Chapter 15

19.4K 585 52
                                    

This chappy is dedicated to jayezishtar19...:)

Enjoy Reading!

~

"Ahhhhh...."

Parehong pagal ang katawan na bumagsak sa kama sina Hans at Abby matapos pagsaluhan ang mainit na pagniniig.

"That was great babe.. ", pabulong na wika ni Hans kay Abby.

"Hmmmm", ngumiti nalang si Abby bilang sagot.

Antok na antok na ito dahil kanina pa siya ayaw tigilan ni Hans.

Doon na sila dumiretso sa condo ni Hans matapos ang dinner sa mansion ng Steeve.

Zzzzzzz

~

Kinabukasan

Nagising si Abby dahil sa tama ng init na mula sa bintana.

Tumingin siya sa paligid ng makitang hindi iyon pamilyar sa kanya.

Nang maalala si Hans ay unti unting kumurba ng ngiti ang kanyang mga labi.

Nasaan kaya ang lalaking iyon?

Ngunit agad iyong nawala matapos makita ang larawan na nasa bedside table.

Larawan iyon nina Hans at Vanessa. Mukhang nasa isang resort sila base narin sa kanilang mga suot. Naka two piece na swim suit ang babae nakaswimming trunk naman si Hans.

Parehong silang nakangiti sa larawan. Nasa likod si Hans at nakapaikot ang mga braso nito sa bewang ng babae habang ang mga labi nito ay nakadikit sa balikat ni Vanessa na nakaexpose.

May kung anong dumaang sakit na naramdaman si Abby sanhi ng larawang iyon sa kanyang dibdib.

Nakasimangot siyang tumayo at papunta na sana sa banyo ng may naisip. Naglakad siya pabalik saka kinuha ang larawan at walang ingat na tinaob.

"Hmp! Ang sakit sa bangs! Hindi kayo bagay!', nakangusong usal niya saka dumiretso na sa banyo para maligo.

Pagkatapos maligo ay dali dali siyang nagbihis at lumabas.

"Hans babe?", tawag niya.

Naamoy niya ang masarap na luto mula sa kusina kaya dali dali siyang nagtungo roon.

Napakagat labi siya ng makita ang nakatalikod na si Hans. Wala itong damit pantaas kaya napapalunok siya dahil sa nakikitang katawan.

Wow shit lang ang masel...yum....hihi

Napapangiti nalang si Abby sa kalaswaan ng kanyang isip.

"Pasado ba?", tanong ni Hans na ngayon ay nakaharap na.

"Pwede na", nakangising sagot ni Abby.

"Pfttt pwede na eh naglalaway ka nga...", nang-aasar na wika ni Hans saka tumalikod ulit para ipagpatuloy ang pagluluto.

Napatawa nalang si Abby.

Lumakad siya papalapit dito at niyakap patalikod si Hans.

"Anong niluluto mo?", malambing na tanong nito.

Natigilan naman si Hans sa paghahalo ng sinangag matapos maramdaman ang malambot na katawan ng dalaga.

Napamura pa siya sa isip ng maramdaman na nagrereact na naman ang kanyang junjun.

"Tss. Umupo ka na doon sa mesa at malapit na itong matapos.", pagtataboy niya rito dahil baka imbes na kumain sila ng totoong pagkain ay magkainan nalang sila.

The Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon