Chapter 2

63 0 0
                                    

Celine POV

NANDITO kami ngayon sa dining area ng bahay ni Mama. We're obviously eating our dinner here. Nakapagpahinga naman na kami ni Duke after ng mahabang biyahe kanina. At ngayon nga ay nagkuwentuhan kami dito habang kumakain. Pero heto ako ngayon, medyo tahimik. Eh paano ba naman, yung mag-Lola lang ang nag-uusap! Halos hindi na nga ako makasingit sa usapan nila.

"Lola, did you like the gift that I gave you a while ago?" Duke said to his Lola.

By the way, guess what's Duke's gift to his Lola?

It's a personalized card with a Koala pen inside it. Nabili namin yung Koala pen when we visited a zoo in Australia last time. Tuwing magpapabili siya ng ganoong souvenir, he always ask me to buy another one for his grandmother. My son is really sweet. Isn't it?

"Yes, big boy. I actually loved it. Thank you." She replied.

Habang kumakain ay hindi pa rin sila natatapos mag-usap. Na-miss talaga nila ang isa't isa.

Ilang sandali lang at natapos na si Duke kumain. Tatayo na sana siya sa kanyang kinauupuan ng magsalita ang anak ko.
"Lola, have you met my dad?" He asked.

I was stiffened at that thought. My heart skipped a beat. Bigla kaming nagkatitigan ni Mama. Alam niya ang lahat. Pati ang pagpigil ko na makilala ni Duke ang ama niya.

"Big boy, let us talk later about that, okay? For the mean time, go with Lola Cora to brush your teeth." My mom said to Duke.

Di nagtagal, umakyat na si Duke at Aling Cora sa taas. Naiwan kami ni Mama dito sa kusina.

"Anak, tama ba talaga ni hindi mo siya ipakilala kay Dustin? Lumalaki na ang anak mo. Lumalawak ang pag-iisip niya sa paglipas ng panahon." Tanong ni Mama sa akin.

"Ma, may ibang pamilya na ho si Dustin. Sa katunayan po ay nakita ko siya kanina sa Airport, kasama si Bianca at isang batang lalaki." May kung anong kirot sa dibdib ko nung sinabi ko iyon.

"Anak, wag mong mamasamain ha? pero parang tinatanggalan mo ng karapatan ang anak mo na makilala ang ama niya." Pagpapaliwanag niya.

"Ma, ayokong masaktan ang anak ko. Kapag nalaman niyang may ibang pamilya ang tatay niya, maguguluhan siya. Di niya pa kayang intindihin ang mga ganung bagay."

"Pero anak, hindi habang buhay itatago mo ito sa anak mo. Darating ang araw na malalaman at malalaman niya ito."

Tama si Mama. Darating talaga ang araw na makilala niya si Dustin. Pero di ko alam kung kailan.

"Di ko alam Ma, naguguluhan ako." Lalong bumibigat ang pakiramdam ko. May namumuong likido sa mga mata pero pinipigilan kong bumagsak ito.

A Single Mother's Story (ON HOLD!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon