Chapter 1

110 0 0
                                    

Celine POV

"HEY BABY, wake up. It's 6:30 in the morning already." Paggising ko kay Duke Ivan, my 6 year old son.

"Mom, I'm still sleepy, and please, don't call me baby, I'm not a baby anymore." Reklamo niya. Iba klase rin 'tong anak ko e. Ang bata pa pero binata na kung mag isip.

"No! I will still call you baby. Now you better wake up." Pagpilit ko sa kanya.

"Give me another five minutes mom." He yawningly said.

Aba! May pa-five minutes pang nalalaman!

"Hindi pwede! Di ba nga? Ngayon ang lipad natin papunta sa Lola mo sa Pilipinas? Kailangan mo nang bumagon kundi iiwanan kita!" Utas ko. At mukhang effective naman ang straight na pagtatagalog ko dahil bigla na lang siyang napabalikwas sa pagbangon. Pag ganitong tinatagalog ko siya alam niyang galit ako e.

"Alright mom, but promise to me you're not gonna leave." He said with his puppy eyes. Ito talagang anak ko. Takot talagang maiwanan e. Naglalambing talaga pag alam niyang galit ako.

"OK. I promise. But you need to go to the bathroom to take a bath now. Male-late tayo sa flight natin." I said. After that, bumaba na kami mula sa kwarto niya at agad tinungo ang banyo. I was about to take him to the bathroom when he stopped in front of the door. At pumwesto siya na parang hinaharangan ako na makapasok.

"Ehem. Mom, I'll take a bath on my own." Pagtikhim niya. Sige pagbigyan ang nagpi-feeling binata. Hayy. Ang anak ko talaga.

"Okay, just stay the door open, so that I can see you while I'm cooking for our breakfast." Pagbilin ko.

"Okay Mom." Nakasimangot na pag sang ayon nito.

Napangiti ako sa expression na pinakita ng anak ko.
Parang kailan lang nung pinagbubuntis ko si Duke. Grabeng hirap ang pinagdaanan ko. Nandyan na yung mga morning sickness, mood swings at syempre ang pagpili ng pagkain. Mabuti na lang at nandito si Mama Connie at Ate Kristine noong mga panahong iyon, kahit papaano ay naging panatag ako na magiging maayos ang pagbubuntis ko. Sila din ang nagbigay ng lakas ng loob sakin para bumangon ulit at mag-umpisa ng bagong kabanata ng aking buhay.
At inumpisahan ko ang panibagong buhay dito sa Australia.

Yes. You read it right. We already migrated here in Australia 7 years ago. Noong malaman ko, I mean namin na buntis ako, my older sister Kristine decided na isama ako dito sa Australia. My sister's husband is a Fil-Aussie, at may hotel business sila dito sa Australia. Nakakahiya man pero tinanggap ko ang ang offer ni ate. Noong panahon kasing iyon ay down na down ako. Yung tipong di ko na alam ang gagawin ko dahil sa sunud-sunod na masalimuot na pangyayari sa buhay ko. I was nineteen that time at 3rd Year college ako nun. I wasn't expecting na biglang mag-iiba ang takbo ng buhay ko mula nang makilala ko ang ama ni Duke Ivan. Walang iba kundi si Dustin.

But it's another story to tell. Akala ko ang pagpunta ko sa Australia ang magiging instrumento para kalimutan ko siya, ang mga di magandang naidulot ng pag-ibig ko sa kanya, pero nagkamali ako.

Paano ba naman kasi, hulmang hulma ni Dustin ang hitsura ng Duke! Para ngang walang nakuha sakin ang anak ko. Yung ugali lang siguro na takot maiwanan ang namana sa akin. Haha.

"Mom, I'm done." Pagkalabit sakin ng anak ko.

Muli akong bumalik sa realidad dahil sa pagkalabit niya. Mabuti na lamang at patapos na ako sa pagluluto.

A Single Mother's Story (ON HOLD!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon