8

292 12 4
                                    

Apura ang review ko ng pumasok si Denver sa room. Mag quiz kasi mamaya at hindi talaga ko nakapag review kagabi. Ang aga ko kasing inantok.

"Good morning prinsesa ko" bati niya at tumabi sakin.

"Good morning Lagman. Nag review ka na? Pa kopya" nakangiting sabi ko.

"Oo ba, pero mag review ka pa din." sagot niya at sumandal sa balikat ko.

Matalino kasi kaya pa easy easy lang eh. Ang dami tuloy nag kakagusto sa kanya, gwapo na, matalino, gentleman. Ano pa bang hahanapin ko?

Nag quiz kami at dahil katabi ko siya ang dami kong nasagot. Haha. Pero syempre joke lang yun.

Nakakahiya kung lahat ng sagot ko galing sa kanya.

Nag pa alam siyang mag bibilliard sila at pinayagan ko naman. Kasama niya ang barkada niyang sila Mcquel, Mio at Gino.

Si Gino kaasaran ko na at si Mcquel, si Mio naman naka chat ko na din sa fb.

Mababait naman sila, maloko nga lang at may bisyo pa.

Thankful na lang ako at hindi ganun si Denver ko. Hindi siya na ninigarilyo. At kapag iinom naman, may handaan lang oh na aya siya.

Ang swerte ko na talaga sa kanya. Sana naman walang mag bago o problemang dumating.

"Puro ka kagagahan France, ihagis kita jan eh" natatawang sabi ko.

"Eh talaga naman eh, hahaha. Pikon as ever" sabi niya.

"Gaga!" sabi ko at binatukan siya.

"Tsk. Bad princess" napalingon ako ng mag salita si Denver.

Hay si Mr. Perfect manenermon na naman yan. Ayaw niya kasi talagang nag mumura ko. Sorry naman. Habit ko na din eh.

"Sorry" sabi ko at nag peace sign.

Inirapan lang niya ko at pinalapit sa tabi niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Pasaway ka talaga, diba sabi ko ayokong nag mumura ka? Tsaka ayusin mo nga yang tie mo" sabi niya sakin.

Ngumuso ako at inayos ang damit ko.

Siguro ito lang ang talagang ayaw ko kay Den.

He wants me to be prim and proper kagaya ng mga naging girlfriend niya at mga nagustuhan niya.

Gusto niya ng lady, hindi basta basta girl lang.

Well kaya ko naman yun pero diba parang unfair? I need to change myself para lang ma please siya. Para naman akong magiging puppet na susunod sa nag papagalaw sakin.

Ayoko ng ganun.

Mahal ko siya pero ayokong mag bago.

Diba kapag nag mahal ka dapat hindi lang yung maganda sa partner mo ang mahalin mo.

Pati yung kamalian at kapangitan niya dapat tanggap mo din.

For me mahalin mo muna yung ayaw mo sa kanya para bonus na lang yung mga nagustuhan mo sa kanya.

That's love for me.

Nag pahatid na lang ako sa sakayan ng jeep dahil nasa bahay si papa. Mapapagalitan pa kami pag nakitang nag pahatid ako ng naka motor siya.

Pag uwi ko nag blog lang ako sandali at humiga na sa kama. Tinext ko siya pero hindi nag reply.

Nag babasa ko ng notes habang nag hihintay sa reply niya pero wala.

Hanggang makatulog na ko sa pag hihintay.

--------------------------------------------------------------------------------

Sorry at natagalan sa isang to. Will post the next later before ako matulog:)

When you were my man...(On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon