3 - TG B1 and TG B2

267 7 2
                                    

TILI's POV

Linggo ngayon at gaya nga ng sabi ni mamita kahapon, lilipat kami ng titirahan ni Leslie. Maaga kaming nagising para maaga rin kami makarating doon sa bahay na sinasabi ni Ma-ma.

Ang parents namin? Hanapin niyo. Joke. Gaya nga ng sabi ko, anak ako ng may-ari na pinapasukan ko ngayong unibersidad. Ibig sabihin, si Daddy ay sa school nagtatrabaho. At si Mommy naman ay nasa ibang bansa for the other business.

"Nandito na po tayo, Princess Louise and Princess Leslie" sabi nung driver ni Mamita Hindi namin ginamit ni Leslie yung sari-sarili naming sasakyan, dahil pinamaneho ni Mamita sa mga driver yung sasakyan namin at pinadala na mismo doon sa titirahan namin.

"Please stop calling us, princess, manong." mataray na sabi ni Leslie. tapos ay binuksan niya na ang pinto at saka bumaba.

Masyadong excited si Leslie? Hindi hinintay na pagbuksan siya ng pintuan ng driver namin? Tsk.

Napalingon sa sa driver marahil ay napalingon din 'to mula sa kanyang likod. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ma'am? Ano pa pong kailangan niyo?" pagtatanong nito. Aba'y! Pinapainit nito ang ulo ko.

Kulang kami sa tulog ni Leslie dahil maraming ginawa kahit nasa bahay lang kami.

Maraming inuutos o pinapagawa sa amin si Marianne para sa event mamaya.

"So? Hindi mo ako pagbubuksan ng pinto? Nakakahiya naman sayo e. Teka. Bababa ako, at ikaw ang pagbubuksan ko. Nyemas na yan." iritang sabi ko sa driver. Tumawa lang siya at saka nagsalita.

"Haha. Yun yung namiss ko sa inyo ma'am e. Yung pagiging palaban o matapang niyo. Simula kasi nung natuto kayong magdrive ni Leslie, nakalimutan niyo na ako e." so? ano pinaparating niya? Siya kasi yung driver namin ni Leslie nung hindi pa kami marunong magdrive.

Hindi na ako sumagot at bumaba na yung Driver. Pero ang ikinagulat ko, si Leslie yung nagbukas ng pinto.

tinaasan niya ako ng kilay. "So? Ano? Hihintayin mong ibaba ka ng kotse? O ikaw na ang magkukusang bumaba dyan? Tanga, Louise!" sabi niya sa akin na nakapamewang pa.

"Get out of my site, Leslie." sabi ko at agad naman siya naglakad papalayo mula sa kinaroroonan ko at bumaba na rin ako ng sasakyan.

Bago ako umalis, tumingin ako sa driver namin at tumango bilang pagsabi na, okay na at pwede na siyang umalis.

**

 "Where the fuck are you?!" tanong ko sa kausap ko sa telepono.

"Ulol. Wag mo ako ma-english english dyan." sagot namn ng tao mula sa kabilang linya.

"Kapital F-U" mariin kong sabi sa kanya. "Nasaan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay sayo. Where the fuck are you, REESE?! Mauuna na kami at bahala ka na magayos ng gamit mo dito sa bahay!" sabi ko sa kanya. Akma ko na sanang bababain yung telepeno ng sumigaw siya.

"TRINITY!!! Kapital F-U! too!! Can't you wait? Maaga pa. Atat lang? I'll be there, at 10 mins. Fuck now!" tsaka niya binaba ang telepono. Bastos na 'yon!

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sofa. Gaya nga ng sabi ni Mamita, malaki ang bahay na ito para sa aming dalawa.

Pinatira na rin namin dito si Reese. At nagiisip pa kami kung sino ang pwede pang tumira dito dahil may limang master bed room ito.

At sa tingin ko, ipinasadya pa itong bahay na ito.

Syempre, ang kwarto ko ang may terrace. Tsk. Don't ask why.

"Nasan na yung hinayupak na 'yon?" tanong sa akin ni Leslie.

Kanina pa siya bored at hapon na rin pero wala pa rin si Reese. Hinayupak nga talaga. Magsasalita na sana ako ng..

Welcome to hell, welcome to Trinity's Gang (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon