dedicated po sa kanya, pre cencia na ahh.. ngayon alam ko na kung bakit kakaiba ang topak ko dis week, hindi ko alam kung bakit ang init init ng ulo ko, yun pala yun after 3 months. alam mo na yun.. hehehe so pano po kitakitz po bukas
AARON'S POV:
Bumaba na din naman ako after akong iwanan ng topakin kong asawa, pero nasasaktan pa din talaga ako, tas hindi pa din nya ako pinapansin, hindi naman nakakahalata ang mga magulang ko kasi ngumingiti pa din naman sya sa mga ito.
"iho, kung mag focus ka na lang kaya sa business natin?"
Hay, alam ko naman ko naman na darating yung time na ako yung hahawak ng business namin eh, makulit lang talaga ako dati na ayaw ko silang pakinggan.
"pag iisipan ko po mom, saka pag uusapan pa po namin ni Yna"
Tumingin ako kay Yna, ngumiti lang sya pero alam ko na hindi yun para sa akin, para lang hindi makahalata sina mommy.
"iha, ikaw ba ayaw mo din na lumipat sa laboratory natin? ang pagkakatanda ko pareho naman kayo ni Aaron ng course kaya pwedeng pwede ka dun, o kahit sa research and development department, malaking tulong ka dun iha"
Nabanggit ko ba dati na ang business namin ay pagawaan ng gamot? Kaya nga Chemical Engineering ang course ko para makatulong ako sa business namin balang araw.
"pag isipan ko po, napamahal na din po kasi ako sa trabaho ko, 5 years na ako dun"
"ganun ba iha, sige ok lang naman yun"
"iho san ba kayo nakatira ngayon??"
"nagrerent po kami na isang bahay na malapit sa company, gusto po sana ng magulang ni Yna sa kanila na kami kaso po ito pong manugang nyo mahiluhin sa byahe"
BINABASA MO ANG
FIVE MINUTES (BABY FACTORY) [Unedited]
Romanceang hirap pigilang mahalin ang isang taong matagal mo ng mahal.. epal na utak.. takot na puso..