Cara
Nang unang beses ko s'yang nakita, alam ko hindi s'ya makakabuti sa buhay ko. His bad image already reached my ears way before his good looks reached my eyes. Pero siguro nga natural tendency na ng tao na 'wag maniwala sa hindi nakikita. Ang tanging naisip ko na lang nang panahong magtama ang aming mga mata ay 'how can this man with an angelic face be a devil?'
Pero siguro nga looks can be deceiving. Dahil sa magandang physical appearance n'ya at sa lakas ng dating ay para akong gamugamung nabighani sa apoy na dala n'ya.
Marami nang nagsabi sa akin kung anong klaseng tao s'ya pero nagpatuloy ako sa paglipad palapit, 'di alintana ang panganib na naghihintay.
Kaya ngayon na nakakakita ako ng ibang gamugamu na nakapalibot sa ningas n'yang maliwanag, wala akong ibang masisi kung hindi ang aking sarili. Nasasaktan akong may ibang babaeng nakapaligid sa kanya. Ni hindi nya napansin na nasa iisang bar lang kami.
Overtime sa office. Can't eat dinner with you. See you some other time. I love you.
-Jasper'Yon ang kasinungalingan na laman ng reply n'ya sa text ko. I'm not surprised to find him here. After all, this id not the first time that this happened. Ilang beses na nga ba? Tsk, 'di ko na mabilang. Pero heto ako at parang tangang hindi pa rin s'ya mabitawan.
He was a notorious womanizer before I met him. At hindi dahil girlfriend n'ya na ako ngayon ay nagbago na s'ya. He is still the same, but maybe, minus the hook-ups.
Nilagok ko ang isang shot ng vodka na nasa harap ko habang pinagmamasdan pa rin s'ya nang palihim na nakaupo sa sofa 'di kalayuan kasama ang mga barkada n'ya at nagpapakasaya. And sitting beside him is a new girl I never met before. Ganyan naman s'ya bawat labas nila ng barkada n'ya. Palaging may bagong babae. He is attractive so, that's a given. At least, even there are a lot of girls interested in him, the worst that he would do was to entertain them.
Nanginginig ang kamay kong sinindihan ang sigarilyo sa bibig ko. Hindi ako mahilig magsigarilyo pero sa mga pagkakataong ganito, mas pipiliin ko na lang 'to kaysa sa umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Smoking is something that I learned from him.Siguro nga tanga ako na kahit nasasaktan ako ay hindi ko s'ya magawang hiwalayan. I'm just way too addicted to his soft hair, deep brown orbs, pointed nose and thin lips. He has the ability to make anyone feel like she is his whole world. At siguro tinatanggap ko na lang lahat kasi alam kong sa lahat ng babae n'ya, iba ako dahil sa akin s'ya nag-commit. Pero di ko alam kung dapat ko bang ipagmalaki 'yon.
Everyone already told me to leave him. Every person I came to know told me that I am better off without him in my life. Each one of them had called me stupid, desperate and downright idiot for staying with him. But what do they know? Sila ba ang nasasaktan? Sila ba ang umiiyak? Sila ba ang magdurusa kung mawala s'ya sa akin?
All of those things that they keep on saying, lahat yun alam ng logical part ng pagkatao ko. Pero matagal nang na-over power ng puso ko ang utak ko. Mahal ko eh. The heart wants what it wants.
I am on my fifth shot of vodka. Mababa ang alcohol tolerance ko kaya naman nalulunod na ako sa kalasingan ngayon.
I stood up and started walking towards where he is. Dahil nga lasing na ako, I kept on bumping from one person to another, trying hard to keep my balance. Umiikot na ang mundo ko kaya laking pasalamat ko nang marating ko ang pwesto nila ng mga barkada n'ya.
"Hey babe," I called for him before I sat on his lap and gave him a full kiss on the mouth. Naramdaman ko ang pagkagulat n'ya pero kaagad naman s'yang tumugon sa halik ko.
I gave him a toothy smile when we ended the kiss. Tinulak ko ang katabi n'yang babae para makaupo ako sa tabi n'ya. Narinig ko pa ang malulutong na mura nung babae pero di ko na pinansin. Di rin naman na n'ya pinansin yung babae. Instead, bumalik s'ya sa pakikipag-usap sa mga kaibigan n'ya.
Isinandig ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa na kinauupuan namin. Damn! I'm so drunk. Nahihilo na talaga ako at inaantok na rin.
I closed my eyes but opened them again when I felt him reach for my hand and pulled me towards him. Ang ending ay halos nakayakap na s'ya sa akin at nakasandig naman ang ulo ko sa dibdib n'ya.
He absentmindedly stroked my hair as he continued talking to his friends. Each stroke of his hand on my hair was relaxing, as if lulling me to sleep. Naramdaman ko rin ang marahang dampi ng kanyang labi sa aking buhok.
"Cara," he whispered my name in that soothing voice he has that I really love.
Nilingon ko s'ya at tinitigan sa kanyang mga mata. "Mmmm?" was my only reply.
"You tired?" he asked worriedly which instantly warmed my heart. "Gusto mo na bang umuwi?"
"Nah. You take your time," I said. Hindi s'ya umimik ngunit nanatili ang kan'yang nag-aalalang mata sa akin. I gave him a small smile to reassure him. Nang makunbinseng OK pa naman ako ay bumalik s'ya sa pakikipag-usap sa mga kaibigan. All the while making me comfortable and warm.
Ipinikit kong muli ang mga mata ko at napangiti. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko s'ya magawang iwan. Ito ang kaibahan ko sa mga ibang babaeng nakapalibot sa kan'ya. Dahil kahit gaano pa karami ang mga babaeng nakapalibot sa kan'ya, at the end of the day, sa akin pa rin s'ya. At kahit pa may kasama s'yang iba, if I demanded for his attention, ibibigay n'ya sa akin. At kahit pa nasasaktan n'ya ako, s'ya lang din ang nakakapagpasaya sa akin ng lubusan.
Yes, he is a womanizer. Yes, he goes out with different girls so damn much. Yes, he may not be the perfect guy. Oo, nakakatanga. Oo, nakakagago. Pero pinili ko s'ya kahit mahirap. At panindigan ko 'yon. I don't care about what other people will think because my heart wants him. And my heart always gets what it wants.
***
"This is a modern fairy-tale
No happy ending,
No wind in our sails.
But I can't imagine a life
Without breathless moments
Breaking me down..."
The Heart Wants What It Wants
(Selena Gomez )
Hollywood Records
©2014
Producer Rock Mafia
Writers Antonina Armato, Selena Gomez, Tim James, David Jost
/edited: 03042016/

BINABASA MO ANG
Memories&Melodies
Fiksi UmumMusic is not all about melodies... Sometimes, it's all about memories. - [A collection of songfic one-shots.]