10

337 12 11
                                    

Megan's POV

Second week na simula ng hindi ako pansinin ni Denver.

Nag kakatext naman kami pero hindi niya sinasagot once na mag tanong na ko about samin. Kung ano ba talaga kami. 

Ang sagot niya lagi eh, 'Sige wag kana mag isip, goodnight'.

Where's my prince? 

Kasama ko ngayon si Mio. Nag kkwentuhan lang kami ng dumaan sa harap namin sila France. Mga naka ngisi pa ang mga bruha. Wala naman kaming ginagawa ah.

Lunch na namin nang naka received ako ng text kay Tita Mindy. Mommy siya ng ex ko. She's sweet and nice kaya naman hindi awkward kapag nag uusap at nag kikita kami.

Sinabihan niya kong mag punta sa SM so sumunod ako. 

"Hi meg !" napangiti ako ng makita ko siyang kumakaway sakin. 

Lumapit ako at nakipag beso sa kanya. 

"Hi tita! Grabe ang ganda pa din. Na miss kita!"  sabi ko at kumapit sa braso niya. 

"Nang bola ka na naman pretty. Let's go, I'm starving." sabi niya at pumasok na kami.

Habang kumakain napag usapan namin ang anak niya at ang new girlfriend nito. Another new to me, wala na kong naramdaman na kahit ano for them. Tapos na yung bitter stage ko I guess. 

Na isip ko na naman si Denver. Isa siya sa dahilan kung bakit ako naging better ngayon. I should thank him. Pag katapos namin mag kwentuhan ni Tita, nag paalam na kong babalik sa school. Baka ma late pa ko. Malapit na mag 1 pm. 

Hindi pa ko nakakapasok ng room ng makita ko si Denver sa corridor, nag katinginan kami at ngumiti ako. 

Ngumiti din siya at kumatok sa batok bago ako lapitan. 

"Hi!" sabi niya ng makalapit sakin. 

"H-hi!" sabi ko.

Mag sasalita na sana siya ng dumating si Mio.

"Hoy mamaya na yan ! Nandito na si ma'am!" sigaw niya samin. 

I shook my head at inaya na si Denver sa loob. Panira ng moment tong Mio na to! 

Pag dating sa loob nakatingin samin lahat ng classmate ko habang nag lalakad kami ni Denver pa punta sa chair namin. Sila Marimar naman naririnig ko pang bumubulong. Tsk. Bulong pero rinig na rinig ko naman na kami ang pinag uusapan. 

Pag upo ko tumabi sakin si Denver katulad ng dati niyang ginagawa. 

Pinigilan kong ngumiti dahil nakatingin pa din samin yung ibang classmates ko. 

Pano naman ako kikiligin kung nakatingin sila? 

Hindi ko na lang tinignan si Den habang nag kklase kami, baka ma distract lang ako. 

"Peram ballpen." napatingin ako ng mag salita siya sa tabi ko.

Kumuha ko ng ballpen sa bag ko at binigay sa kanya.

Kinuha niya yun at pasimpleng hinawakan ang kamay ko. 

"Sorry" sabi niya at humarap na ulit sa white board. 

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Diba dapat thank you? 

Kakalabitin ko na sana siya ng maisip ko kung para saan yung sorry na sinabi niya. And with that, gumaan na ang pakiramdam ko. I just hope na bumalik na ang prinsipe ko.

**

"Uy Meg, malapit na Christmas  break. Okay na kayo ni Papa Denver?" tanong ni Marimar habang nasa cr kami. 

I just smile and say.."Sasagutin ko na siya sa 25!" may halong kilig pa na sabi ko.

"Kyaaah ! Really? " sigaw ni France. 

Binatukan ko siya at hinila. 

"Quiet lang, secret lang natin to no!" sabi ko sa kanilang tatlo. 

"Kinikilig naman ako." mahinang sabi na naman ni Rose.

Nag katinginan kami nila France at Marimar at sabay sabay umiling. Kahit kasi galit siya ganyan siya mag salita. 

Pag labas ng banyo nakasandal sa pader si Mio na parang may hinihintay. Nang makita niya kami lumapit siya sakin. 

"Polbo nga?" sabi niya sabay lahad. 

Wow ha! 

Kinuha ko sa bag ko yung polbo at inabot sa kanya. 

"Ayan na po! Maka hingi lang, tatay kita?" biro ko sa kanya. 

Tumawa lang siya at kinurot ang ilong ko.

Nag lakad na ulit kami ni France pabalik sa room. 

"Alam mo girl sayang si Mio, gwapo sana eh. Kaso delikado." sabi ni Marimar.

"Panong delikado?" tanong ni Rose.

"Delikado. Masyadong malandi. Delikado ang mga puso natin" seryosong sabi niya at umiiling pa.

"Gaga!" sabi ko at tumawa. 

Bruhang to. May boyfriend na at lahat kung ano anong pang iniisip.

Pag pasok namin hinanap ko agad si Denver pero wala siya. San kaya nag punta yun? 

Tinignan ko ang cellphone ko kung nag text siya pero wala. Hinintay ko na lang ang next class. Baka nag billiard kasama sila Gino. 

Pero nag uwian na at lahat, kahit anino niya hindi ko na naman nakita. San na naman kaya nag punta? 

Tinawagan ko pero hindi na naman sinasagot. 

"Uy uwi ka na?" nagulat ako ng sumulpot sa harap ko si Mio. 

"H-ha? ah oo!" sagot ko habang nakatingin sa phone ko.

"Hatid na kita, wala si Den eh." sabi niya. 

"Teka.. Alam mo ba kung san siyang nag punta? " tanong ko.

"Ako na naman ang hinanapan mo. Pero hindi. Hindi ko alam kung san nag punta ang gagong yun. So ano? Tara na!" sabi niya. 

Napa tango na lang ako at sumunod sa kanya. 

Kung si Denver sweet at gentleman kabaliktaran naman niya si Mio. Bahog tong isang to eh. 

Parang lalaki lang ako pag kasama niya. Well I like that. Kapag kasama ko siya hindi ko kailangan ma conscious. Hindi kagaya ni Den na dapat ganito ako, dapat ganyan. Hay. 

I just found myself laughing so hard dahil sa mga kwento niya. Hindi siya plastik na lalaki na mag yayabang sa sarili niya. Kahit medyo may kahanginan tama naman siya. Gwapo nga, pero mas malakas pa din ang dating ni Denver.

Hinatid niya ko sa sakayan at umalis na din.

Pag uwi sa bahay, kami na naman ang mag ka text. Nag kwento siya about sa buhay niya at ganun din ako. Ang dami na pa lang naging babae ng mokong na to.

One of the boys kung ituring ako, mas gusto ko yon.

1 week na naman hindi pumasok si Denver, katulad ng dati, hindi na naman nag paparamdam. Nasasanay na nga ako na laging si Mio ang kasama ko. Siya na din ang nag hahatid sakin sa sakayan.

December 24 na ngayon at gusto ko sanang tawagan si denver para ipaalam na lagi lang akong nandito para sa kanya at sinasagot ko na siya pero ako pa lang yung ma susurprise sa sinabi ng best friend niya.

"He said ayaw na daw niya. Nag sawa na daw kasi siya. Sorry Meg." yun lang ang narinig ko sa haba ng sinabi niya.

Putang ina naman! San siya nag sawa?

Ako na nga yung nag hintay! Ako na nga yung umintindi. Sang banda siya don nag sawa?

We're couples. Title na nga lang ang kulang which is "Boyfriend/Girlfriend" pero bakit may sawaang nangyari? For pete's sake hindi pa nga tumagal sa 5 minutes kami mag holding hands, hindi pa nga niya ko nahahalikan. Kahit sa cheeks nga hindi pa tapos..

Ugh. Merry christmas to me.

-------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When you were my man...(On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon