Chapter 4

9.7K 221 5
                                    

Jean.

Nandito kami ngayon sa conference room ng student council. Like what Cath said yesterday, we arranged a meeting for the council. Inaantay nalang namin siya pati na rin si Elena at sina Dean. Napabuntong hininga naman ako. Usually din sa mga meetings namin sila yung laging late kahit na we strictly said that no one should be late during important meetings like this.

Pero iba kasi ngayon, nandito na si Cath. If she is also the same Cathlena that we know, she's always on time. Ayaw na ayaw nya ng nalelate. Pakiramdam ko kapag nauna si Cath sa kanila ay sasabog yon. She doesn't like tardiness and knowing her persona right now, mukang hindi magiging maganda ang reaksyon niya. I mean, kahit naman siguro kami. Sadyang nasanay nalang talaga kami sa ganitong sitwasyon dahil palagi naman silang late.

"Wag lang sana mauuna si Cath sa kanila." Sabi ni Yna sa akin habang nilalapag ang folders para sa budget review ng event na to. Napahugot ako ng hininga nang pumasok si Cath daladala ang isang cup ng coffee sa kaliwang kamay at isang folder sa kabila.

"You guys heard about Cathlena already, right?" Tanong ni Michelle sa iba pang officer na nandito na. They all nodded at her. Ang bilis talagang kumalat ng balita sa school na ito.

"You guys can relax. Hindi naman matapang si Cath. Mabait yun. Strikta lang talaga minsan." Sabi ko sa kanila. Napabuntong hininga naman ang iba na para bang nabunutan sila ng tinik sa kanilang mga lalamunan. I guess the news included that Cath is a mean girl.

"Good— where the fuck is everyone?!" Sabi nya. Napapikit naman ako. I didn't know she was like this. But it's better than letting someone bully her. Way better than before. She started to scan everyone in the room at lalong napakunot ang noo ng makitang wala sila Dean.

"W-wala pa po. P-papunta pa lang daw." Sabi ni Dani, sya ang business manager. Napataikhim silang lahat noong padabog na binagsak ni Cath yung folder na hawak niya sa lamesa. Kahit ako ay nagulat dahil sa ginawa niya.

Si Mich naman ay nilapitan si Cath at sinabing kumalma. Pinaupo nya muna si Cath. Cath on the other hand looked so pissed.

"Is this happening every meeting even before? And no one tried to take care of those stupid brats? Bakit pa sila tinuring na student council officer kung simpleng pagattend lang ng meeting on time ay hindi nila magawa?" Tanong niya. Napabuntong hininga nalang ang lahat at hindi na sumagot sa kaniya. Napansin ko rin ang pagyuko ng ibang mga officers.

Si Mich ang internal VP, si Dean naman ang external VP. Ynna is the treasurer, ako ang secretary. JC, Dean's brother, is the auditor. Sean and Kean are the PROs. Lance is another secretary, para sa mga VP. Tapos si Dani, as I mentioned earlier, is a business manager and her partner is Julie. Tapos si Elena ang grade senior high school representative. Danica, first year student, first year representative. Gio, second year student, second year representative. Hiro, third year representative. Lastly, Bianca, the grade 10 representative.

Everyone is here except JC, Lance, Kean, Sean, Dean, Elena, and Julie. Sanay naman na kasi kami sa ganitong scenario. Wala naman nang bago sa ganito. Nakakasawa rin kasi na pagsabihan sila ng paulit ulit.

Nakita kong napahawak si Cath sa ulo nya. Nakaupo lang kami dito at wala nang nagbalak pa na umusap. Dahil kita naman namin na konti nalang sasabog na si Cath. Napabuntong hininga nalang ako. Ganito rin si Michelle dati nung bago bago palang kami. She would always be mad at them for being late pero kahit anong sabi kasi ay wala lang sa kanila. Lagi silang late o di kaya ay hindi na umaattend ng mga meeting.

Narinig namin ang pagbukas ng pinto kaya napalingon kaming lahat, including Cath. Bumungad ang group nila Dean kasama si Julie at Elena. They were shocked to see Cath sitting in the middle. Mga natigilan pa ito bago kumilos. Hindi siguro nila inakala na maabutan nila si Cath na nandito na. Akala ba nila ay kagaya nila si Cathlena?

She's Back!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon