ang totoo parang gusto ko ng tapusin na ang BABY FACTORY na magyakap sila ... habang
buhay. hahaha Habang buhay na BS..hehehe nababaliw na naman si ako..
_casper_
CHAPTER 5
AARON'S POV:
Matapos ang aming "5 mins hug moment" eh bumaba na kami para mag dinner. Ayaw ko na nga
sana na bumaba kami eh, magkukulong na lang sa kwarto habambuhay.hehehe
Ewan ko medyo naiiyak talaga ako kanina,..gay..eww.. pero wala yun talaga yung nararamdaman
ko kanina kasi feeling ko mawawala sya sa akin. Ang OA noh? pero kung ang pag iyak ang
paraan para maniwala sya kahit madehydrate ako sa pag iyak gagawin ko.. bading
talaga,,hahaha Buti nga hindi nagalit nung halikan ko, hindi ko talaga napigilan eh, masisisi nyo
ba ako?? Hindi naman talaga ako nagmamadali na sagutin nya ako kasi ok naman talaga kami,
nag inarte lang talaga ako. Iniisip ko nga kung kami na o mag asawa na kami parang lagi akong susuko sa kanya. Pero ok lang kasi iisipin ko pa ba ung pride ko kung sya na ang pinag uusapan. Masyado ko syang mahal para ipagpalit sa kahit anung bagay o emosyon.
"ang tahimik mo?" kumakain na kami ngayon matapos naming iraid ang kusina nila.hehe anung
oras na ba? 11 pm na pala kaya yung family nya tulog na lahat. Masyado palang napatagal ang 5
mins ko. hahaha
"iniisip ko lang yung mga nangyari, sorry talaga YNA" siguro kailangan ko talagang bumawi.
BINABASA MO ANG
FIVE MINUTES (BABY FACTORY) [Unedited]
Romanceang hirap pigilang mahalin ang isang taong matagal mo ng mahal.. epal na utak.. takot na puso..