SCENE V - Alive

86 13 20
                                    




INT. SUMMER'S ROOM - NIGHT

INSERT: Ringtone...
We don't have enough time
We need to go tonight
I'll find you you'll find me
Let's both get out
I'll find you you'll find me
Let's both get out

Alive Alive Alive Alive


Tunog yun na galing sa cellphone ni Summer. Masasabing mahilig siyang makinig ng musika. Minsan maingay, minsan tahimik. Iba iba pero pareho lang na may pintig.  Ang kantang iyon ang paborito niya, sa hindi malaman na dahilan pakiramdam niya ay parang sinasalamin nito ang nararamdaman niya bukod sa gustong gusto nya ang 'vibe' na binibigay ng kanta sa kanya. Hindi pa rin natatapos ang pagtunog nito. Kaya sinubukan niyang bigyan ng pansin.

Summer VO:
Anu ba yan.. Bakit ba nagriring yun phone ko, kakatulog ko lang eh sino na naman ba yan?

Litaw na ang araw ng matapos siya sa mga proyektong hinarap nang nagdaang gabi. Nakahiga pa siya sa kama ng pinilit inabot ng kanang kamay niya ang cellphone na nakapatong sa lamesitang nasa gilid nito. Kinakapa kapa niya at nang maabot ay sinilip ang tumatawag.

Summer VO:
Ugh, Mikan, bakit siya tumatawag alam ba niyang alas diyes palang? After lunch pa ang class namin ah. Baket kailangan ako magising ng ganto kaaga? Bakit?!

Summer:
(Sasagot habang humihikab)
Hello Mikan.. Ang aga aga pa gorl anu meron?

Mikan:
Aga? Anong maaga? 10 am na gorl! May dalawang oras na kaming naghihintay sayo!

Medyo mahinahon na sagot ng kaibigan niya pero alam niyang may halong inis ito. Madalas nga ay tinatanong nila paano niya nagagawang magalit ng malumanay pa din ang tono.

Summer:
What? Ano? Inaantay niyo ako? Bakit? Ano meron nga? May shoot ba ngayon?

Nakabukas na ang mga mata niya. Narinig niyang may umagaw ng telepono sa kabilang linya.

Pia:
(Pinindot ang speaker para marinig ng lahat)
Ikaw na ikaw talaga yan noh? Kaka meeting lang natin kahapon limot mo na agad. Bumangon ka na diyan mahal na prinsesa tutubuan na kami ng ugat dito.

Summer:
Eh bakit nga kasi kayo nagaantay sakin anu nga meron?

Inis na tanong niya habang dahan dahang tumatayo sa kama.

Ailey:
I knew It! nakalimutan mo naman Sum. To refresh your mind po, we have an interview today para po sa Feature Film natin.

Summer:
Oh eh teka akala ko ba malinaw na hindi ako sasama sa mga pre prod niyo.

Pia:
Oo nga po, eh hindi naman po to pre prod Madam! First meeting po ito. Ngayon natin i-explain kung anu yun mga kailangan natin for our film. After pa po nito yun interview Mam.

Medyo iritang sagot ni Pia sa kabilang linya. Alam niyang kahit malakas mang asar ang isang to ay madali din itong mairita.

Summer:
Oh eh first meeting pala eh, di na ako kaialngan diyan, kaya niyo na yan gorls. Bat ba pinipilit niyo pa ako na pumunta.

Mikan:
Eh sino po ba yun Direktor?

Summer:
Ako

Falling for my Déjà vu (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon