Chapter 5

9.5K 179 3
                                    

Cath.

Ngayon ang official first day ko as a student, kahapon ay hindi rin ako pumasok dahil tinapos ko ang mga pending na gawain ng president na hindi rin ginawa ni Dean habang sya pa ang in charge, hindi ko naman alam na hindi niya pala ginagawa ang mga dapat niyang gawin. Napaka irresponsable. Bakit kaya nya tinanggap pa ang role na to?

Napapatingin sakin lahat habang naglalakad ako papunta sa classroom. Bakit ba nagkalat pa sila eh di ba't malapit na ang class hours? As far as I can remember, students aren't allowed to stay at the corridor. Lalong lalo na kapag malapit na masigmula ang klase. Hindi ba sila aware doon?

I am taking up the strand ABM since business ang kukunin kong course sa college. I don't really want to take up business but what can I do? Our family is a family of businessmen. Dad and mom has no one else to rely on but me and my brother. Kaming dalawa lang rin ang pagpapasahan nila ng mga business namin.

Nang makarating ako sa room ay nakita ko kaagad ang mga kaibigan ko. I was even amused to see Yna here already. Siya kasi ang usually late sa aming apat. They gestured to come close kaya agad akong lumapit. Buti naman at may isa pang vacant chair sa katabi nila.

Pag-upo ko ay agad akong pinalibutan ng tatlo. I raised one eyebrow at them. "Bakit?" Minsan talaga ay naweiweirduhan ako sa kilos ng mga kaibigan ko.

"Kaklase natin si Elena at Dean." Pagiinform ni Jean. Tumango naman ako. Alam ko namna yun. Kuya also asked me if it's okay to put me in the same section as them. Okay lang naman sakin yun, hindi ko lang alam kung okay sa kanila yun.

"That's good. At least they can see the product of their bullying. I can't even be bothered because of them." Sabi ko naman. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Michelle at Yna. Jean just smirked and shook her head in amusement.

"Ang harsh." Sabi naman ni Yna. Napangisi nalang ako sa kaniya habang sina Jean naman ay napapailing nalang. Mukang hindi pa sila sanay sa bagong personality ko.

Lahat ng pumapasok ay napapatigil kapag nagagawi ang tingin nila sa pwesto namin. Ah, yes. I think they know about the scene in the canteen the other day. Mabilis pa namang kumalat ang balita dito. I am still fascinated how the news portrayed me as someone with an attitude when all I did was stood up for a freshman. Ganoon ba talaga ang impact ni Elena at Julie sa school na ito?

Dean and his friends along with Elena entered the classroom. Lahat ay natahimik dahil sa pagdating nila. Wow, they also have an impact inside the classroom. Unbelievable. Even Mich and Yna who was gossiping stopped to look at them. Napataas naman ang kilay ko. What's up with them?

Elena's shoulder was touching Dean's. Kulang nalang ay umangkla sya sa braso ni Dean. Hindi ko rin alam kung bakit hinahayaan pa nila na dumikit dikit sa kanila yang babaeng yan. Tsaka wala din naman akong pakealam sa rason.

"Wala yung first subject teacher pero may iniwan na gagawin." Sabi ni Dean. As of cue, Elena turned around and started writing at the board. Oh, so they are in charge of those. Kung sabagay, teachers would really trust them because they are student council officers.

"To be passed tomorrow." Maikling sabi ni Elena noong natapos syang magsulat. Dean and their friends walked to their seats which was behind ours leaving Elena in front.

"Jean, pasend nalang sakin mamaya." Sabi ko sa kanya as I stood up and grabbed my bag. Tumango lang sa akin si Jean nang makita niya ang ginawa ko. Mukang nagets naman niya kung saan ako pupunta.

"Where do you think you're going?" Nakataas na kilay na tanong ni Elena sa akin nang mapatingin ako sa kaniya. Napangisi naman ako. Hindi ba't sabi niya ay bukas pa naman ipapasa? Bakit pinipigilan niya ako ngayon? Does she need me to be here inside the room para makapagbantay siya ng klase ng maayos?

She's Back!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon