Chapter 22

28.5K 953 571
                                    

Nagising si Hans na makirot ang kanyang ulo.

"He's awake!"

Sukat doon ay agad lumapit ang kanyang mga kaibigan sa kamang kanyang kinahihigaan.

Napangiwi naman na pilit bumabangon si Hans habang hawak pa ang ulo.

"Bossing! Okay ka na?", tanong ni Bryan.

"Tsk! What the heck do you think moron!"

Gulat na gulat naman sila sa narinig at sabay pang napasinghap.

"Water! Give me water!"

Dahil sa gulat ay wala kahit isa ang kumilos.

"What the fuck! I said I want a fucking water!"

"O-oo boss!", nataranta naman ang tatlo na sina Luis, Francis at Bryan sa pagkuha ng tubig.

Ninerbyos pa sila dahil parang bumalik na ang dating bossing nila.

"E-eto na boss", natatarantang binigay ni Bryan ang tubig kay Hans.

Kunot noo lang na nanonood sina Marie at Antonette at nagtataka din sa pagbabago ni Hans.

"What the hell happened?", tanong ni Hans matapos maubos ang laman ng baso.

"Nawalan ka ng malay boss kagabi boss! Di mo ba matandaan? Reunion natin kagabi", sagot ni Luis.

Agad pinikit ni Hans ang mga mata saka inalala ang buong pangyayari kagabi pero wala siyang maalala kundi nasa loob siya ng sasakyan at hinahanap si Jana.

"Where is Jana? Diba nakidnap kayo? Nandito na kayo? Nasaan si Jana?", mabilis na tanong niya matapos maalala ang nobya.

"Ha?", gulat na sagot nila.

"Oh mygosh! Nakaalala na siya! Pero anyare bakit iyon lang ang naalala niya?", nagtatakang tanong ni Antonette.

"Boss 2016 na ngayon.", ang sabi ni Francis.

"What? Are you kidding me? 2011 palang ngayon! Bakit ba iyan ang sinasabi niyo? Nasaan si Jana? Gusto ko siyang makita! Nasaan ba siya!"

"B-boss totoo. Eto oh tingnan mo ang kalendaryo. 2016 na talaga", sabi ni Luis sabay pakita ng maliit na kalendaryo kay Hans.

"What the hell. How come wala akong maalala? Anong nangyari? Jana?! Jana?!"

"Boss huminahon ka!"

"Gusto kong makita si Jana! Ilabas niyo si Jana! Jana!!!"nagwawalang sigaw ni Hans.

"Boss!! Sasabihin na namin kung nasaan si Jana", ang sabi ni Bryan na nagpakalma kay Hans.

"Nasaan siya?"

"Pero boss bago namin ituro kung nasaan si Jana eh makinig ka muna sa amin."

"Ano pa bang dapat kong malaman!"

"Marami boss! Maraming nagbago sa limang taong nakalimot ka", ang sabi ni Francis na nakapagpahinto kay Hans.

Kumalma naman si Hans at nakinig sa kanilang kwento.

"You mean si Jana ay isang Steeve?", hindi makapaniwalang saad ni Hans.

"Oo boss! Ibang iba na siya ngayon. Hindi na siya iyong dating Jana. Model na nga siya eh. Siya na si Abbigail Margareth Steeve", wika ni Bryan.

Hindi naman makapaniwala si Hans sa mga nalaman habang tahimik siyang nakikinig sa mga sinasabi ng kanyang mga kaibigan.

"How come si Vanessa ang naging nobya ko?"

The Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon