INT. SUMMER'S ROOM - NIGHTSummer VO:
Alam kong yun na ang clue para tumayo ako, tapos na ang 5 minutes ko. Isa pa sobrang nababadtrip ako pag naalala ko yung nangyari. Kaya lang sobrang naging komportable masyado yung kama ko. Nakikita ko ang mga nakapila kong trabaho, nangangalabit sila habang nakapatong sa desk ko, nakatitig pabalik sa akin. Pero ang kama ko ayaw ako payagan na tumayo.Hindi na kaya ng katawan niya, marahil ay dahil sa ilang gabi ng sunod sunod ang puyat niya. Sa sobrang pagod nang subukan ni Summer ipikit ang mga mata niya ay hindi na nagawang dumilat pa muli ng mga ito. Tahimik ang paligid. Nakatulog na siya.
EXT. HOUSE - MORNING
Isang batang babae ang nakasilip sa may bintana. Kung susuriin ay mga nasa tatlo o apat na gulang. Maputi ang balat, mahaba ang tila kulay tsokolate na hanggang baywang na buhok. Singkit ang mata at bilugan ang mukha. Nakadungaw sa labas at nakatakip ang mga kamay sa magkabilang tainga.
Sa hindi kalayuang parte ng bahay ay may sigawan, pagbasag ng kung anu ang maririnig sa kapaligiran. Nilingon niya ito ng sandali, tinakpan uli ang tainga pero hindi pa din ito mawawala. Napatingin siya sa pintong tabi ng bintana, tinititigan niya, sapat para magpasya siya na dahan dahang buksan ito at tumakbo palabas. Malayong malayo sa bahay nila. Tuloy tuloy. Walang tigil.
Sa pagtakbo ay mararating niya ang punuan ng mga niyog. Mga ilang minuto pa ay napagod ng kaunti kaya naglalakad lakad ng patalon talon. Nakita niya ang paru-parong kulay kahel at susundan ito. Dumalo sa ilong niya, papunta sa hintiturong itinaas niya. Mananatili iyon ng ilang segundo ngunit lilipad din. Hinabol niya ito hanggang sa hindi mamamalayang malayo na siya sa ingay na tinakbuhan kanina.
Lilinga linga siya ng matisod ng isang sanga. Dun lamang niya napansin na nawawala na pala siya. Umupo siya sa isang malaking puno ng niyog na nakahiga sa may daanan, at sumigaw. Maghahanap ng kakilala pero walang sasagot. Unti unti niyang naramdaman ang takot. Sinubukan niya ang sumigaw uli pero umaalingawngaw lang ang mga tinig niya. Isa.. Dalawang patak.. Lumuluha na siya. Pinipilit alalahanin ang daan pero walang maalala. Ligaw na siya. Sigurado na.
INT. SUMMER'S ROOM - NIGHT
Mamumulat ang mga mata ni Summer at kukusutin ang mga iyon. Mapaptitig siya sa kisame sandali hanggang sa maramdamang may mga tubig na dumadaloy sa pisngi niya. Pupunasan niya ang mga ito at pipilitin ang sariling tumayo mula sa pagkakahiga.
Summer VO:
(Nakaupo sa dulo ng kama at nakatakip ang mga kamay sa mga mata)
Bakit parang totoo.Sasapuin ang dibdib niya na parang pinapakalma ang sarili, bubuntong hininga ng ilang ulit. Saka magsisimulang tumayo.
Summer VO:
(Umiiling iling ang ulo)
Yan na nga ba sinsasabi ko eh. Tutulog tulog kasi ng madaming tambak na trabaho.
Kung anu ano tuloy napapanaginipan mo. Oy Sum! Maghahanda ka pa ng plano para sa Feature Film niyo. Kasi naman ang hirap magtrabaho kapag wala kang interes. Walang interes oh may iniiwasan ka? Ay sumasagot pa! Trabaho na!Matapos makumbinsi ang sarili ay tumayo si Summer at tinungo ang lamesang kanina pa tila nakikiusap na pansinin niya. Tapos na ang pahinga. Ilang oras na naman ang bubunuin niya para sa mga proyektong nakahain sa harap niya. Huli na para magreklamo, simula na.
------------------------------------------------------
Aloha! Ito na ang first dream sequence ni
Summer! Ano kaya ang kwento sa likod ng
mga panaginip niya?Konting tiis na lang talaga malapit na sila
magkita. Kapit pa! :)
BINABASA MO ANG
Falling for my Déjà vu (Ongoing)
Teen FictionIt's been said that Déjà vu is our minds way of letting us know that you're exactly where you're supposed to be at the right time. But what if it meant you lost a previous life and you're staring back at your last chance? Will you give it another tr...