CHAPTER FORTY SEVEN

665 16 1
                                    

Ara's POV

"Kaizen! Daks! Nasaan na kayo? May magandang balita ako para sa inyo!" :)

"Uyy Tomsy ano naman yang bitbit mo?" Tanong ni Mika sabay halungkat sa dala kong container.

"Yan na yung steak ni Mommy Marge. Nag-agree na siya na maging partner natin sa business natin at maging supplier ng meat satin." Tuwang sabi ko.

"Aba naman! Asensado na talaga tayo at hindi lang yon, mukhang good shot ka na sa mommy ni Torres ah." Pang-aalaska ni Yeye.

"May topak ka na naman Aereen." Sabi ko sa kanya.

"I'm happy for you Ara. At last naging maayos na din ang sitwasyon mo. I hope na magtuluy-tuloy na yan. Sana lang wag mo kong kalimutan kapag kinasal ka na." Sabi ni Kaizen.

"Ano ba yan! Tanghaling tapat nagddrama ka. Tyempuhan mo naman ng maganda yang drama mo Lo." Pambubully ni Yeye kay Kaizen.

"Haha oo nga naman Kaizen. Wag ka nang magdrama jan dahil hinding hindi kita makakalimutan. Pati nga utang ko sayo di ko nakakalimutan eh." Pagsagot ko naman.

"Ay nga pala baks, hindi ka ba pupuntahan ni tomang ngayon para ayusin yung wedding niyo?" Tanong ni Yeye.

"Pupunta daw siya pagka-out niya. Hintayin ko na lang." Sagot ko naman.

Tama kayo ng dinig people. Ako at si Thomas ay ikakasal na. Natupad na ang pinakahihintay kong araw sa buong buhay ko, at yun ay ang maikasal sa taong napapasaya at pinakamamahal ko... si Thomas. Kinakabahan na din ako dahil hindi ko na din alam ang mga susunod na mangyayri basta ngauon, masaya ako na si Thomas ang maging forever ng buhay ko.

"Galang? Anyare sa'yo?" Tanong sakin ni Reyes.

"Uhmm w-wala.." Sagot ko naman.

"Aba kanina pa kami kausap nang kausap sayo pero parang baliw jan na ang lalim ng iniisip at ngumingiti ngiti pa. Yung totoo kumain ka ba kanina?" Tanong sakin ni Yeye sabay bato ng bean sakin.

"Oo kumain ako." Sagot ko sa poker face.

"Eh kung ganon po ay lumabas ka na dahil kanina pa naghihintay ang Mr. Right mo sa labas. Baka mamaya akalain non umatras ka na sa kasal niyo." Sabi ni Yeye sabay tawa nang malakas.

"Baliw ka na talaga Reyes." Sabi ko sabay labas ng resto at agad namang bumungad sakin ang isang lalaking may mala-anghel na ngiti na hinding hindi mo pagsasawaang titigan.

"Ano? Tapos ka na bang pagnasaan ako?" Tanong sakin ni Thomas na nagpabalik saking ulirat.

"Bastos ka talaga!" Sabi ko sabay hampas aa braso niya.

"Wow ako pa talaga yung bastos eh sino kaya yung makatitig eh wagas at parang kung anong pumasok sa utak na..."

"Tumigil ka na. Alis na tayo." Sabi ko kay Thomas sabay pumasok sa kotse niya.

"Uyy bakit naman hindi mo hinayaang pagbuksan kita ng pintuan?" Tanong sakin ni Thomas pagpasok niya sa driver's seat.

"Ang dami mo kasing kwento eh wala namang kwenta." Sabi ko sabay lingon sa window.

"Huu sabihin mo guilty ka lang." Sabi pa nito sakin.

"Ano Thomas? Ilalaglag kita jan o mananahimik ka." Mataray na sabi ko sa kanya.

"Eto naman di na mabiro. Siguro nagpappractice ka na maging moody kasi..." Sabi naman niya.

"Isa pa Torres! Walang kasalang magaganap." Sabi ko at saka natulog habang nagbbyahe.

Minutes have passed at narating ng namin yung wedding shop ng friend ni Thomas. Pagpasok namin sa loob ay agad na bumungad samin ang isang babae na napakalapad ng ngiti.

"Good Morning Thomas and..."

"Ara!" Sagot ni Thomas.

"Ooh Ara, Thomas and Ara." Sabi nito.

"Ok na ba yung pinapaayos ko sayo?" Tanong ni Thomas sa babae.

"Yezzum mah dear. Halika pasok kayo sa loob para makita nyo yun motif na prinepare ko para mapagpilian ninyo." Sagot ni Ynna.

Thomas held my hands at sabay kaming pumasok sa loob. After ng mga diskusiyon ay sinukatan na ako ni Ynna ng gown na gagamitin ko for the wedding day.

"You're so lucky to have him." Sabi ni Ynna sakin.

"Huh?" Sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Thomas is a good person, actually matagal ko na siyang friend at di ko din naiwasan ang hindi mahulog sa charms niya pero he refuses it and tanggap ko naman dahil I'm so happy for him right now. His smiles kapag kasama ka nya ay hindi niya nagawa sakin or sa iba, just for you which means mahal na mahal ka talaga niya." Pagkkwento nito sakin habang inaayos itong huling gown na sinukat ko.

"There you go!" Sabi nito at napatingin ako sa salamin.

Ang ganda niya, bagay na bagay sa color ng skin ko at hindi din awkward kasi hindi masyadong revealing. (See the gown on the media)

"It perfectly suits you." Pag-compliment ni Ynna kaya naman napangiti ako.

"Thanks. Ito na yung kukunin ko." Sabi ko at tuluyan nang umalis ng fitting room.

After sa wedding shop ay pumunta na kami sa bilihan ng rings.

"Good morning ma'am sir!" Bati nung staff.

"Uhmm miss where is the wedding ring section?" Tanong ni Thom sa babae.

"This way po sir." Sabi niya at itinuro yung way papunta sa wedding ring section.

Namili kami ng magagandang ring at nag-away kung ano talaga yung kukuhanin until may naka-agaw ng pansin ko na couple ring na may infinity sign at may cute na diamond sa gitna nung infinity sign. Tinuro ko yun kay Thom at napagkasunduan naming iyon na lang.

After a long long day ay naka-uwi na kami ni Thom.

"Bby I can't wait for the day I'll call you mine." Sabi ni Thomas sabay kiss sa forehead ko.

"Lagi naman akong sayo ah." Sagot ko naman.

"Yes you're mine now but I can't wait that day na Torres ka na." Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"I know you're smiling sa sobrang kilig ngayon." Sabi nito at saka tumawa ng mahina.

I jokingly slapped his chest at sabay yumakap nang mahigpit.

"I love so much Salas." Sabi nito sabay kiss uli sa forehead ko.

"I love you too Bulado." Sabi ko niyakap siya nang mahigpit and the night had passed sweetly.

___

Hi guys? Sorry for being rude. I hope may nagbabasa pa nito and thank you if meron pa nga. Salamat po.

See you on the last chapter.

-infinite_hazel♡

Marriage without Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon