First.

356 9 5
                                    

One of the official OST of Love at WAR is ANONG NANGYARI SA ATING DALAWA

"Sergeant Jin!" sigaw ni Rachel.

"Sergeant Jin" sigaw muli ni Rachel pero hindi sumasagot o lumilingon si Jin. Nandito sila ngayon sa Cevos Medical Center, pinapunta ni Captain Yuan si Rachel dito para patunayan na sundalo silang dalawa sa isang doktor.

"Hindi ako humihingi ng sagot, humihingi ako ng rason kung bakit lumalayo ka sa 'kin?Humarap ka  nga sa akin" dahan-dahang sinabi ni Rachel pero hindi pa rin humarap si Jin.

"Sergeant Jin, wala ka bang galang sa superior mo?" galit na pagkasabi ni Rachel. Dahil dito humarap na si Jin at sinabing, "May iba na akong mahal"

 Dahil dito humarap na si Jin at sinabing, "May iba na akong mahal"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi ako naniniwala"

"Wala akong pakialam kung ayaw mong maniwala Rachel" sabi ni Jin habang nakatitig sa namumulang mata ni Rachel. Dahan-dahang naglakad papalayo si Jin kay Rachel.

"Jin, Sergeant Jin! Jin!" kahit anong sigaw ni Rachel hindi pa rin lumilingon si Jin. Naiwang tulala si Rachel habang nakatingin lang sa papalayong si Jin. Alam niya kung bakit nakipaghiwalay si Jin sa kanya, alam niyang mas gusto ng kanyang ama si Yuan para maging asawa niya balang araw.

Pumunta na si Rachel sa Emergency Room, mas nagalit pa siya nang makita niya sa Yoona Maullion- ang babaeng sumabunot sa kanya noon sa Doctor School.

"Bakit ka nandito Rachel?" nagtatakang tanong ni Yoona.

"Andito ako kasi pinapunta ako ni Captain Yuan, mga sundalo sila Yoona at maniwala ka sa akin" sagot ni Rachel habang nakayuko. Nakatingin naman sa kanya sina Jin at Yoon. Ngumiti si Yuan at kinuha na ang cellphone ni Jin sa kamay ni Yoona.

"Got it!" sabi ni Yuan habang nakatulala si Yoona. Bakit siya nakatulala? Dahil nakita niya ang mortal na karibal niya sa puso ni Minguk- si Rachel Eun.

"Babalik na ako sa barracks" pagpapaalam ni Rachel. Binabagalan niya ang paglalakad papalayo kina Jin baka kasi habulin siya nito para ihatid. Pero nasa exit na siya, hindi pa rin siya tinawag ni Jin. Napaluha na lang si Rachel, walang makakapantay sa kirot na nararamdaman ng kanyang puso.

Kinabukasan, maagang nagising sina Jin upang mag-jogging. Habang nagja-jogging siya nasulyapan niya si Rachel sa bintana ng clinic. Hanggang titig na lang siya ngayon dahil kapag nalaman ni General Eun na okay sila ni Rachel, ipapadala si Rachel sa Libya para maging volunteer nurse.

Isang oras ang lumipas, namimili si Yuan ng susuotin.

"Anong magandang suotin Jin, eto o eto?"

"Bakit babalik ka na naman sa ospital?" tanong ni Jin.

"Ahm, syempre hahaha" sagot ni Yuan.

"Meron naman tayong clinic, bakit ayaw mo roon magpagamot ng sugat mo" sabi ni Myung.

"Syempre dun sa Cevos Medical Center, andaming magaganda, mapapadali ang pagpapagaling ko" napatawa silang apat.

"Meron din namang maganda sa clinic ah" pangangatwiran ni Jin.

"Ay kilala ko 'yan sir! Si Liutenant Rachel, balita ko nga sir. Sinaktan siya ng boyfriend niya, sa tingin niyo makakadiskarte kaya ako dun?" sabi ni Arthur. Niyaya naman siya ni Myung sa labas, halatang nabigla kasi si Jin sa sinabi niya.

"Kita mo? Andaming lalaki ang may gusto kay Rachel. Naalala ko noong highschool kami, palagi siyang may  rose galing sa mga manliligaw niya" pagkukwento ni Yuan.

"Kaya kung ayaw mo mawala si Rachel nang tuluyan, huwag mo na siyang iwasan" 

"Kung may problema kayo, problema ang tapusin huwag ang relasyon" sabi ni Yuan sabay tapik kay Jin.

"Captain! Captain!!!" sigaw ni Myung.

"Nilusob ng mga Uruks ang Greece. Pinapatawag ka ni General Eun" agad-agad tumakbo papuntang parking lot si Yuan. Kailangan niyang pumunta sa Camp Crame. Nang lumabas si Jin nakasalubong niya si Rachel. Hindi siya pinansin ni Rachel dahil nagtatampo siya.

"Sir" sambit ni Captain Yuan.

"Captain Yuan, your team Delta was appointed by Commanding General Anio to go to Greece. Kakapirma lang ni President Aquino ng isang partnership sa Greece na kung saan kapag nilusob sila ng mga Uruks, magpapadala agad ang ating bansa ng pwersa that will stay hangga't maging maayos ang kalagayan ng kanilang bansa"

"Sir, yes sir!"

"Pero Captain Yuan, kung isasama mo si Sergeant Seo, huwag mo isama si First Liutenant Rachel Eun" hindi na nagtanong pa ng dahilan si Yuan dahil alam niya na kung bakit.

"Sir, yes Sir!"

"Salute" pagsasaludo ni Yuan.

"Salute!"

Habang papunta si Yuan sa parking lot, isang pamilyar na mukha ang kanyang nakita.

"Yoona" napangiti si Yuan. Nandito rin si Yoona dahil pinakausapan  sila ng Heneral na kung maaari ay samahan ang Team Bravo at Team Delta sa Greece. Tumakbo siya papalapit sa kinaroroonan ni Yoona.

"Itaas mo ang kamay mo!" sa kaba, napataas na lamang ng kamay si Yoona. Pinipigilan ni Yuan na mapatawa dahil baka magduda si Yoona.

Humarap si Yoona at nanlaki ang kanyang mata ng makita si Captain Yuan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Humarap si Yoona at nanlaki ang kanyang mata ng makita si Captain Yuan.

"Ba---" tinakpan ni Captain Yuan ang bibig ni Yoona.

"Alam mo bang ikukulong ka dahil nakagawa ka ng kasalanan?"

"Anong kasalanan?" tanong ni Yoona. Clueless siya dahil wala naman siyang nagawang masama sa buong buhay niya.

"Ninakaw mo ang puso ko na naging dahilan para makulong ka sa isipan ko"

Sa kabilang banda, sa barracks, inaayos na ng Team Delta ang kanilang dadalhin.
Pumunta sa gitna si Captain Yuan at nagsalita.

"First Liutenant Eun, hindi ka isasama sa Greece. Mas kailangan ka ng ating bansa" napatango na lamang si Rachel kahit gustong-gusto niya sumama.

Sa huling sandali, sumulyap si Rachel kay Jin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa huling sandali, sumulyap si Rachel kay Jin.

Love at WAR [Descendants of the Sun]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon