2 - Oh tapos?

284 8 2
                                    

TILI's POV (Trinity Ida Louise Imperial)

Sabado ngayon at mamatay na nagtanong. Tsk. Tama yan, Trinity. Kausapin mo sarili mo.

Nandito ako ngayon sa secret hide out namin ng aming magaling na Gang. Yung pinuntahan namin kahapon, yun din yun. Yung kay Marianne. Malawak kasi dito at malayo talaga sa mga tao o mga bahay. Nasa mataas na lugar kami. At presko. Puro berde ang makikita mo dahil puro halaman. Basta bahala ka na magimagine. Psh.

Actually, hindi lang pala ako ang nandito. Kasama ko si Leslie, si Reese at yung babaeng baliw kahapon sa mall. Yung sinabihan ko na ako na yung gang leader yan. Tsk. Ang harot pala nun e.

At ito ako ngayon. Sobrang bored. Nakatungo lang ako at nakaupo sa sofa. Hinihintay matapos turuan si Alyson ng kung ano ano. Yung mas kinakarir yung pang aaway niya. Tinuturuan humawak ng baril. Mag maneho. At i think, mabilis lang siya matututo magmaneho.

Teka? Paano ko nalaman yung pangalan niya? Malamang, tinanong ko. Di biro lang. Sige na. Ikekwento ko na. Para sainyo! TSK!

*FLASHBACK*

Nandito kami sa mall para bumili ng damit. Friday ngayon. At walang pasok bukas. Malamang. Tsk. Tanga, Trinity!

"How dare you to hold what i want?! GIVE IT TO ME OR I'LL KILL YOU LIKE A PIG!" narinig kong sigaw nung babae dun sa loob ng isang botique.

Sabay sabay kaming patagil dahil sa narinig namin.

"Teka lang ha? Ako na una e? Bat mo inaagaw?" sabi nung isang poorita na may hawak sa kabilang dulo ng hanger.

"So? Mamatay na magtanong! Bibitawan mo ba o papatayin kita?!" Mariin niyang binigkas ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Ogosh. War freak. Nakatingin pa rin kami sa dalawang babaeng nagaaway. Like hell babyyy. Exciting to no. May nagaaway sa mall.

"If you can kill me." mapanghamong sabi nung babaeng kaagaw niya sa damit.

"What if? Kaya ko?"

Hindi niya na huinintay ang babae na sumagot at ilang sandali pa ay..

"TUMAWAG KAYO NG NURSE! OR MUCH BETTER KUNG AMBULANSYA!! DALI! BAKA MAMATAY TONG BABAENG TO!" sabi nung baklang nagbabantay din sa botique na yun.

Know what happened? Sinapak at sinipa niya lang naman ang babae. Wow. She's great!

"She's awesome. We need her to our gang. She can win some gang fights." manghang manghang sabi ni Reese.

Taong bundok talaga tong babaeng to, kahit kailan!

Hinintay naming makalabas yung babae at..

Bigla ko siyang hinatak sa braso dahilan para mapaharap siya ng pwersahan.

"WHO THE HELL ARE YOU?" mariin niyang sabi sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay, "Im you gang leader now." sabi ko sa kanya at makikita mo ang gulat na ekspresyon sa mukha niya.

Pagkatapos kong sabihin yun, nagpanic na siya at nagwala. Charot. Nagulat lang siya at napanganga. Psh. Ano meron sa sinabi ko? Weird talaga ng mga tao ngayon.

Nung nakita naman ni Leslie yung babaeng parang tanga dahil nakanganga sa harapan namin, kinausap niya na ito at pinakalma. Akala mo naman, may sunog kung pakalmahin. Oa nito ni Lelie! Lol.

Dumaretso lang kami sa isang Resto tapos sinabi na namin na gang member na siya at trainee palang. Tapos sinabi niya na yung pangalan niya. Basta! Yun na yon!

Welcome to hell, welcome to Trinity's Gang (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon