Prologue

150 2 0
                                    

Author's Note:

This story is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is coincidental.

Warning:
This story contains some (if not, most) scenes that only requires mature and open-minded readers. You know what I mean. So read at your own risk.

---

NANLALABO ang paningin ko dahil sa walang tigil na pagbuhos ng aking luha.

Agad akong tumakbo palabas ng boarding house na tinutuluyan ng kaibigan kong si Bianca. Di ko kayang panoorin ang kalapastanganang ginagawa nila sa loob.

Wala naman akong lakas ng loob sugurin sila. Di naman ako pala-away na tao. Naging duwag ako sa mga oras na iyon.

Pagkalabas ko ay agad akong pumara ng taxi. Isang tao lang ang naiisip kong puntahan.

Habang nasa biyahe ay di ko pa rin mapigilan ang humagulgol. Bakit nila nagawa sa akin yun?

Naninikip ang dibdib ko. Parang nilulukot na papel ang puso ko sa mga oras na 'to. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng sakit.

Maya-maya ay huminto na ang taxi sa isang mataas na gusali. Buti na lang matino itong nasakyan ko. Dis-oras na rin kasi ng gabi at delikado na sumakay ng taxi.

Pagbaba ko ay agad kong tinungo ang main entrance ng building. Buti na lang at kilala na ako ni kuyang guard pati na ang receptionist sa building na 'to.

Sumakay na ako ng elevator. Inayos ko na ang sarili ko at pinilit na pinatahan ang sarili ko.

Pagdating sa 18th floor, lumabas na ako ng elevator at hinanap ang unit na puupuntahan ko.

Di na ako nag-doorbell pa at ni-type ko na ang passcode ng unit.

Pagbukas ko ay bumungad agad sa akin ang isang tagpong biyaheng langit. Ano ba naman yan! Hanggang dito ba naman ganyang eksena din ang makikita ko!

"Sh*t! Hon! wait, yung kapatid ko!" Tarantang sabi ni ate.

Agad naman nag-ayos si ate pati ang soon-to-be husband niya. Buti na lang ay may saplot pa sila ng naabutan ko.

Nakita ko namang sinenyasan ni ate ang fiancé niya na umakyat sa kwarto nila.

"My god! Celine! Di ka man lang nagpasabi na pupunta ka dito!" sabi ni ate Kristine habang palapit sa akin.

"A-ate." Yun lang ang nasabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Wala na. bumagsak na naman ang luha ko.

"Hey, ssshhhh. What's wrong?" Alala niyang sabi.

"A-ate... *hik* si ... *hik*" di ko mapigilan ang hikbi ko.

"What? I can't understand. Tara upo muna tayo." Utos niya. Umupo naman ako sa sofa dito sa sala.

"Hintayin mo ako dito. Kukuha lang ako ng tubig." Pumunta sa kusina si ate para kumuha ng tubig.

Maya-maya nilapag na ni ate ang isang baso ng tubig sa mesa sa harap ko. Pero di ko pinansin 'yon.

"Now tell me, what happened?" seryosong tanong niya.

Oh God! Wala pa pa pala akong naikukwento kahit isa kay ate tungkol kay Dustin. Di ko alam kung saan ako mag-uumpisa.

"Ate, m-may b-boyfriend na ako." Panimula ko.

Napatayo siya bigla.

"What? Kailan pa? Bakit di mo sinabi agad sa'kin?" Sunud-sunod na tanong niya.

"5 months na kami ni Dustin ate." Pautal kong sabi.

"My god, Celine! Alam na ba 'to nila Mama't Papa?" halos pagtaasan na ako ng boses ni ate. Di na ako nagulat. Expect ko naman na ganito ang magiging reaction niya.

"Hindi pa ate, baka magalit si Papa, ma-high blood pa yun." di pa ako handang sabihin sa kanila. Iniisip ko kasi ang kalagayan ni Papa.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni ate Kristine.

"Eh bakit ka naman umiiyak? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni ate.

Unti-unti na namang bumibigat ang pakiramdam ko nang maalala ko ang nakita ko kanina.

"N-nahuli ko kasi sila ni Bianca na... na ..." Napahinto ako dahil parang ayaw namang lumabas sa bibig ko ang salitang yun.

Mukha namang na-gets ni ate ang gusto kong sabihin.

"Sinong Bianca? Yung bestfriend mo? Aba'y may sa-ahas pala yang babaeng yan!" ayan na nga bang sinasabi ko. Magagalit at magagalit talaga yang si ate.

"Eh anong ginawa mo? Mga punyeta sila! Sinugod mo ba? Tara't sugurin nating yung mga baboy na yun!" gigil na sabi ni ate Kristine. Nakakatakot magalit si ate. Mukang mahinhin pero kapag nagalit daig pa ang palengkera. Di mo mapipigilan ang bunganga.

"Wag na ate." Yun na lang ang nasabi ko.

"You're unbelievable! Kelan ka pa naging martyr? Kailangan mong lumaban! Ikaw ang girlfriend di ba?" sa pagakataong iyon ay medyo bumaba na ang tono ng boses niya pero halatang galit pa rin.

Hindi ako makaimik. Parang naubusan na ako ng sasabihin. Maya-maya naramdaman ko na namang umiinit ang gilid ng mga mata ko. Naluluha na naman ako.

"Ssshhh... stop crying. Sorry. Napagtaasan pa kita ng boses." Pag-alo sakin ni ate.

Ganito talaga kami ni ate. Siya lang kasi napagsasabihan ko ng mga nararanasan kong hardships dito sa Maynila. Malayo kasi sila Mama't Papa. Umuwi sa probinsiya si Mama para maalagaan niya muna si Papa doon.

Maya-maya, naramdaman ko na parang bumabaliktad ang sikmura ko. Parang maduduwal ako.

Nagulat naman si ate nang bigla akong tumayo at agad pumunta sa lababo.

"Aaaaccckkk!" Pagduwal ko.

Naramdaman ko naman bigla ang paghagod ng kamay sa likuran ko. Nakalapit pala agad si ate.

"Aaaccckkk!" pagduwal ko na naman. Ano bang kinain ko kanina?

Sumusuka ako pero walang lumalabas. Kaya inangat ko na ang ulo ko sa pagkakayuko.

"Here, drink this." Alok ni ate ng tubig. Agad ko namang inabot iyon at ininom.

"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo Celine?" medyo nag-aalalang tanong niya.

Naranasan ko na ito nitong mga nakaraang araw. Mabilis pa akong mapagod at mahilo. Bigla naman akong kinabahan dahil sa pagduduwal ko.Di ba signs 'to ng...... Oh God!

Napansin naman ni ate na bigla akong natulala.

"Oh my God, Celine! Wag mong sabihing ......

BUNTIS KA?"

A Single Mother's Story (ON HOLD!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon