*FIN*

269 26 11
                                    

A/N: Seriously—last na talaga to. ^___^ Nangangati po akong etype yung ending. Wahihi. Pa vote and comment po. Solomot.

***

*FIN*

Gian’s P.O.V

“Di ba sabi ko sayo sakin ka lang! Ba’t ka nagpapakasal sa iba?”

Natawa ako ng marinig ko ang sinabi ni Jaze sumunod kasi ako sa kanya ng umakyat sya sa stage. Ako ang nagbigay ng microphone sa kanya. At Ako rin ang nagbigay ng maling impormasyon sa kanya.

Kasabwat ko yata lahat—ang clueless lang dito ay silang dalawa ni Cheska.

Her reaction is priceless. Parang sobrang saya nya. Napangiti ako. After all, I made a correct decision. Humakbang palapit kay Jaze si Cheska – akala ko yayakapin nya sya pero nagulat ako—

Hindi—mas tamang sabihing nagulat kaming lahat ng

*pak!*

Binatukan nya si Jaze.

ADIK.

Umiiyak na si Cheska.

“hoodlum ka na! Kill joy ka pa! Sino bang nagsabi sayong magpapakasal ako sa iba? Kahit tumandang dalaga pa ako kahihintay sayo gagawin ko paring hintayin ka. *sobs*

Hinampas nya ang  dibdib ni Jaze pero hinawakan lang nito ang kamay nya saka niyakap ng mahigpit. Pareho na silang umiiyak.

Nilingon ako ni Jaze at ngumiti sya sa’kin. Alam kong naiintindihan na nya ang lahat. I did this because they belong to each other.

Lumuhod si Jaze na halata namang ikinagulat ni Cheska.

“I don’t want to step backward— I don’t have a ring with me but please marry me!”

Aw!

“Ano ka ba—oo naman! Fiancee mo na ako diba!?” nakangiting sagot ni Cheska. Umiiyak parin sya pero alam kong luha na yun ng kaligayahan. Masaya ako para sa kanila.

Nagpalakpakan ang mga bisita at nag congratulate sa kanya. Matapos ko silang batiin umalis na ako. At kasabay ng pagtalikod ko tumulo ang mga luha ko.

Kasi ngayon—sigurado na akong hindi mapapasakin ang babaeng pinakamamahal ko. Pero ayos lang—alam ko at umaasa ako na isang araw—matatagpuan ko rin ang para sakin.

“O-okay ka lang ba?” nagulat ako ng biglang magsalita sa likod ko.

Paglingon ko—

it’s Nicole.

Hahanapin ko pa nga ba? O—baka naman nahanap ko na pala sya matagal na.

************FIN***************

A/N: Please support my upcoming story. Thank you ulit sa lahat ng nagbasa at sumuporta—thank you thank you talaga. ^___^ i love you all.

Her Beautiful Nightmare [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon