Chapter 16

19.2K 1K 191
                                    

Dedicated to MarycrisBetios...:)

Enjoy reading!

Ang sipag ni author....haha

~

"Are you sure you want to know?", nanantiyang tanong ni Kristan kay Abby.

Natigilan naman si Abby sa tanong ng ama.

Kakayanin ba niya ang mga rebelasyon tungkol sa kanyang nakaraan?

"No..I was just curious Dad...I have to go...", agad na tumayo si Abby at umalis.

Nagkatinginan nalang silang mag-anak.

~

Dumaan pa ang mga araw ay wala paring nagbabago sa relasyon na mayroon ang dalawa kung relasyon nga ba ang matatawag ang mayroon sila..

"Mom no!", tutol ni Abby sa narinig mula sa kanyang ina.

Nasa trabaho ito ng tumawag si Megan.

"Achuuuu! Parang awa mo na anak masama talaga ang pakiramdam ni Mommy. ACHUUUU!", nanghihinang pakiusap ni Megan sa anak.

"Never Mom!!! Si Xander nalang okay?! Alam mo naman ang damdamin ko towards that kid?!"

"*cough* hindi nga pwede ang kambal mo anak dahil nasa tondo siya ngayon sinusuyo si Jess acchhhuuu!!!!!"

"Si yaya nalang Mom"

"*cough cough cough cough*"

Napapikit nalang si Abby matapos marinig ang sunod sunod na ubo ng ina.

"O-oh sige anak. Ako nalang ang pupunta.."

Napasimangot nalang si Abby sa sinabi ng ina.

"Pwede naman kasing katulong nalang ang pumunta Mom eh hindi naman kasi importante na ikaw pa ang pumunta"

"Abby anak kung ipagpipilitan mo ang gusto mo ibaba mo nalang ang *cough* ang telepono."

Natahimik siya sa sinabi ng ina.

"Ito ang kauna unahang school activity ni Kendra kaya ayoko namang*cough* *cough* kung sino sino nalang ang ipapadala ko para makasama niya achhhu!!!!"

Agad namang nakonsensya si Abby sa narinig.

"O-oh sige nak at magbibihis na ako accchhuuu!!!"

"Aghhhhh!!! Fine Mom! Pupunta na ako okay? Magpahinga nalang kayo", napipilitang sagot ni Abby.

"T-talaga ako anak?",hindi makapaniwalang tanong ni Megan.

"Yes Mom..."

"Oh hala sige anak! Gora na! At kanina pa tawag ng tawag ang guro ni Kendra. Siya nalang ata ang walang magulang doon eh"

Napakunot nalang si Abby matapos marinig ang masiglang boses ng ina na kani kanina lang ay parang ang hina hina.

Shit! What now?, tanong ni Abby sa sarili matapos maibaba ang telepono.

"Ahmmm Michie dito ka muna ha? May pupuntahan lang ako.", bilin ni Abby kay Michie habang nagliligpit siya ng mga gamit.

"Oh saan naman ang lakad mo?"

"Ahmmm may pupuntahan lang akong event sa school. Paki sabi nalang kay sir ha?"

"Eh nanjan naman na si sir sa loob ng opisina niya eh. Mag-paalam ka muna girl"

"Naku huwag na sabihin mo nalang sa kanya na umalis ako pag hinanap niya ako. Busy iyon noh..."

"Ahh ganun?", hindi mapigilang bulalas ni Hans matapos marinig ang sinabi ni Abby.

The Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon