@jhazel_ann_05 here is your request. I hope you enjoy this.
**Kevin
Kailan mo ba masasabi na sapat na?Noon akala ko, kapag nagmahal ka, magiging masaya ka na. That was what movies always show, right? You fall in love, have some struggles, get the girl you love and then, live happily ever after.
But I know now that all of that are bulls.
I was 15 when I met Cara. She was sweet, innocent and kind. We both are interested in literature so, we easily formed a bond. I am her best friend, then and now.
And that is the reason why I have the honor to be there for her in good times and in bad times.
Well, not until she met Jasper.
When they started dating, I was fine with it. OK, not totally fine. Pero naisip ko, bilang best friend niya, kailangan ko suportahan ang mga bagay na magpapasaya sa kaniya. Kaya naman hinayaan ko siyang maging masaya kay Jasper.
Ngunit habang tumatagal na nakikita ko silang magkasama, may nag-iba sa akin.
I thought I was just adjusting in the fact that my best friend had other person in her life who she first tells everything.
Pero kinalaunan ay napagtanto ko kung ano ang nag-iba sa akin.
I was jealous. And I knew by then that I crossed that thin invisible line between friendship and something more unintentionally.
Ito ang sumpa ng pagiging best friend. Ang dumating ang panahon na hindi na lang pagkakaibigan ang gusto mo sa kanya.
Nang mapagtanto ko ang katotohanang iyon, pinilit kong kalimutan ang nararamdaman ko. Nakikita ko naman kasi siyang masaya kay Jasper. Sinabi ko na kung saan siya masaya, magiging masaya na rin ako para sa kaniya.
Ngunit hindi naging matagal ang pagiging masaya niya kay Jasper.
Ilang beses ko na ba siyang nakitang malungkot at umiiyak nang dahil sa lalaking iyon?
Ganun pa man, hindi niya makayang iwanan ang gagong yun. Mahal niya raw kasi.
That made me realize one thing. We're similar more than I thought. Maliban sa hilig namin sa literature, may isa pa kaming pagkakapareho. We were both fools when it comes to love.
Pero ano nga bang magagawa ko? Mahal niya si Jasper kaya sino ako para pigilan siya?
Pero minsan, kapag nakikita ko siyang umiiyak dahil sa 'tang'nang lalaking yun, gusto ko na lang sabihin sa kaniya na tigilan na niya ang pagpapakatanga sa lalaking iyon. Nandito naman ako. Ako, handa ko siyang mahalin ng buo. Hindi ko siya paiiyakin o sasaktan.
Minsan, gusto kong lumuhod sa harap niya at magmakaawa. Magmakaawa na sa akin na lang ibaling ang pagmamahal niya sa gagong iyon.
Pero tulad nga ng sinabi ko kanina, sino ba ako para pigilan siyang mahalin 'yong lalaking 'yon?
Dahil alam ko na kung kaya lang niyang kalimutan ang nararamdaman niya para sa taong hindi siya pinapahalagahan, matagal na niyang ginawa iyon para hindi masaktan. Tulad na lang ng kung kaya kong pigilin ang nararamdaman ko para sa kaniya, matagal ko na ring ginawa para hindi na ako nahihirapan ng ganito.
Tulad na lang ng paghihirap na nararanasan ko ngayon.
"May problema ba sa akin, Kevin? Why does he always take me for granted?" aniya. Halos isigaw na niya ang kaniyang sama ng loob habang umiiyak.
Again, her good-for-nothing boyfriend is the reason of her tears.
And again, I'm the one to wipe those tears away.
"Walang problema saiyo. Siya ang may problema dahil hindi siya marunong mapahalaga," alo ko sa kaniya bago ko siya niyakap nang mahigpit.
Ayaw ko man makita siya na umiiyak at nasasaktan, masaya ako kapag ako ang pinupuntahan niya sa mga ganitong pagkakataon. Because during these times, I could show her my concern... my care... my love. Though it was in exchange of her pain and tears. And despite the fact that her tear and pain can also make my heart break in pieces.
Ang mga ganitong pagkakataon ay tanging mga hiram lamang na sandali dahil alam ko, isang tawag o text lang ni Jasper sa kaniya, agad siyang tatakbo papunta sa lalaking 'yon. They would be OK again for several days before she would go running and crying back to me because of that asshole again.
It was a cycle. Their cycle. And somehow, it became my cycle too.
But despite all the pain and hurt it caused me, I wouldn't want to be ousted from their cycle. After all, I know that I would always let her use me as she will... To be her shoulder to cry on... To be there to comfort her... To be whatever she wants me to be.
That's how stupidly in love I am with her.
Sa oras na bumalik siya sa lalaking iyon, maiiwan ako at hihintayin siyang bumalik kapag kailangan niya ako. She could always leave me whenever she wants to but I will never leave her. I won't let her down.
Kahit pa masaktan ako, basta maging masaya siya, OK na ako.
Kahit pa maghintay ako ng matagal, mamanatili ako hangga't kailangan niya ako.
Kahit pa madurog ako, di ako siya iiwan.
Di ko alam kung sapat na ang nagawa ko para sa kaniya dahil sa palagay ko, I haven't gave my all yet.
I'll always be with her through it all. Always. Until I don't have anything to give anymore.
**
"Use me as you will,
Pull my strings just for a thrill.
And I know I'll be OK
Though my sky is turning gray."Your Guardian Angel
(Red Jumpsuit Apparatus)Virgin Records
©2007
Producer David Bendeth
Writer Ronnie Winter***
Author's Note:
I'm not sure if I was able to deliver the idea and emotion that I wanted to deliver in this story. Di kasi ako sanay sumulat ng POV ng isang lalaki kaya kung fail yung attempt ko, apologies. XDComment your favorite song in the first part and get a dedication! XD

BINABASA MO ANG
Memories&Melodies
General FictionMusic is not all about melodies... Sometimes, it's all about memories. - [A collection of songfic one-shots.]