7

365 15 11
                                    

Megan's POV

I'm sure late na kami ni Ysa, pero dinaanan pa kasi namin yung pinagawa kong tumbler for Denver.

Halos takbuhin na namin yung room para lang abutan yung first class namin. Nawala na yung poise namen. Psh

Pag dating sa room napatingin pa samin lahat ng pumasok kami ni Ysa. Buti pinapasok pa kami ng prof.

Nakatago sa likod ko yung tumbler kasi hindi na kasya sa bag namin ni Ysa.Kaya pag pasok namin nilagay ko na lang sa likod ng pinto.

Tumabi ko kay Den. Inirapan lang niya ko at hindi pinansin. Hala ngayon pa nag tampo eh birthday niya.

"Happy birthday. Mamaya na ko mag eexplain ha" bulong ko pero hindi lang niya ko pinansin. Patay.

Nag kklase kami pero apura tingin at siko ko kay Den. Kainis nagalit pa tuloy.

Hindi lang ako makapag text kanina kasi wala kaming load ni Ysa pareho.

Hindi pa din niya ko pinapansin.

Nag suot ako ng reading glass kasi hindi ko na naman makita yung nasa board.

Nang matapos ang klase kinuha ko yung tumbler sa likod ng pinto at hinila si Den palabas.

Wala naman ganung tao sa corridor kaya binigay ko agad sa kanya yung gift ko. Todo smile pa ko para mapa smile na di siya.

"Happy birthday ulit. Gift ko sayo. Kaya ako late at hindi makapag reply kanina kasi dinaanan namin yan. Wag ka na mag tampo. Peace na tayo ha?" sabi ko.

Unti unti naman siyang ngumiti ng makita ang bigay ko. Niyakap na lang niya ko bigla.

Naririnig ko pa ang hiyawan ng mga classmate ko kahit malayo naman kami sa kanila.

"Thank you prinsesa ko, kahit naman walang gift okay na ko. Kasi ikaw lang sobra na. I love you" sabi niya at niyakap pa ko ng mahigpit.

Niyakap ko din siya. Kung hindi lang siguro niya ko yakap at wala kami sa corridor baka nangisay na ko sa sobrang kilig. Gosh! Bumabanat pa kasi ng ganon.

Hmmm. Ang bango ng prinsipe ko.

Naramdaman kong hinalikan niya ko sa ulo.

Okay then I died.

Pero syempre joke lang yun. Gusto ko pa makasama ang prinsipe ng buhay ko. Ang baduy ko na naman. Ganito ko pag in love eh.

Nang dumadami na ang nakatingin samin inaya ko na siyang pumasok sa room.

Nahihiya ako at the same time kinikilig, ikaw ba naman ang yakapin na lang ng ganun tapos babanat pa? Oh wow na lang talaga. Never ko pa ngang na experience yung ganun. Kasi naman parang ngayon lang ako nag karon ng legal na relationship. Yung walang tinatago kasi open kami sa lahat.

Ay teka may relationship na ba?

Si Den lang naman kasi ang hinihintay kong mag tanong.

"Sa sunday ako mag hahanda sa bahay, kaso gabi pa eh. Okay lang sayo?" tanong niya habang nasa loob kami ng room.

"Anong oras?" tanong ko.

"Mga 9 pm siguro. Ihahatid naman kita eh" sabi niya.

"Hindi ako pwede, 8 lang dapat nasa bahay na ko eh. Sorry. Gusto ko talaga pumunta kaso------

"Okay lang prinsesa ko, ang mahalaga naman kasama kita ngayon na birthday ko. Pinasaya mo ko" sabi niya.

Tumalikod ako sandali at tumingin kay France na naka thumbs up pa sakin.

When you were my man...(On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon