Introduksyon

1.8K 81 18
                                    


Minu-minuto, libu-libo ang lumuluhod at umiiyak habang nagdarasal. Lahat sila, may hinihiling. Pero iilan lang ang nakararating sa langit. At mula sa iilang 'yon, kakatiting lang ang mga natutupad.

Sa bawat araw na lumilipas, hindi lingid sa kaalaman ni Jaize na may pito pa siyang kamukha na kaniyang nakasasalamuha. Napakaraming beses na niyang napansin ang mga 'yon; simula nang siya'y humantong sa ika-21 niyang kaarawan. Kung minsan pa, sabay-sabay niyang namamataan ang pitong 'yon sa iisang lugar na pare-parehong nakatingin sa kaniya nang matalim.

Ngunit hindi niya iyon inalintana. Sa halip, itinuring pa rin niyang normal ang buhay dahil alam niyang bawat segundong papatak ay hindi na maibabalik pa. Masyado siyang naniniwala sa kasabihang 'you only live once' kaya sinusulit niya ang lahat.

Hanggang sa isang gabi, natagpuan niya ang sarili niyang nasa bingit ng kamatayan sa loob ng nasusunog niyang dream house. Ang usok ay sumasalabit sa kaniyang kaluluwa't tila nawawala siya sa sarili. Nadi-dehydrate na siya't nanlalabo na ang kaniyang mga mata. Sa puntong 'yon, nakarinig siya ng pitong mga boses: may umiiyak, nagsisisi, nanghahamak, sobra-sobrang nasasaktan, pinagtatabuyan, pinagsasamantalahan... namamatay. Inalis siya ng mga boses na 'yon sa kasalukuyan niyang sitwasyon; at muling dinala sa pitong madidilim, nakapanlulumo, at nakakabaliw na mga trahedyang gumiba sa malaking parte ng kaniyang pagkatao noon.

At ang tanging daan lang para makabalik, para maligtas, para mabuhay... ay kinakailangan niyang tustahin ang pitong kalangitan.

=*=

This is a fully packed cross-genre novel:

Dark Epic Adventure • Paranormal • Action • Spiritual • Horror • Fantasy • Suspense • Mystery/Thriller • Heavy Drama • Romance  

Copyright ⓒ CallMeBoss, 2015, All rights reserved. 


DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.  


...





Tinusta Ko Ang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon