SCENE I - Monday Rewind

207 20 33
                                    




EXT. PEDESTRIAN - NOON

INSERT: SCREEECH-BREAK NG SASAKYAN

Isang malakas na tunog ang nagpa gising sa buong sistema ng dalaga na siyang nagpa hinto sa paglipad ng utak nito. Huli na ng matanto niya kung saan nanggagaling ang nakakairitang tunog na yun, nagtaas siya ng tingin at nasalubong ang pares ng mga matang galit na galit.

Summer:
(Gulat)
Ayy sorry po. Pasensya na po.

Paghingi nito ng tawad sabay yuko ng ulo. Bakas sa mukha ang pag asang tatanggapin ni Manong Drayber ang kanyang pagsusumamo.

Manong Drayber:
(Napakamot sa ulo)
Pwede ba Miss sa susunod 'wag kung san san nakatingin lalo na kung tatawid. Aba eh muntik na kitang madali ah! Magpasalamat ka nakaapak agad ako kundi magiging sagutin ko pa!

Puno ng galit na sabi ni Manong sa kanya.

Summer:
Pasensya na po talaga, Salamat po.

Yumuko uli siya at pumikit, humihiling na sana mabawasan ng kaunti ang init ng ulo nito. Nagpa iling iling na lang ang drayber habang sinimulan ulit ang pagmamaneho. Siniguro muna niya na walang kasunod na sasakyan ito bago nagpatuloy sa pagtawid.

Lunes at mukhang walang pagbabago kagaya na lang ng pagpasok niya ng huli sa klase. Nakagawian na niya ito, pero hindi dahil yun ang madalas na character sa isang kwento.

Summer Voice Over (VO):
Oo late na naman ako.. Eh kasi naman ano bang magagawa ko kung Nocturnal ako. Hirap talaga ako matulog ng maaga sa gabi, Isa pa ang dami dami naming projects ngayon.
(Dahan dahang pinupunasan ang pawis sa noo)
Ginawa ko na ang lahat swear! Uminom ng gatas bago matulog - check. Magbilang ng tupa - check. Makinig ng nakaka antok na music - check na check. Pero wala talaga, ayaw ako dalawin ng antok. Malapit na yun Final term kaya din tinapos ko na lang yun ibang assignments at projects. Eh malay ko bang mag 4 am na pala!
(Habang kinukumpas kumapas ang kamay sa hangin)
Akala niyo ba madaling maging Com Arts student? Puyat ang kapalit ng lahat. Tulog asan ka?! Hindi na bago yun puyat kami everyday. Humihilik na ang lahat bago kami matapos sa mga shoots at editing. Nami-miss na ng ibabang talukap ko un itaas na kapartner niya!




EXT. UNIVERSITY - NOON

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang makarating sa Unibersidad. Isang mapuno at napakalawak na lugar. Sa di kalayuan na parte sa may Kanluran ito, madalas ganapan ng mga Pelikula at palabas sa TV dahil sa maganda at maaliwalas ang paligid.

Habang naglalakad sa main road ng Unibersidad ay iba ibang scenario ang makikita niya. Una na ang magkasintahan na nagaaway.

Summer VO:
(Umirap)
Ay unang araw ng linggo LQ agad? At dito pa talaga sa main road ah. Nakakaloka!

Nang makarating sa gitna ay dalawang magkasintahan na naghahabulan naman ang maabutan niya.

Summer VO:
(Hinawi ang buhok at bahagyang hinampas ang noo)
May shooting ba ngayon? Playground na pala tong school, makapag habulan.. Asa beach?

At para bang nananadya, may lalaking nag aabot ng puting rosas sa tila nahihiyang babae na kasama nito ang huli niyang nadatnan bago tuluyang makarating sa pinto ng klase niya.

Summer VO:
(Inis na binilisan ang paglakad)
Ang Valentine's ba nilipat na ng August?? Wala man lang pasabi. Aga aga ang haharot! Magsi pasok nga kayo sa klase! Padaanin niyo ko sumasakit mata ko sa inyo. Hindi ako bitter pwede ba, boring lang! Nagpapasalamat naman ako sa buhay na meron ako, pero ewan ko ba minsan parang feeling ko may kulang. Wag mo na itanong kasi hindi ko din alam. At uunahan na kita, hindi lovelife ang hanap ko.

Bumuntong hininga siya matapos kausapin ang sarili. Nakagawian na niya ito. Kung ang ibang tao ay mahilig magsulat sa mga diary, siya naman ay mahilig kausapin ang sarili na tila ba may ibang kausap siya, na para bang may sasagot sa kanya.




INT. CLASSROOM - NOON

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad papunta sa pinto ng kanyang klase, sa likod na siya dumaan habang nakatalikod ang kanilang propesor at dumiretso sa upuan niyang bakante kung saan kumpulan ang mga kaibigan niya sa gilid nito. Matapos mailapag ang gamit ay sumali na siya sa kuwentuhan ng mga ito na para bang wala pang kalahating oras siyang nahuli.

Mikan:
(Hinampas siya sa balikat bago nagsalita)
Summer Faye Fajardo! Wala kang kakupas kupas! Late ka na naman gorl! Ngayon pa naman binibigay ni Sir Castillo yun para sa Finals na project.

Sambit ni Mikan. May maputing balat at mahabang buhok. Isa sa kaibigan niya na maituturing na mas pala aral sa kanilang lahat.

Ailey:
(Habang sinasara ang pamaypay)
At gorl hindi siya madali! Masakit sa bangs!

Pagsingit naman ni Ailey na siya namang masasabing pinaka maganda sa apat. Mahilig ito mag ayos at pumustura kaya naman madali para sa ito ang makausap ng lahat.

Pia:
Bakit ba kasi late ka na naman? Kukumpletuhin mo ba yun buong sem na late ka?

Tanong naman sa kanya ni Pia. Maganda rin ang isang ito, mestisa at medyo may kalusugan.

Mr Castillo:
(Tumikhim habang nasa harap nila, magkapatong ang magkabilang kamay)
Oo nga Ms. Fajardo, balak mo ba kumpletuhin ang L sa attendance ko?

Natahimik si Summer at napayuko ng saglit.

Mr Castillo:
(Naiiritang tono)
May ilang minuto ka pa para makinig yun ay kung interesado ka, pero kung hindi eh bakit ka pa pumasok dba?

Summer:
(Ngingiti ng tipid habang sumasagot)
Sorry Sir. Makikinig na po.

Summer VO:
(Sinaway ang sarili)
Ano bang meron ngayon at panay ang sorry ko? Umayos ka nga Sum.

Summer:
(Titingin sa mga kaibigan)
Tignan niyo yang daldal niyo. Ako napapahamak eh. Makinig muna tayo please inoorasan na ako ni Sir oh. (Nagpilit siyang ngumiti sa mga ito.)

Mr Castillo:
(Papalakpak muna ng dalawang beses)
Okay class going back sa project niyo, again inuulit ko para hindi masyadong stressful kaya binigay ko na nang ganito kaaga. Para mas madali dito na kayo sa school humanap ng mga subjects, baka ma hassle pa kayo kung sa labas eh. Basta kapag may nahanap na kayo na main subject pa-approve niyo agad sa akin. Oh wag niyo kalimutan ah.. Competition ito, kung sino ang manalo dito sa bawat block yun ang maglalaban sa huli. Tapos dun namin pipiliin sino ang magiging representative ng school para sa SINE YOU*. Pag isipang maigi wag puchu puchung gawa. Look further, think outside-inside the box. Understand?

Matapos magbigay ng direksyon at mga dagdag pang aktibidad ay lumabas na din ang kanilang propesor, nagtipon na silang apat na magkakaibigan para pag usapan ang gagawin.   

Ailey:
(Mukhang tuwang tuwa.)
"Hey girls, I've got an idea kung sino ang ipi-feature natin!"

Nagpalitan silang tatlo ng tingin bago binalik kay Ailey. Alam nilang anuman ang iniisip nito malamang ay kalokohan ang laman.


*SINE YOU - Inter University Yearly Feature Film Festival (Fictional)

Falling for my Déjà vu (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon