Chapter 5

16.7K 272 36
                                    

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nang makalipat sila sa bahay. Maayos naman ang lahat at nakapag-adjust nadin ang buong pamilya sa bago nilang tirahan. Tulad ng dati, ang mga magulang nila ay naalis upang pagtuunan ng pansin ang kanilang puwesto sa pamilihan. Pero, gumigising lang sila ng madaling araw tuwing Huwebes at Linggo. Kailangan kasi nilang dumalo ng simba sa kanilang relihiyon. Sa ibang araw naman ay inihahatid muna nila ang mga bata sa eskwelahan bago sila dumiretso sa kanilang negosyo. Ganito lagi ang kanilang gawain kaya naman kabisado na ito ng kanilang mga kasambahay.

Samantala, ang mga bata naman ay gumigising ng ala-sais ng umaga at sabay-sabay nag-gagayak sa pagpasok sa eskwelahan. Pinaghahanda naman sila ng almusal ng kanilang mga kasambahay at tinitiyak na nakaayos ang kanilang mga uniform at mga gamit sa eskwelahan. Isa sa pinaka mahirap gisingin sa magkakapatid ay si Sheena. Ilang beses man itong gisingin, bumabalik at bumabalik pa din ito sa pagtulog. Paminsan pa nga, tumatakas ito ay itinutuloy sa banyo ang pagtulog. Kaya naman tuwing maririnig ng kanilang mga magulang na ang isa sa kanilang magkakapatid ay hindi pa nabangon, sila na mismo ang tatayo para gumising sa kanila.

Isang umaga ng Biyernes, nagkasabay sa kusina ang kasambahay na si Lea at ang ina ng mga bata. Napilitang gumising ang mama nila dahil hindi nanaman bumangon si Sheena. Hindi naman niya hinintay pa na magising ang asawa niya dahil baka mapalo na si Sheena. Noong isang araw kasi, nahuli ng papa nila na natutulog ito sa banyo habang ang mga kapatid niya ay naghihintay sa kanya para makaligo. Ayun pala, natutulog lang siya sa loob. Kaya naman, sermon ang naging almusal ni Sheena nang araw na yun. Nahuli kasi sa klase ang kanyang mga kapatid dahil sa ginawa niya. Mabuti nalang ngayon, mabilis na bumangon si Sheena nang marinig ang boses ng mama niya.

Pagkakataon naman ni Melissa ang mama ng mga bata, ang makipagkwentuhan sa mga kasambahay. Minsan nalang kasi mangyari ang pagkakataon na iyon dahil nga sa sobrang abala ng mga ito sa pagpapalakad at pagpapalago ng kanilang mga negosyo. Saglit na tumulong sa paghahanda ng almusal ang mama nila at nakipagkwentuhan sa kasambahay na si Lea. Habang nag-uusap, nabanggit niya at balak na punahin ang sobrang aga nitong pag-gising kahapon. Wala namang masama, pero nag-aalala siya na baka hindi husto ang tulog ng kasambahay. Lalo pa’t marami itong inaasikaso para sa mga bata at para sa bahay.

"Siya nga pala, maiba tayo. Ang aga mo naman yata nagising kahapon Lea. Naliligo ako kahapon nang alas-tres eh at gising kana..", bungad ng mama nila.

"Ano po ate?" ang maikling tugon ng kasambahay sa sinabi ng mama nila, tila may pagtataka sa boses nito. 

"Kahapon ng umaga ang aga mo nagising sabi ko. Nagtitimpla ka pa nga ng kape, narinig ko nung nasa banyo ak. Mga alas tres yun ng madaling araw. Tinawag kita pero hindi ka naman umimik", inulit ni Melissa ang sinabi nito kanina.

"Ate, hindi po. Tinanghali po kami ng gising ni Aling Elsa kahapon. Ala - singko trenta po kami nagising."

"Ha? wag mo nga kong binibiro.  Baka naman naalimpungatan ka nun at nagtimpla ka ng kape".

"Ate hindi po. Sigurado ako. Kahit tanungin niyo po si Manang".

Natigilan si Lea sa binanggit ng kanyang amo. Sigurado kasi siyang, hindi siya ang tinutukoy nito. Tamang-tama naman ang pagkakataon at dumating si Aling Elsa sa kusina. Galing ito sa kwarto ng mga bata para ihanda ang mga gamit nito. Nakahanap naman ng magandang pagkakataon ang mama nila upang kumpirmahin kung sino nga ba ang narinig niyang nagtitimpla ng kape. Matapos kasi ang kaniyang pagligo, hindi na niya sinilip pa kung sino ang tao sa kusina at agad siyang pumasok sa kwarto. Mas tinuon niya kasi ang kaniyang pansin sa pagsasa-ayos ng kaniyang damit na gagamitin niya na pang-simba.

"Aling Elsa, anong oras kayo nagising kahapon?", bungad ng mama nila.

"Nako ate, ala - singko trenta po kami nagising ni Lea. Napasarap po ang tulog namin." sagot ng matanda.

Nalito na sa mga sandaling iyong ang mama nila sa sagot ni Aling Elsa. Kung hindi si Lea at hindi rin si Aling Elsa ang narinig niyang nasa kusina nung isang umaga, sino? Malabo naman ang asawa niya dahil lagi itong nagpapasuyo kung gusto ng kape. Isa pa, naabutan niya itong nag-aayos sa kanilang kwarto nang pumasok siya rito matapos maligo. At malabong ang mga bata, dahil hindi naman sila nagpupunta sa kusina ng ganoong oras. Dahil dito, nagtanong muli ang mama nila para mas maging malinaw sa kanya ang lahat.

"Baka naman po naalimpungatan kayo … at nagpunta sa kusina para magtimpla ng kape?". 

"Nako hindi po ate, sa hapon lang po ako nagkakape."

Matapos bitawan ng matanda ang huli niyang sagot, lahat sila ay nagkatinginan. Walang salitang lumabas sa kanilang mga labi pero, dun nagkasundo ang kanilang mga isip sa iisang bagay. 

.

.

.

Maaring hindi nga sila nag-iisa. May iba pang nakatira sa bahay na yun na hindi pa nakikita ng kanilang mga mata.

House #38 - Completed (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon