SCENE II - Life has Begun

109 17 23
                                    




EXT. CANTEEN - AFTERNOON

Summer:
(Gulat na tanong niya)
Tama ba yun naririnig ko?
(Nagtataka pa rin na sabi niya)
Akala ko ba hindi ka interesado sa Project na to, eh di ba Prelims pa lang kung bansagan mo nang boring tong subject na to eh halos lumuwa na yang mata mo kakakaikot at kakairap. Tapos ngayon ganyan, excited ka? (Pagpapaalala niya)

Ngingiti na ubod ng tamis si Ailey at may kasama pang pag kurap kurap.

Summer:
Nako ah.
Yang mga paganyan ganyan mo Ailey tigil tigilan mo ako ah! Alam ko yan! Harot yan!

Pag irap niya bago sinubo ang huling piraso ng stromboli niya.

Maririnig ang pagpigil ni Ailey ng bahagya sa kilig niya. Mapapa-iling na lang si Summer dahil dama niyang anuman ang iniisip nito ngayon sigurado siya na hindi niya magugustuhan.

Magbubukas sara ang mga kamay ni Ailey na parang may puppet dito.

Ailey:
Blah blah blah..
Queen of Nega ka talaga Sum.
Positive sign naman yang pauso mong nickname.
(Tingin niya sa kaibigan na patanong)
You haven't even heard the gist of it, maka react ka naman.
OA ka, can you calm yourself gorl?
(Ngingiti uli)

Summer:
(Sasawayin niya ang kaibigan)
Naku Aile, basang basa ko yang ganyan mong pagpapa cute!

Tatawa tawa lang sina Mikan at Pia sa harap nila. Nasa canteen sila ngayon para samahan si Summer kumain dahil hindi pa ito kumakain ng tanghalian. Dito na din muna sila hanggang sa magsimula ang susunod na klase nila.

Ailey:
Anyway, the idea just crossed my mind. As in ngayon lang. Parang may bulb moment, so game na sa announcement ko?
(May pag palakpak na tanong ni Ailey)

Mikan:
(seryosong tanong)
Gorl ang haba na ng intro mo, pwede bang i-share mo na?

Pia:
(Singit niyang sabi)
Oo nga pa excite ka eh.

Summer:
(Iritang itatanong niya)
Sino ba yang maswerteng mabibigyan ng 15 mins of fame?

Ailey:
Eh sino pa ba..
(Huminto sandali at pumikit ng nakangiti)
Edi si Janus Raine Lavalle mga gorl!
(Patiling sagot niya na may malapad na ngiti.)

Nang marinig ay sabay sabay nagtilian ang tatlo maliban kay Summer. Iiling iling siya at iirap sa mga ito. Kung papipiliin sya gusto na niyang tumayo at umalis ng mga sandaling iyon dahil nakakahiya na masyado ang tinuturan ng mga kaibigan niya. Halos pinagtitinginan na sila ng mga estudyante sa mga lamesang malapit sa kanila.

Summer:
(Pag sumbat na tono niya)
Ang alam ko ako yun late. Eh bat parang kayo tong mga wala sa klase na hindi nakinig. Narinig niyo ba yun mga sinabi ni Mr. Castillo kanina? Ulitin ko ha bilang mukhang lutang kayong tatlo eh.

Bahagyang napa tahimik ang mga ito at napa tingin ng seryoso sa kanya.

Summer:
Ang sabi ni Mr Castillo, we have to bring the other side of the person we are featuring. Tapos sino nga uli yun gusto niyo? Si Jaraine?

Pia:
(May pang aasar na tanong niya)
Wow nickname basis! Close kayo?

Summer:
(Sasapuin ang noo bago magsalita)
Eh kasi naman para kayong mga bulateng nabudburan ng asin diyan kaya ayan nakalimot na. Nakakalimot na ba kayo na siya lang naman ang Star Player ng Basketball Varsity team natin. At kapag sobrang dami niyang time hinuhugot pa siya ng swimming team. Sino pa ang hindi nakakakilala sa kanya sa buong University? Sino?
(Pagkumpas niya ng kamay)
Ano pa ba ang hindi natin alam sa kanya?
(Tumataas na tonong tanong niya)

Falling for my Déjà vu (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon