Chapter 1

28K 440 44
                                    

Gabi na nang dumating ang mga magulang ng limang magkakapatid. Madalas naman talagang ganito ang tagpo sa bahay nila at masasabing nasanay na sila dito. Mabuti nalang at napapalitan ang kanilang paghihintay ng sigla, dahil madalas may pasalubong ang kanilang mga magulang.

Tutok ang mga ito sa negosyo ng kanilang pamilya. May sarili kasi silang puwesto sa isang sikat na pamilihan sa Parañaque at masasabing higit ang kita nito sa araw-araw nilang pangangailangan. Ito rin ang ikinabubuhay ng mag-anak bago pa man makuha ng kanilang ama ang kaniyang mana mula sa yumaong striktong ama. Mabait ang mag-asawang ito. Bukod sa mapag-alaga sa mga anak, malaki rin ang takot ng mga ito sa Diyos – relihiyoso ika nga nila. Dagdag pa rito, mabubuting mga amo rin sila sa kanilang mga tauhan. Kadalasan pa nga ay nagpupunta ang ilan sa mga ito sa kanilang bahay. Lalo na kung wala ang kanilang mga kasambahay. Sila ang pansamantalang humahalili sa mga gawaing bahay, na kusang loob namang tinatanggap ng mga ito dahil sa maayos na trato ng mag-anak sa kanila.

Dahil sa mga nabanggit na katangian, madalas silang masabihan ng karamihan na larawan daw sila ng isang “Perpektong Pamilya”. Sa katunayan, ito rin ang pakiramdam ng kanilang mga anak.

Nasa sala ang limang magkakapatid na noon ay nanonood ng isang magandang palabas sa TV. Labis ang tuwa ng mga ito nang marinig na dumating ang sasakyan na lulan ang kanilang mga magulang, weekend naman kaya kampante silang hindi mapapagalitan kahit gising pa sila nang ganoong oras. Dali-dali silang tumayo sa kanilang kinauupuan at nagsiksikan sa harapan ng pintuan upang sumalubong. Syempre, sabik din silang makita kung ano ang pasalubong na naghihintay para sa kanila. Nung gabing yon, bukod sa dalang mga pasalubong, napansin nilang may kasama ang kanilang mga magulang. Isang matandang babae na ipinakilalang bago nilang kasambahay. Bago sa paningin nila ang babaeng ito. Tiyak nilang hindi siya isa sa mga tauhan sa kanilang pamilihan.

"Eto si Aling Elsa, siya ang magiging kasambahay natin pero panandalian lang. Hanggang sa makalipat tayo.",panimula ng kanilang ama pagkapasok sa bahay.

Kamusta po!”, masayang bati ng mga bata sa bago nilang makakasama sa bahay.

“Maayos naman, salamat…”, sagot ng matanda at binigyan sila ng isang matamis na ngiti.

Magpapakabait kayo sa kanya ha?”, dagdag naman ng kanilang ama.

Sunod-sunod na pagtango naman ang isinagot ng mga bata sa sinabi ng kanilang ama na tanda ng pagsang ayon sa bilin nito.

House #38 - Completed (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon