ka nakahiga dyan? Naiinip na yung bisita! Tumayo ka’t lumabas na! Oh eto ang first aid kit—gamutin mo yung sugat nya. Napano ba yun ha?—ah mamaya mo nalang pala ikwento. Dali na’t puntahan mo na sya at maghahanda ako ng meryenda.” tuloy-tuloy na sabi ni mama at inabot sakin ang first aid kit na dala nya.

Ako? Ako talaga? Gagamutin ko si hoodie? Nah!  Oo kanina yun ang gusto kong gawin but now--

AYOKO NGA!

 Pero ano namang idadahilan ko kay mama? Hindi naman pwedeng sabihin kong "mama ayaw ko"  Magagalit yan for sure! -___-

Ah alam ko na! TAMA. (evil grin sa isip)

“Ah—ma—mama. A-aray ang sakit po ng tyan ko- arghh!! Pwede po bang kayo nalang gumamot sa kanya?” Hinawakan ko ang tyan ko at nagkunyaring namimilipit sa sakit sana naman gu—

 *pak!*

 Sabi ko nga—hindi tatalab sa kanya acting skills ko eh!

“Aray po! ma naman eh!!” reklamo ko habang hinihimasa ang noo kong pinitik ni mama.

“Huwag mo akong artehan Cheska! Hindi mo ako maloloko! Bibilisan mo ba dyan o—gusto mong makatikim ng palo?!” nanlilisik ang mga matang sabi ni mama. Waahh! I’m scared!

Tumayo ako at nagmamaktol na kinuha ang first aid kit mula kay mama. Bakit kaya concern si mama sa Hoodie na yun? Kuu!! Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa mga nagaganap. Baka nga boyfriend nya talaga yun. Kasi bakit sila magkakilala saka alagang alaga pa nya.

“Ma— ah may boyfriend na po ba kayo?"  sa pagkakataong ito hindi lang mga mata ni mama ang nanlilisik, lumaki narin pati butas ng ilong nya. PATAY!

Kumaripas ako ng takbo papunta sa sala namin. Nakakatakot  na masyado ang hitsura ni mama kanina.  Mahirap na—mabato pa ako nung bakya nya. Masakit yun! Try nyo pa mag pa-bato minsan! 

Her Beautiful Nightmare [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon