"Ayoko nga kasi. Nakakatamad," nakasimangot na sabi ni Ally sa kausap niya sa phone. Konting konti na lang ay mapipikon na siya sa kakulitan ng kausap.
"Kahit kailan talaga tamad ka," sagot naman ng kausap niya sa telepono, si Troy. "Basta bawal kang tumanggi. Be ready. Susunduin kita diyan sa bahay niyo within an hour."
Bago pa man siya muling makatanggi ay binabaan na siya ni Troy. Napabuntong hininga na lang siya sa inasal ng kaibigan bago tumayo at naglakad papunta sa banyo para maligo.
As much as she wanted to keep her faux anger at Troy, she knew she couldnt. Sino bang niloloko niya? Alam naman niyang kahit anong pagmamatigas niya, hinding-hindi niya magagawang tumanggi kay Troy. Bukod kasi sa sobrang kulit nito, ito rin ang pinakamatalik niyang kaibigan. Unfortunately for her, hanggang doon na lang talaga sila.
Sa loob ng halos kalahating oras ay nagawa niyang maghanda para sa lakad nila. Clad with a white statement shirt, black jeans, navy blue converse shoes and her trusty eyeglasses, she exited her room and waited for her bestfriend in their living room.
Habang naghihintay an naisip niyang magbasa na lang muna pampalipas oras.As of the moment, she was in the middle of reading Scott Westerfelds Extras novel.Sa sobrang engrossed niya sa binabasa ay hindi niya namalayan na dumating na ang hinihintay niya at kasalukuyang naaaliw na nakatunghay sa kanya habang siya ay kumportableng nakaupo sa sofa.
Unti-unti, walang ingay na naglakad si Troy patungo sa likod ni Ally at nang masiguro nito na wala pa ring muwang ang dalaga sa nangyayari sa paligid niya, bigla niya itong ginulat. And her reaction did not disappoint. Dahil sa sobrang gulat nito ay nagawa nitong sumigaw ng makabasag eardrums at nahulog pa sa sofa.
"Aw," tanging naging daing ni Ally nang makabawi siya sa pagkagulat at nagawa nang tumayo.
Para namang tuwang tuwa si Troy sa nangyari at halos mangiyakngiyak pa sa kakatawa.
"You should have seen your face. Ang epic lang," sabi pa nito sa pagitan ng malulutong na halakhak bago pabagsak na umupo sa sofa katabi si Ally.
"Ha-ha. Masaya ka na niyan?" inis na sabi naman ni Ally para pagtakpan ang pagkapahiya at pamumula ng mukha.
"Alam mo namang masaya talaga ako tuwing nakikita kita," sagot ni Troy matapos ang mahabang tawa.
Looking upon his eyes, one would assume that he was somewhat crazily in love with her but she knew better. Sadyang expressive lang talaga ang mga mata nito at ganun lang talaga ito tumingin. Kahit pa nga galit ito, na minsan lang naman mangyari, sadyang maganda ang mga mata nito.
“Anyway, halika na," yaya nito kay Ally bago tumayo. "Tutulungan mo pa akong maghanap ng regalo para kay Mandy."
"Bakit ba kasi kailangang kasama pa ako? Alam mo namang ayaw nun sa akin," nakasimangot na ani ni Ally. Maging siya ay ayaw din sa nabanggit na babae. Si Mandy ay maituturing na Queen Bee sa kanilang college at kasalukuyang nililigawan ng best friend niya.
"Kaya nga tutulungan mo ako, di ba?" sabi nito na waring sapat na iyong dahilan sa tanong niya. Kinuha na rin nito ang librong binabasa niya kanina at nilagay sa maliit na black backpack na may print na Princess Bubblegum na favorite cartoon character niya. Isa itong personalized bag na niregalo sa kanya ni Troy.
"Pwede bang wag na lang akong sumama?" tanong pa ni Ally na nakasimangot pa rin. Wala naman akong alam sa mga hilig niya.
“Pretty please, Allison," he said, pulling a puppy dog face. "Kung gusto mo, Time Zone tayo pagkatapos para naman worth it ang pagsama mo," pangungumbinse pa nito.
"Fine," Ally said with a sigh. Really, who could say no to that face? Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sumama. "Basta libre mo."
“Yes!" Troy exclaimed happilly. "Alam kong hindi mo ako matitiis," dagdag pa nito sabay gulo sa buhok niyang pinaghirapan niyang i-fishtail.

BINABASA MO ANG
Memories&Melodies
General FictionMusic is not all about melodies... Sometimes, it's all about memories. - [A collection of songfic one-shots.]