A N G L A N G I T (Epilogo)

619 29 29
                                    



EPILOGO

"ANONG PAKIRAMDAM, KUYA?"

"Pakiramdam ng ano?"

"Pakiramdam na makita mong kinakasal ang dalawang taong minahal mo nang sobra noon? 'Yong isa, sinabihan ka na hindi nakukumpleto ang araw niya nang hindi ka nakakausap. 'Yong isa naman, pinangakuan ka pa na balang araw, magkasama raw kayong tatanda. Anong pakiramdam? Masakit ba?"

"Hindi ako sigurado." Napangiti ako habang pinapanuod kung paano mangako sa isa't isa sina Brent at Jeyps. "Hindi ko alam. No'ng una, masakit. Lalo na't mahal ko pa rin naman talaga si Brent. Hindi naman 'yon nawala at nagbago. Ewan ko ba kung anong mayroon sa kaniya na after all these years, mahal ko pa rin siya. Pero kailangan kong tanggapin na hindi talaga siya para sa akin. Pero ngayon? 'Di ko talaga alam kung anong pakiramdam... or should I say, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman? Basta! May mga sugat pala talagang sobrang tagal gumaling."

"Pakinggan mo sila, kuya."

Sinunod ko nga ang sinabi ni Ram. Ngunit kaunti na lang talaga, magsisisi na akong sinama ko siay rito at sinabi ko sa kaniya ang lahat-lahat ng naranasan ko habang tinutusta ko ang pitong kalangitan... ang nakaraan ko. Ang daldal niya, e.

Tumingin na ako kina Brent at Jeyps na kasalukuyang nakaharap sa isa't isa—iba talaga 'yong titigan nila. Iba 'yong kislap ng kanilang mga mata. Ibang-iba kumpara sa kung paano nila ako titigan noon.

"Brent, take this ring as sign of my intimate and passionate love. I promise to take you as you are, loving who you are now and who you are yet to become. I promise to listen to you and learn from you, to support you and accept your support also. I will celebrate your every triump and mourn your losses as though they are my own. I will continue loving you without limits and have faith in your love for me, through all our years and all that life may bring us."

Sinuot ni Jeyps kay Brent 'yong singsing habang tumitingin sa mga mata nito. Pareho silang lumuluha at nakangiti nang malapad. Namumula na rin ang kanilang mga mata.

"Jeyps, I offer you this ring of my own heart with its pure love. I promise to love you unconditionally and without any hesitation. I vow to love you, encourage you, trust you, and respect you. As a family, we will create a home filled with learning, laughter, and compassion. I promise to work with you to foster and cherish a relationship of equality knowing that together, we will build a life far better than either of us can imagine alone."

Si Brent naman ang nagsuot ng singsing kay Jeyps. Tuluyan nang tumulo ang mga luha sa kanilang mga mata.

Sabay silang naghawak kamay at muling nagsalita.

"Today, I choose you to be my forever—a part of my heaven. I promise to care for you, stand beside you, and share with you all of life's adversities and all of its joy from this day forward, and all all the days of my life."

"You may now kiss each other," anunsyo ng pari.

Sa pagbigkis ng kanilang mga labi ay nagsitayuan kami at nagpalakpakan. Masakit, oo. Pero dapat maging masaya ako dahil natagpuan na nilang dalawa ang hinahanap-hanap nilang tunay na pagmamahal kaya rin nila ako nakilala. Hindi nman nila sa akin nakuha 'yon, at least, nakilala ko sila pareho. Isang malaking biyaya na 'yon.

Lumingon ako kay Ram. "Masaya. Fulfilled. Blessed. Natutuwa akong makita sila pareho na masaya. May part talaga na masakit pa rin pero kapag nakikita ko silang dalawa, kung paano sila tumingin sa isa't isa, grabe 'yong pagmamahal. At sobrang fulfilling no'n makita sa dalawang taong naging parte rin ng buhay ko."

Tinusta Ko Ang LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon